BALIGOD, 18 EX-MARINES MULING INIREKLAMO NG PERJURY, CYBERLIBEL SA DOJ

NAGSAMPA ng reklamong perjury at cyberlibel sa Department of Justice (DOJ) si Iloilo City Lone District Rep. Julienne Baronda laban kay Atty. Levi Baligod at 18 dating miyembro ng Philippine Marines.

Nag-ugat ang kaso sa pagkakadawit umano ni Baronda sa alegasyon ng pagtanggap ng maleta-maleta umanong pera bilang kickback sa mga proyekto ng pamahalaan, kabilang ang flood control projects.

Ayon kay Atty. Jeric Jucaban, abogado ng kongresista, pormal nang inihain ang mga reklamong perjury at cyberlibel laban sa mga respondent.

Sinabi naman ni Baronda na posibleng nadamay ang kanyang pangalan dahil sa kanyang matatag na paninindigan at pagtatanggol sa Iloilo City.

Aniya, naging aktibo siya sa pagsagot sa mga akusasyong tumawag sa Iloilo bilang isang “shabulized city” o lugar na talamak umano ang iligal na droga.

Inaasahang magsasagawa ng paunang pagsusuri ang DOJ sa reklamong inihain upang matukoy kung may sapat na basehan para ituloy ang kaso.

(JULIET PACOT)

75

Related posts

Leave a Comment