BANGIS NG BOC VS. SMUGGLERS, BUMIDA SA ADAS

SA pagtatapos ng 4th Asian Defense and Security Summit 2022 World Trade Center, ibinida ng Bureau of Customs (BOC) ang bangis ng kawanihan sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga sindikato sa likod ng smuggling operations sa bansa. Sa harap ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya mula sa bansa sa mga karatig bansa sa Asya, ipinamalas ng mga tanggapan sa ilalim ng kawanihan ang mga kakayahang tumugon ng BOC hindi lamang laban sa mga smugglers kundi maging sa mas matinding hamon ng kalakalan. Magkatuwang na inilahad ng BOC-Enforcement and…

Read More

DA EXECS PASOK SA PALM OIL SMUGGLING PROBE

MAKARAANG igisa sa Kamara, isang malalimang imbestigasyon ang ikinasa ng Department of Agriculture (DA) sa mga opisyal at kawaning pinaniniwalaang nakipagsabwatan sa mga importers para palusutin ang pag-aangkat ng palm oil na ikinukubli bilang animal feeds sa hangaring maka­iwas sa buwis at taripa. Giit ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano, ma­tagal na nilang binubusisi ang mga sumbong hinggil sa mga tiwaling DA officials at personnel. “In fact, we have been investigating the alleged smuggling of palm oil as animal feeds but is processed as cooking oil for human consumption as early…

Read More

SMUGGLED CARROTS, LUYA TIMBOG SA BOC JOINT OPS

SA kabila ng mas pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa agri-smuggling, patuloy pa rin ang paglaganap ng mga puslit na gulay sa merkado – patunay nito ang resulta ng pinakahuling operasyon ng kawanihan kung saan hagip ang bulto-bultong carrots at luyang lantarang ibinebenta sa lungsod ng Maynila. Sa pinagsanib na operasyong inilunsad ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC-Manila International Container Port (BOC-MICP), Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry, Department of Trade and Industry, Criminal Investigation and Detection…

Read More

DINEDMANG CHEDENG ISUSUBASTA ULIT

MATAPOS ang dalawang bigong tangkang pagdidispatsa, nakatakdang isubasta ng Bureau of Customs (BOC) sa ikatlong pagkakataon ang isa sa mahabang talaan ng mga mamahaling sasakyang nasabat ng ahensya. Target ng BOC na makalikom ng hindi bababa sa P4.7 milyon sa public auction kung saan tampok ang isang brand new Mercedes Benz G500 na nasabat ng ahensya taong 2020. Sa hudyat ng Port of Manila, gaganapin ang aktuwal na pagsusumite ng bid price sa Miyerkules (Abril 27) sa tanggapan ng Bureau of Treasury (BTr) sa lungsod ng Maynila. Kabilang naman sa…

Read More

KASONG KRIMINAL ISINAMPA KONTRA SMUGGLERS – BOC

Ni JOEL O. AMONGO HINDI pa man nangangalahati ang kasalukuyang taon, pumalo na sa 73 kataong pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng iba’t ibang klase ng kargamento ang sinampahan ng kasong kriminal sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa unang tatlong buwan ng 2022. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), pasok sa 30 asuntong inihain ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) mula Enero hanggang Marso ang mga importers, exporters at licensed customs brokers na umano’y nagsabwatan sa pagpapa­lusot ng mga kontrabando sa kabila ng mga pinaiiral na reglamento…

Read More

SCAM ALERT, HIRIT NG BOC

MULING naglabas ng isang scam alert ang Bureau of Customs (BOC) bunsod ng kabi-kabilang sumbong hinggil sa mga indibidwal na umano’y nagpapanggap na kawani o “malakas” sa ahensya, kasabay ng panga­kong milyong kita sa paglabas ng mga naipit na kargamento. Sa kalatas ng BOC, partikular na tinukoy ng ahensya ang mga negosyante bilang target ng umano’y mga notoryus na grupong nag-ooperate gamit ang social media. Paglilinaw ng kawanihan, walang sinumang itinalaga para makipagtransaksyon ga­mit ang BOC, kasabay ng giit na 82% ng kanilang operasyon ay automated transactions at ‘di kailangan…

Read More

Para sa 1st quarter ng 2022 P60-B KITA PASOK SA FUEL MARKING

TUMATAGINTING na P60.15 bilyon ang ipinasok na pondo ng Bureau of Customs (BOC) para sa unang tatlong buwan pa lang ng kasalukuyang taon sa pagpapatuloy ng pina­igting na programa kontra fuel smuggling. Sa pahayag ng BOC, ang nasabing halaga ay katumbas ng buwis at taripang nalikom mula sa 4.724 milyong litro ng mga produktong petrolyong inangkat ng 28 kumpanya ng langis para sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso sa ilalim ng umiiral na Fuel Marking Program ng nasabing kawa­ni­han. Sa datos ng ahensya, pumalo na sa 39.316 bilyong…

Read More

LIBRENG SPEEDBOATS, BIGAY NG BOC SA PNP

DALAWANG bangkang de motor ang inihandog ka­makailan ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga sa Philippine National Police (PNP) na katuwang ng kawanihan sa pagbabantay ng mga karagatan sa katimugan kung saan karaniwang ibinabagsak ng mga piratang dagat at smugglers ang mga kontrabandong pilit na ipinupuslit sa bansa ng mga smuggling syndicates. Sa ginanap na pagtitipon ng BOC-POZ kasama ang mga stakeholders, pormal na isinalin sa pangangalaga ng PNP Maritime Group ang Deed of Donation na nilagdaan nina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at PNP chief General Dionardo Carlos…

Read More

OPISYAL AT KAWANI, HUHUBUGIN SA CUSTOMS TRAINING INSTITUTE

boc

BUKOD sa modernisadong pasilidad, higit na angkop ang pagkakaroon ng mga mahusay, masigasig at tapat na kawani ang Bureau of Customs (BOC), ayon kay Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero. Sa pagpapasinaya ng BOC Customs Training Institute (CTI) facility sa ikalawang palapag ng Citadel Building, sa kahabaan ng 21st Street, Port Area, sa lungsod ng Maynila, ibinida rin ni Atty. Noemi Garcia na tumatayong Chancellor ng nasabing pasilidad, ang buting dulot ng pagsa­sanay ng mga kawani – at maging ang mga susunod na henerasyon ng mga opisyal ng nasabing ahensyang da­ting kilala…

Read More