3-M DOSES NG BAKUNA, AGAD INASIKASO NG BOC-NAIA

MABILIS na inasikaso at inilabas ng Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC – NAIA) ang 3,074,410 doses ng mga bakuna na dumating sa bansa nitong Hunyo 9 hanggang 11.

Katuwang ng BOC-NAIA ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbibigay ng im­portansiya sa mga bakuna.

Sa nabanggit na higit tatlong milyong bakuna, ang unang batch na dumating sa bansa ay ang 111,150 doses ng Pfizer-BioNtech vaccines na dumating nitong Hunyo 9.
Mabilis itong dinala sa cold storage facility bago dalhin sa Davao.

Dumating naman nitong Hunyo 10 ang isang milyong doses na Sinovac vaccines na dinala kaagad sa Pharmaserv Cold Storage Faci­lity sa Marikina City.

Dumating din nitong Hunyo 10 ang karagdagang 1,963,260 doses ng bakuna ng Pfizer-BioNtech.

Bukod dito, nadagdagan pa ng 100,000 doses ng Sputnik V ang dumating sa NAIA nitong Hunyo 11.

Ang patuloy na pag­dagsa ng mga bakuna sa bansa ay inaasahang matutugunan ang pangangailangan ng pamahalaan ng kinakailangang gamot na panlaban sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) upang makamit ang herd immunity sa bansa ngayong taon.

Tiniyak naman ni NAIA District Collector Carmelita Talusan na mabilis nilang ipopoproseso ang dumarating na mga bakuna upang maihahatid nang mabilis sa mga itinakdang pagdadalhan mga storage facility.

Inihayag naman ng liderato ng BOC, sa pa­ngunguna ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, na patuloy ang ahensiya sa maayos, epek­tibo at mabilis na pagaasikaso ng mga bakunang darating sa bansa.

Sineguro pa mismo ni Guerrero na babawasan ng BOC ang clearance time para sa higit n a epektibo at mas mabilis na pagtanggap ng BOC sa mga bakuna at pagpapalabas nito patungong storage facilities.
(Joel O. Amongo)

165

Related posts

Leave a Comment