SINAMPAHAN ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong kriminal ang G. ARABIA PLATINUM Construction and Development Company sa Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y misdeclaration ng used cargo trucks at general merchandise na P4.39 milyon ang kabuuang halaga. Isinampa ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) at ng Port of Manila (POM) ang mga kaso bilang bahagi ng kampanya ng BOC laban sa iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa. Maliban sa G. Arabaia, kasama rin sa kaso ang Customs brokers ng nasabing mga misdeclared products. Ayon sa…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
P16 – M halaga ng mga sasakyan, naharang CAR SMUGGLING BINIGO NG BOC – MICP
Ni JOEL O. AMONGO HINDI naganap ang pagtangkang car smuggling ng isang kumpanya makaraang biguin ng Bureau of Customs – Manila Manila International Container Port (MICP) ang iligal na pagpasok ng mga magagarang sasakyan sa bansa noong Hunyo 9. Naganap ang mahusay na operasyon ng BOC – MICP nang harangin ng operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) laban sa kumpanyang nagtangkang ipuslit ang mga mamahalin at magagarang sasakyan noong Miyerkules. Ang mga nakumpiska ng opisyal at kawani ng MICP – CIIS ay mga bagong Land Cruiser, 2016 Nissan…
Read MoreBOC-NAIA MABILIS NA TINANGGAP ANG 1M DOSES NG SINOVAC VACCINES
MABILIS na tinanggap ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA) ang 1 milyong bakunang Sinovac ng China laban sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Nakapangalan sa Department of Health (DOH) ang mga bakuna na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Hunyo 6, sa pamamagitan ng Cebu Pacific Air Flight 5J-671 dakong 7:22 ng umaga. Ang shipment ay agad isinakay sa dalawang reefer vans at ibiniyahe sa Pharmaserv Cold Storage Facility sa San Roque, Marikina City. Guwardiyado ito ng BOC-NAIA CoVax Task Force at…
Read More‘Di nakalusot sa BOC – NAIA P4-M ‘PAPER HAND TOWEL’ NABISTONG YOSI
HINDI nakalusot sa operatiba ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC – NAIA) ang P4 milyong halaga ng 2,520 reams ng sigarilyo mula sa tiwaling importer na nakabase sa Quezon City. Ang nasabing produkto ay idineklarang “paper hand towel” na tinangkang ipuslit papuntang Australia nitong Hunyo 5, ngunit naharang at nakumpiska ng mga tauhan ng BOC – NAIA. Batay sa ulat, ang shipment na patungo sa South Geelong Victoria, Australia ay kinomisyon para sa export ng kumpanyang nakabase sa Novaliches, Quezon City. Sa isinagawang physical examination ng…
Read MoreMALALAKING PORTS TINALO NG MALILIIT SA KOLEKSYON
MAYROONG malalaking ports sa labingpitong ports (collection districts) ng Bureau of Customs (BOC) na tinalo ng maliliit na ports ang kanilang kita, o koleksyon sa duties at taxes. Base sa nakuhang datos para sa Marso, Abril at Mayo, anim sa 17 ports ang lumampas ang koleksiyon mula sa kanilang target para sa nasabing tatlong buwan. Ito ay ang Port of Fernando sa La Union, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Davao at Port of Subic. Pito naman ang nakadalawang buwan lang ang lagpas sa target…
Read MorePILIPINAS, PINUNO NG ‘ASEAN DGs OF CUSTOMS’ NGAYONG 2021
Ni BOY ANACTA PANALO ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa uupong pinuno ang Pilipinas sa “ASEAN Directors – General (DGs) of Customs for 2021 – 2022”. Dahil magsisilbing tserman ng pulong ng mga hepe ng Customs agencies sa ASEAN, ang BOC ang siyang magho-host sa tatlong araw na pulong sa isasagawang 30th Virtual ASEAN Directors-General Meeting. Gaganapin ito mula Hunyo 8 hanggang 10 ng taong kasalukuyan. Si Guerrero ang magiging tserman ng mga ahensiya ng Customs sa ASEAN Region ngayong 2021 hanggang sa…
Read MoreBOC – XIP SCANNING PERFORMANCE SA MAYO NADAGDAGAN NG +272%
NADAGDAGAN ng +272 porsiyento ang scanning rate ng Bureau of Customs (BOC) X-ray Inspection Project (XIP) para sa Mayo ng taong kasalukuyan. Sobrang taas nito kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon, pahayag ng BOC. Noong Mayo 2020, umabot sa kabuuang 26,619 scanned containers ang nagawa ng BOC, samantalang 72,364 containers naman ang sumailalim ngayong Mayo sa XIP ng BOC. Ayon sa BOC, pumalo sa 60% ng kabuuang 513,600 containers na na-scanned nitong 2020. Nakapagtala naman ng 310,583 scanned containers mula Enero hanggang Mayo ng taong…
Read MoreP5-M SMUGGLED ANIMAL MEDICINES LAGLAG SA BOC – MICP
LAGLAG sa Bureau of Customs (BOC) ang P5 milyong halaga ng mga gamot sa hayop na iligal na ipinasok sa bansa kamakailan. Pinangunahan ng Manila International Container Port’s (MICP) Piers Inspection Division (PID) ang operasyon. Kaagapay nito ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at MICP Formal Entry Division (FED). Batay sa ulat, P5 milyon ang halaga ng 2.5 tons na gamot na ilegal na ipinasok sa bansa. Nanggaling sa India ang mga produkto kung saan idineklarang “latex gloves”, subalit nang inspeksiyunin ay nadiskubreng ibat-ibang…
Read MoreP2O-M SMUGGLED VEHICLES HULI SA BOC – MICP
HINDI nakalusot sa mga opisyal at kawani ng Manila International Container Port (MICP) ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong magagarang sasakyang umaabot sa P20 milyon ang kabuuang halaga. Katuwang ng MICP ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa operasyong naganap nitong Hunyo 2. Ayon sa BOC, ang shipment ay idineklara bilang “used truck parts” at ukay-ukay na natukoy na naka-consigned sa JLFDM Consumer Goods Trading. Nanggaling umano sa Japan ang mga nasabing produkto. Ang nasabing impormasyon ay dahilan upang mag-isyu ng “Alert Order” ang BOC sa nabanggit na…
Read More