SA hudyat ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, inaasahan ang muling pagdagsa ng mga pasahero at kargamento sa Ninoy Aquino International Airport, bagay na pinaghandaan na ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa nasabing Paliparan. Pagtitiyak ni BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, handa ang mga BOC personnel na bahagi ng kanyang tanggapan sa hamong kalakip na inaasahang pagdagsa ng mga turista, overseas Filipino workers, balikbayan at maging ng mga mangangalakal na dumadaan sa kanilang kawanihan. Katunayan aniya, nagdagdag na sila ng mga tauhan sa…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
Unang 6 na linggo pa lang yan! P769.7-M SMUGGLED GOODS KUMPISKADO
SA pagpasok pa lang ng unang anim na linggo ng 2022, agad bumulusok ang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga tangkang pagpuslit ng mga iligal na kargamentong nagkakahalaga ng tumataginting na P767 milyon, ayon mismo sa Department of Finance (DOF). Sa datos ng DOF, lumalabas na naging mas aktibo ang kawanihan sa paglulunsad ng 33 search and seizure operations mula unang araw ng Enero hanggang Pebrero 11. Kabilang sa mga nasabat ng BOC ang P420-milyong halaga ng mga sasakyan at mga piyesa, P221-milyong halaga ng mga sigarilyo,…
Read MoreDAGDAG P378.4B NALIKOM SA FUEL-MARKING NG BOC
HINDI bababa sa P378.4 bilyon ang nalikom ng gobyerno mula sa buwis at taripa ng mga inangkat na langis sa ilalim ng fuel-marking program ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng inilunsad na kampanya ng pamahalaan laban sa oil smuggling. Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez, higit pa sa nasabing halagang nalikom ng pamahalaan mula Setyembre 2019 hanggang Pebrero ng kasalukuyang taon ang kayang isampa ng BOC sa napipintong paglulunsad ng sistema ng kawanihan bago pa man sumapit ang takdang panahon inilatag ng kagawaran para sa implementasyon…
Read MoreINOSENTENG BIKTIMA, INOSENTENG SUSPEK?
MAKALIPAS ang halos tatlong buwan, nananatiling palaisipan ang motibo sa likod ng serye ng pamamaslang sa hanay ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC). Giit ng mga nakaantabay na miron sa ahensyang kilala sa katiwalian, magkakaugnay ang mga nasabing insidenteng kinasasangkutan ng mga diumano’y sangkot sa korapsyon. Anila, target likidahin ang mga taong masyado nang maraming alam sa bulok na kalakaran sa nasabing kawanihan. Kung tutuusin, angkop lang naman ang linisin ang BOC, maging iba pang ahensya ng pamahalaan. Subalit tila kalabisan naman kung pati mga inosente…
Read MoreP6.8-M DROGA SILAT, PINUSLIT SA NAIA, CLARK
TUMATAGINTING na P6.8-milyong halaga ng droga ang timbog ng mga listong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa Clark, Pampanga at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay. Sa Clark, P5.4 milyong halaga ng ecstasy tablets na idineklarang “bass booster speakers” mula sa Brussels, Belgium ang natunugan ng mga alertong operatiba ng BOC-Port of Clark makaraang isailalim sa x-ray scanning ang kontrabando. Isinagawa ang pisikal na pagsusuri na humantong sa pagkumpiska ng isang speaker at 4 packs ng self-sealing plastic sachet na itinago…
Read MoreBOC-NAIA BORDER CONTROL VS. DROGA, APRUB SA PDEA
HINDI matatawaran ang kontribusyon ng Bureau of Customs (BOC) sa kampanya kontra droga ng administrasyon Duterte, ayon mismo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasabay ng paggagawad ng pagkilala sa pinaigting na border control sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Partikular na tinukoy ng PDEA ang Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Group (NAIA-IADITG) na anila’y nasa likod ng mga matagumpay na operasyong nagbigay daan sa pagsabat ng P122-milyong halaga ng iba’t ibang klaseng droga sa 57 magkakahiwalay na pagkakataon mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraan taon. Sa isang…
Read MoreBureau of Customs CIENTO VEINTE Ni ANGEL F. JOSE
SA loob ng mahabang panahon, naging sandigan ng ekonomiya ng bansa ang Bureau of Customs (BOC) na ang tanging mandato ay pangasiwaan ang kalakalan ng Pilipinas sa iba pang bansa sa mundo. Katunayan, higit pa sa karaniwang kawanihan ang ambag ng ahensyang higit na kilala bilang isa sa pangunahing pinaghuhugutan ng pondong ginagamit ng gobyerno para matustusan ang mga makabuluhang programa at kapaki-pakinabang na mga proyekto. Sa datos ng Department of Finance (DOF), lumalabas na tanging ang BOC ang tagumpay na nakaabot ng itinakdang target na kita sa mga ahensyang…
Read MorePORT OF CEBU NAGPASIKLAB, COLLECTION LABIS PA NG 70%
UNANG buwan pa lang ng 2022, agad na nagpasiklab ang Port of Cebu makaraang nakapagtala ng 70% na labis sa kanilang itinakdang January revenue collection target. Sa tala ng Bureau of Customs (BOC), nakapagpasok agad ang Port of Cebu ng tumataginting na P3,311,489,821.67 – katumbas ng 70% na labis kumpara sa P1.942-bilyong revenue collection target para sa buwan ng Enero. Batay sa datos ng ahensya, lumalabas na record-breaking para sa Port of Cebu ang naitalang collection at ang kalakip na P1.370-bilyong surplus, mula sa buwis at taripang katumbas ng mga…
Read More120th anniversary ng BOC MGA SALTONG KAWANI TABLADO SA P3K BONUS
BILANG pagkilala sa husay, sigasig at katapatan ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC), isang kalatas ang nilagdaan at inilabas ng pamunuan ng kawanihan, kasabay ng ika-120 anibersaryo ng nasabing ahensya – isang anniversary bonus sa mga opisyal at kawani ng BOC. Sa isang pahayag, inamin ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na hindi naging madali para sa kanilang ahensya ang nakalipas na dalawang taon. Gayunpaman, nagawa aniya ng BOC na tugunan ang hamon ng pandemya sa pagtatala ng higit pa sa kanilang itinakdang revenue collection target. Bilang sukli…
Read More