ATAS NG DOF SA BOC: KILOS KONTRA SCAM

boc

SA gitna ng mga ulat kaugnay ng kaliwa’t kanang modus ng mga sindikato gamit ang digital platform, inatasan ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang iba’t ibang revenue-generating agencies kabilang ang Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang mekanismo ng automated system bilang proteksyon laban sa mga hackers at iba pang banta ng mga cybercrime syndicates. Sa isang pulong, hinimok din ni Dominguez ang mga kinatawan ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) na tiyaking hindi mapapasok ng mga hackers at cybercriminals ang kani-kanilang web portals kung saan nakalagak ang…

Read More

Labis pa sa January target collection MAGANDANG BUENA MANO

boc

NAGING maganda ang pagbubukas ng taong 2022 para sa Bureau of Customs makaraang makapagtala ng labis pa sa target collection ang kawanihan sa unang buwan pa lang ng taon. Sa inilabas na datos ng BOC, pumalo sa P58.158 bil­yon ang pumasok na kita sa ahensya, higit pa sa itinakdang target na P52.123 bilyon o labis pa ng P6.035 bilyon – katumbas ng 11.58% increase. Base sa paunang ulat  ng  BOC-Financial Service, 14 sa 17 collection districts ang ta­gumpay na maabot ang kani-kanilang takdang target — Port of San Fernando, Port…

Read More

DUGTONG BUHAY SA DUGUYANIHAN

boc

HINDI limitado sa mandatong pangongolekta ng taripa at pagpuksa sa sindikato sa likod ng smuggling activities ang kayang ibigay ng Bureau of Customs (BOC), ayon sa Port of Cebu kasunod ng pagsasagawa ng isang programang nagsusulong ng bayanihan sa kalusugan. Kamakailan lamang, isinagawa ng BOC-POC, sa pakikipagtulungan ng Department of Health-Regional Office VII, National Voluntary Blood Services Program (NVBSP), Subnational Blood Center for Visayas (SNBCV), at Cebu Portmen Eagles Club ang programang Duguyanihan sa hangaring makapagbigay ng dugong maaaring gamitin sa pagsagip at pagdurugtong ng buhay. Kabilang sa mga nakiisa…

Read More

KENDI, VAPE JUICE HINALUAN NG MARIJUANA SILAT SA BOC

boc

HINDI nakalusot sa mga mapanuring operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpuslit ng droga sa bansa. Sa pinakahuling tala ng ahensya, silat sa Central Mail Exchange sa Pasay City ang mga bagaheng naglalaman ng mga kendi at vape juice na napag-alamang sinangkapan ng marijuana. Arestado rin ang nagpakilalang Elvira Vicente nang tangkaing kunin ang bagahe sa Central Mail Exchange gamit ang isang letter of authorization na nilagdaan ng isang Vincent Castillo na nakatalang claimant ng naturang kontrabandong idineklarang damit at mga panregalo. Sa imbestigasyon ng BOC sa…

Read More

1,034 CHAINSAW, TIMBOG SA MICP

boc

MALAKING perwisyo sa mga nalalabing kagubatan sa bansa ang naiwasan kasunod ng pagkabulilyaso ng tangkang pagpasok ng isang dambuhalang container na naglalaman ng hindi bababa sa 1,034 pirasong chainsaw na karaniwang gamit ng mga sindikato sa likod ng operasyon ng illegal logging sa mga kabundukan. Sa isang kalatas ng Bureau of Customs (BOC), tagumpay ang inilunsad na operasyon ng Enforcement and Security Service-Environmental Protection and Compliance Division (ESS-EPCD) ng Manila International Container Port (MICP), makaraang matukoy ang kargamentong saad ng isang intelligence report kaugnay ng kontrabandong inangkat mula sa bansang…

Read More

MONEY LAUNDERING BULILYASO, 2 HAPON ARESTADO SA NAIA

boc

ARESTADO sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Aviation Security Command (AVSE­COM) ang dalawang Japanese nationals na nagtangkang magpuslit sa bansa ng tumataginting na 100 mil­yong yen sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Gayunpaman, muntik nang makalusot ang mga suspek na kinilalang sina Yuzuru Marumo at Masayuki Aoyagi nang biglang sumulpot ang isang armadong grupong nagpakilalang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at kinuha sa kanilang kustodiya ang mga suspek na dadalhin na sana ng mga operatiba ng BOC sa detention facility ng kawanihan…

Read More

BAGSAKAN NG KONTRABANDO

imbesigahan natin Ni JOEL O. AMONGO HINDI na bago ang pamamayagpag ng Divisoria sa tuwing sasapit ang tinatawag na peak season tulad ng pagbubukas ng klase, piyesta at maging sa tuwing sasapit ang kapaskuhang mistulang pagkakataon para sa mga sindikatong hangad ay perahin ang mga ipinuslit na kalakal mula sa ibang bansa. Ang totoo, ang Divisoria ang paboritong puntahan ng mga maliliit na negosyanteng hangad ay makamura sa kanilang kabuhayan. Bakit nga naman hindi? Hindi hamak na mas mababa ang presyo ng halos lahat ng kalakal sa Divisoria. Lingid sa…

Read More

P165.9B BUWIS, NALIKOM SA ANTI-FUEL SMUGGLING

NAGBUNGA ng tumataginting na P165.9 bilyon ang kinita ng pamahalaan sa ilalim ng isang mekanismong inilatag para tiyaking bayad ang buwis ng mga produktong petrolyong ibinebenta ng mga kumpanya ng langis sa merkado. Mula buwan ng Enero hanggang Disyembre, umabot naman sa mahigit 17 bilyong litro ng gasolina, krudo at kerosene ang ininspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) sa mga establisimyentong nagbebenta ng mga produktong petrolyo sa mga motorista at mga kapitalista. Inumpisahang ipatupad noong Setyembre 2019, ang Fuel Marking Program ayon pa sa BOC ay isang programang nagbibigay katiyakang…

Read More

PEKENG ANTIGEN KITS AT GAMOT SILAT, TSINONG NEGOSYANTE ARESTADO

HINDI bababa sa P150 mil­yon halaga ng iba’t ibang pekeng antigen test kits, gamot, facemask at mga iba pang branded merchandise ang sinamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa isang operasyon sa lungsod ng Maynila. Sa tulong ng isang impormante, partikular na sinalakay ng BOC ang isang bodega kung saan umano nakabarega ang mga bagong puslit na kargamento. Bitbit ang isang search warrant sinalakay ang pakay na bodega kung saan tumambad ang mga kahon-kahong medical logistics mula sa bansang Tsina. Kabilang sa mga kinumpiskang kalakal ang mga…

Read More