PRESYO NG BULAKLAK SA DANGWA SUMIPA NA

INAASAHANG lalo pang tataas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa habang dagsa na ang mga mamimili na patungo sa Manila North Cemetery para sa paggunita ng Araw ng mga Patay ngayong Nobyembre 1, 2025. Nabatid na Miyerkoles pa lamang ay nagsimula nang magtaasan ang presyo ng ilang uri ng bulaklak sa Dangwa, Maynila. Ayon sa mga tindera, tumaas na rin ang presyo ng kanilang kuha sa suppliers, kaya napilitan silang itaas din ang bentahan. Umabot na sa ₱50 hanggang ₱200 ang itinaas ng presyo depende sa laki at ayos…

Read More

EPD MAGPAPAKALAT NG 561 PULIS SA PaMaMariSan NGAYONG UNDAS 2025

MAY kabuuang 561 tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang ipapakalat sa mga sementeryo sa nasasakupan ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan — o mas kilala sa tawag na PaMaMariSan — upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa Undas 2025. Ayon kay EPD Director PBGen Aden Lagradante, magdadagdag pa sila ng 270 pulis bilang anti-criminality team sa mga matataong lugar gaya ng mga transport terminal, mall, at pangunahing lansangan. Bukod dito, may 104 personnel na magsisilbing reactionary standby support force sa EPD Headquarters, handang rumesponde sa anumang emergency situation.…

Read More

BUHAY ASENSO CASH LOAN PARA SA DRIVERS, RIDERS INILUNSAD NG GRAB SA HEALTH & WHEELNESS 2025

PINALAKAS pa ng Grab ang suporta nito sa mga partner driver at rider sa pamamagitan ng bagong tulong-pinansyal na tinawag na Buhay Asenso Cash Loan, na opisyal na inilunsad sa ginanap na Health & Wheelness 2025 Expo kamakailan. Ang programa ay idinisenyo para magbigay ng mabilis na akses sa pondo at buwanang benepisyo na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Grab at MOVE IT partner. Sa pamamagitan ng in-app application at crediting process, mas madali na silang makautang dahil pwedeng gawin ang lahat ng proseso sa loob ng Grab…

Read More

Taliwas sa kwento ni Defensor NAVY WALANG PAKI KAY GUTEZA

ITINANGGI ng Philippine Navy na nasa kustodiya o proteksyon ng Philippine Marines si Mr. Orly Regala Guteza, ang tinaguriang “surprise whistleblower” sa multi-bilyong pisong flood control project scandal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ang tugon ng Hukbong Dagat ng Pilipinas kasunod ng pahayag ni dating congressman Mike Defensor na umano’y pinoprotektahan ng Marines si Guteza at kasalukuyan itong nanunuluyan sa loob ng Marines compound. Sa opisyal na pahayag ni Capt. Marissa Martinez, tagapagsalita ng Philippine Navy, nilinaw niyang, “The Philippine Navy emphasizes that Mr. Orly Regala…

Read More

“THRILLA IN MANILA 2”: PAGPUPUGAY SA GINTONG PANAHON NG BOXING

PINATUNAYAN Pinatunayan ni Melvin Jerusalem ang kanyang pagiging hari ng strawweight matapos talunin si Siyakholwa Kuse sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision sa main event ng Thrilla in Manila II, bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier sa Araneta Coliseum. Kuha ni DANNY BACOLOD NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga boxing fans sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng “Thrilla in Manila” na ginanap Miyerkules ng gabi, Oktubre 29, sa Smart Araneta Coliseum — ang mismong lugar kung saan naganap ang makasaysayang…

Read More

Kaanak ng Missing Sabungeros inip na DOJ KINALAMPAG PARA SA AGARANG HUSTISYA

KASABAY ng paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa, sumugod kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng Missing Sabungeros upang kalampagin ang kagawaran at igiit na bilisan ang paglabas ng resolusyon sa kaso ng kanilang mga nawawalang mahal sa buhay. Bitbit ang galit at panawagan para sa hustisya, inihayag ng mga pamilya ang labis na pagkadismaya sa umano’y kabagalan ng proseso ng DOJ. Hiling nila na agad mapanagot ang mga itinuturong sangkot sa krimen, kabilang si gaming tycoon Charlie “Atong” Ang, celebrity Gretchen Barretto, at iba pang personalidad.…

Read More

PAGPAPALAKAS SA ICI PANUKALA NI TIANGCO

ISINUSULONG ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang isang panukalang batas na layong palawakin ang kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang maging mas epektibo sa pagbusisi at pagsugpo sa korapsyon sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno. Sa ilalim ng House Bill No. 5699, itinataguyod ni Tiangco ang paglikha ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) — isang mas malakas na bersyon ng ICI na maaaring magsagawa ng imbestigasyon, pagdinig, at pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian. “Humihingi ang taumbayan ng mekanismong magtitiyak ng transparency…

Read More

DA OFFICIAL, PRDP AT MALILIIT NA CONTRACTORS NABIKTIMA NG SCAMMERS

BISTADO ang isang grupo umano ng scammer sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian na naglalayong sirain ang reputasyon ng matataas na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Rural Development Program (PRDP). Ang mga scammer ay gumagamit umano ng maling impormasyon at mga pekeng dokumento para mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga kontratista at opisyal, panlilinlang sa publiko at sirain ang integridad ng mga programa ng gobyerno. Ang grupo ay pinamumunuan umano ng isang alyas Baby S. na dating staff member ng hindi pinangalanang…

Read More

2.1-M PASAHERO INAASAHAN SA PITX

INAASAHANG mahigit 2.1 milyong pasahero ang bibiyahe pauwi ng kani-kanilang probinsya para sa Undas 2025, ayon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkoles, sinabi ni PITX Chairman Jason Salvador na mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4, libu-libong biyahero ang dadaan sa terminal. Pinakamataas umano ang inaasahang dagsa sa Oktubre 30, partikular mula alas-5 ng hapon, kaya hinikayat ang publiko na mag-book online at agahan ang biyahe upang maiwasan ang siksikan at pagkaantala. Tiniyak ni Salvador na sapat ang supply ng mga bus at pinaalalahanan…

Read More