DALAWA pang kumpanya ang sinampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong smuggling sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng mga kargamentong ipinasok sa Cagayan de Oro at Subic nito lamang nakalipas na anim na buwan. Sa kalatas ng BOC, unang kinasuhan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) ang UHE Trading na nagtangkang magpuslit sa bansa ng 900 master cases ng sigarilyo sa Port of Cagayan de Oro nitong Enero 18, 2022. Bukod sa kasong kriminal, kabilang rin sa asuntong kinakaharap ng UHE Trading ang paglabag sa Republic Act…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
MALILIGAYANG ARAW NG AGRI-SMUGGLERS BILANG NA – BOC
BILANG na ang araw ng mga sindikato sa likod ng agri-smuggling. Ito ang pagtitiyak ni Bureau of Customs (BOC) Assistant Commissioner Vincent Maronilla sa pagdinig ng senado, kasabay ng paglalahad ng mga mekanismong nakapaloob sa kanilang digital operations. “As for the Bureau of Customs, our data is based on actual import volumes, and we want to verify with the Department of Agriculture if the same is the basis for the data they presented or is it based on actual import permits that were issued but disregarded whether these import permits…
Read MoreSuspek kumpirmadong gun-for-hire 1 BARIL LANG GAMIT SA 3 PANANAMBANG
KUMPIRMADONG gun-for-hire ang nasa likod ng tatlong insidente ng pananambang sa hanay ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs mula Enero hanggang Pebrero, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa isang pulong balitaan nitong nakaraang linggo, haya-gang sinabi ni PNP spokesperson Colonel Jean Fernando na iisang armas lamang ang ginamit sa tatlong magkakahiwalay na pamamaril noong Enero 7, Enero 14 at Pebrero 11, 2022. “Doon sa insidente sa January 7, January 14, and February 11, based po doon sa cross-matching natin ay iisa yung baril na ginamit, 9…
Read MoreP109.2M DROGA TIMBOG SA HOLY WEEK DRUG OPS
Ni JOEL O. AMONGO TUMATAGINTING na 108.6-milyong halaga ng droga ang kumpiskado sa magkahiwalay na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at mga katuwang na ahensya nito lamang nakaraang linggo ng Semana Santa sa Quezon City at Cavite. Sa pinagsanib na operasyon kontra droga ng mga operatiba mula Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City Police District (QCPD, Philippine National Police – Drug Enforcement Group, (PNP-DEG) at National Capital Region Police Office (NCRPO), kumpiskado ang tinatayang nasa 12 kilo ng shabu…
Read MoreKARAHASANG AYAW PATINAG
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO TALIWAS sa paniwala ng mga kawani ng Bureau of Customs, hindi pa rin pala ganap na ligtas ang kanilang hanay sa banta ng mga kriminal makaraang dakpin ng pulisya ang isang suspek na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng pamamaslang sa mga opisyal at empleyado ng naturang ahensya ng pamahalaan. Sa pagsambulat ng balitang pananambang sa isang 3-anyos na abogado mula sa internal and prosecution division, na nangangasiwa sa pagsisiyasat at pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwali sa loob ng kawanihan, malinaw na hindi…
Read MoreDIVI NIGHT MARKET SINALAKAY, SMUGGLED NA GULAY NAHAGIP
Sa kabila pa ng mas mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC) sa mga daungan ng mga kalakal, patuloy pa rin ang bentahan ng mga smuggled na gulay sa mga pamilihan, kabilang ang Divisoria Night Market sa Maynila kung saan kahon-kahong smuggled carrots at broccoli ang nasabat nito lamang Lunes ng gabi. Kasama ang mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI), ikinasa ang pagpapatrolya sa mga lugar na pinaniniwalaang laganap pa rin ang bentahan ng mga gulay na ipinuslit sa bansa mula…
Read MoreQ1 COLLECTION TARGET, MANING-MANI SA MICP
SA kabila pa ng sumpunging klima ng ekonomiya, walang kahirap-hirap na nalagpasan ng Manila International Container Port (MICP) ng Bureau of Customs (BOC) ang itinakdang target collection para sa unang sangkapat (quarter) ng kasalukuyang taon. Sa datos na inilabas ng tanggapan ng kawanihan, lumalabas na nakalikom ng tumataginting na P16.3 bilyong pondo ang MICP para sa buwan pa lang ng Marso 2022 – pinakamataas sa kasaysayan ng nasabing tanggapan ng kawanihan. Ayon kay MICP District Collector Romeo Allan Rosales, higit pa sa buwanang target, lumabis pa sa kanilang P40.7-bilyong quarterly…
Read MoreREVENUE PARTNERS SA CLARK, KINILALA
BUKOD sa masigabong palakpakan, isang makabuluhang pagkilala ang iginawad kamakailan ng Bureau of Customs – Port of Clark sa limang pribadong kumpanya para sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng kalakalan sa bansa. Kabilang sa pinarangalan bilang katuwang ng pamahalaan sa ginanap na Annual Recognition of Partners and Top Revenue Contributors for 2021 Yokohama Tire Philippines, Inc., PTT Philippines Corporation, Viskase Asia Pacific Corporation, Federal Express Pacific, LLC at ang United Parcel Service, Inc. Pasok din sa kategorya ang mga katuwang na ahensya ng kawanihan – ang Clark Development Corporation…
Read MoreRecord-breaking BOC collection P70.72B BUWIS PASOK SA BUWAN NG MARSO
TUMATAGINTING na P70.72 bilyong pondo ang ipinasok ng Bureau of Customs (BOC) para lang sa buwan ng Marso bunsod ng mas masiglang kalakalang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Sa tala ng BOC, lumalabas na higit na mataas ang nalikom na pondo nitong nakaraang Marso mula sa buwis at taripang kalakip ng mga kargamento kumpara sa itinakdang P57.69 bilyong target para sa naturang buwan – katumbas ng 22.6% na labis sa koleksyon. “The BOC posted a surplus of P13.037 billion or 22.6% higher than its target, and remarkably,…
Read More