NASA P198,000.00 ang halaga ng pinaniniwalaang smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police – Maritime Group Region 3, kasunod ng isinagawang entrapment operation sa Villa Juana Compound sa Barangay Rizal sa Bataan.
Ayon sa ulat na isinumite ng PNP Maritime Group sa punong himpilan ng PNP-PRO 3, walong karton ng “Modern” cigarettes ang nakumpiska mula sa dalawang suspek na kanilang naaresto.
Hindi muna pinangalanan ang dalawang suspek na may edad na 32-anyos at 40-anyos na lalaki, dahil sa isinasagawang follow-up operation.
Ayon sa ulat, ikinasa ang buy-bust operation matapos na magpositibo ang ikinasa nilang test buy.
Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8524, o The National Internal Revenue Code of 1997 ang dalawang nadakip na mga suspek.
(JESSE RUIZ)
75 