EMERGO, INASUNTO NG POM SA DOJ

INASUNTO ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC – POM) sa Department of Justice (DOJ) ang EMERGO Gene­ral Merchandise kaugnay sa misdeclaration ng P1.95 milyong halaga ng general merchandise.

Nitong Hunyo 4 isinampa ang mga kaso laban sa EMERGO dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may kinalaman sa Seksiyon 1 ng Republic Act 4653, o ang “An Act To Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation By Declaring It A National Policy To Prohibit The Commercial Importation of Textile Articles Commonly known As Used Clothing and Rags” at Revised Penal Code.
Pinamumunuan ni District Collector Michael Angelo Vargas ang POM.

Kaugnay nito, tiniyak ng pamunuan ng BOC na sa pamamagitan ng BATAS ay pinaninindigan at isinasakatuparan ang pangako nitong sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang mga importer at Customs brokers na tahasan at sadyang nagbabalewala sa mga batas hinggil sa tamang proseso ng pag-angkat at pagpasok ng mga produkto sa bansa.
(Jo Calim)

181

Related posts

Leave a Comment