PINATITIYAK ni Senador Chiz Escudero ang transparency at accountability sa paggastos ng pondo ng bayan sa mga proyektong pang-imprastraktura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masusing feasibility study bago ito maisama sa pambansang budget. Isinusulong ng senador ang Senate Bill No. 1461 o ang Infrastructure Appropriations Integrity Act, na naglalayong pigilan ang iregularidad at maling paggamit ng pondo ng gobyerno. Ayon kay Escudero, lahat ng proyekto ng pamahalaan ay dapat lagyan ng mga detalye tulad ng station numbers, geotagging, geodetic coordinates, at iba pang paraan upang masubaybayan ng publiko kung saan…
Read MoreCategory: METRO
NAVOTAS BUSINESS CONFERENCE MATAGUMPAY NA IDINAOS
MATAGUMPAY na isinagawa ang kauna-unahang Navotas Business Conference sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno nina Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco. Tampok sa naturang pagtitipon ang mga talakayan, exhibits, at networking sessions na dinaluhan ng mga negosyante, innovators, at industry leaders mula sa iba’t ibang sektor. Layunin ng kumperensiya na palawakin ang oportunidad sa negosyo at isulong ang patuloy na pag-unlad ng Navotas City. (AJ GOLEZ) 251
Read MoreDICT AT NTC, MULING KINALAMPAG LABAN SA TALAMAK NA BENTAHAN NG PRE-REGISTERED SIM CARD
KINALAMPAG ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Telecommunications Commission (NTC) upang higpitan pa ang pagpapatupad ng batas laban sa talamak na bentahan ng mga pre-registered SIM card. Sinabi ni Gatchalian na ginagamit ang mga pre-registered SIM card sa iba’t ibang uri ng panloloko at online scams, lalo na ngayong malapit na ang Pasko kaya’t marami ang mananamantala. Nanawagan ang senador sa NTC at DICT na gamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan upang obligahin ang mga telco na gumawa ng mekanismo para…
Read MorePAGPUPUGAY NG PNP SA NAPATAY NA PULIS PINANGUNAHAN NI NARTATEZ
BINIGYANG-PUGAY ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ni Police Captain Joel Deiparine ng CIDG Regional Field Unit 7, na nasawi sa pananambang habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Barangay Sudlon 2, Cebu City. Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang pagpupugay at pagkilala kay Capt. Deiparine, na inalala niya bilang isang alagad ng batas na tapat, matapang, at may malasakit sa tungkulin — mga katangiang patuloy umanong isinasabuhay ng buong hanay ng Philippine National Police. Noong Oktubre 31, 2025, personal na bumisita…
Read MoreHALAL TOWN AT GOLDEN MOSQUE SA QUIAPO SASAILALIM SA REHAB
TINALAKAY ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang mga plano para sa pagpapaunlad ng Halal Town at rehabilitasyon ng Golden Mosque Complex sa Quiapo, Maynila. Magkasamang inikot nina Domagoso, Pangandaman, Vice Mayor Chi Atienza, at mga opisyal ng Department of Tourism and Cultural Affairs of Manila (DTCAM) ang Halal Town bilang bahagi ng paghahanda para sa ASEAN Summit sa susunod na taon, kung saan host ang Pilipinas. Pinuri ni Pangandaman ang konsepto ng Halal Town at tiniyak ang suporta ng…
Read MoreKORUPSYON DI MAWAWALA HANGGA’T MAY ‘PORK’ – SOLONS
HINDI naniniwala ang Makabayan bloc sa Kamara na mawawala ang pangungurakot sa kaban ng bayan kahit pa bawasan ng 50% ang presyo ng mga proyekto ng gobyerno, hangga’t umiiral ang sistemang pork barrel. Ginawa ng grupo ang pahayag matapos atasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang pricing system ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magbabawas ng hanggang kalahati sa presyo ng mga proyektong ipinatutupad. Kabilang sa mga ahensyang inatasan ng Pangulo na sumunod sa DPWH pricing scheme ay…
Read MoreTRAVEL TAX PINATATANGGAL NI SEN. ERWIN TULFO
NAGHAIN si Senador Erwin Tulfo ng panukalang batas na naglalayong buwagin na ang travel tax na aniya’y humahadlang sa karapatan ng mga Pilipinong maglakbay. Sa kanyang Senate Bill no. 1409, nilalayon ni Tulfo na alisin na ang travel tax, alinsunod sa pinirmahan ng Pilipinas noong 2002 na “ASEAN Tourism Agreement”. “Halos labing-apat na taon na ang lumipas mula nang pirmahan ng Pilipinas ang ASEAN Tourism Agreement, ngunit pinapatawan pa rin natin ng travel tax,” diin ng Senador. Ayon pa kay Tulfo, ang panukalang ito ay isang “kongkretong hakbang upang matiyak…
Read MorePNP: UNDAS 2025 PAYAPA
NAGING mapayapa, maayos, at ligtas ang paggunita ng Undas 2025 sa buong bansa, na resulta umano ng matagumpay na pagpapatupad ng Oplan Ligtas Undas 2025, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa pangunguna ni Acting PNP Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., maagang isinagawa ang mga paghahanda upang tiyakin ang seguridad ng mga biyahero at ang kaayusan sa mga sementeryo, terminal, at pangunahing lansangan. Sa kabila ng dagsa ng mga bumyahe at dumalaw sa mga sementeryo, nanatiling matiwasay at walang naitalang malalaking insidente sa halos lahat ng…
Read MoreLTFRB TINIYAK ROAD SAFETY CHECK SA BALIK-BIYAHE
SA kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking ligtas at maginhawa ang pagbabalik-biyahe ng publiko matapos ang Undas, inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ni DOTr Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, ang lahat ng Regional Director na ipagpatuloy ang mahigpit na road worthiness inspection sa mga pampasaherong bus sa buong bansa. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, pinatitiyak din ang pisikal at mental na kahandaan ng mga drayber at konduktor sa mga biyahe pabalik ng Metro Manila at iba pang lungsod.…
Read More