PMA ENTRANCE EXAM SIMULA NA

SISIMULAN ngayong Sabado ang serye ng entrance test para sa Philippine Military Academy (PMA) class 2028. Ang naturang entrance examination ay nakatakdang gawin sa 46 testing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Unang isasagawa ito sa Mindanao ngayong Agosto 10 hanggang 11, 2024. Sunod ang Visayas at Region 5 sa Agosto 24-25. Sa National Capital Region at Region 4-A at 4-B naman ay magsisimula sa Setyembre 7 hanggang Setyembre 8. Huling magsasagawa ng examination ang Central at iba pang rehiyon sa North Luzon na nakatakda naman sa Setyembre 21…

Read More

EXTENSION OFFICE NI VP SARA NILOOBAN

ARESTADO ang isa sa dalawang lalaking nanloob umano sa extension office ni Vice President Sara Duterte sa Mel Lopez Boulevard, Vitas, Tondo, Manila Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Fuentes, 26, at Michael Ronda, 44, nahaharap sa kasong paglabag sa Article 302 ng Revised Penal Code (Robbery in Uninhabited Place). Base sa ulat ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang madiskubreng niransak ang mga gamit ng Vice President. Sa ikinasang follow-up operation ng pulisya, tanging si Ronda lamang ang natimbog ng…

Read More

PUBLIKO MAKIKINABANG SA BINAWING PULIS NA VIP DETAIL

BINIGYANG katwiran ng pamunuan ng Philippine National Police ang nauna nang pagbawi sa mga pulis na nakatalaga bilang mga VIP details, maging ang nasa air conditioned rooms lamang. Mas higit umanong mapakikinabangan ng taong bayan ang kanilang buwis na ipinapasahod sa mga pulis at masosolusyunan din ang kakulangan sa kapulisan at mas makapaghahatid ng mas makabuluhang serbisyo sa mamamayan ang streamlining sa ilang tanggapan ng PNP. Naging halimbawa rito ang paglilipat ng nasa 373 police personnel mula sa Police Security and Protection Group (PSPG) na nirecall ng PNP mula sa…

Read More

CSC PINAALALAHANAN 358K TAKERS NG AUG. 11 EXAM

IPINALABAS ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng mga testing center at ipinaalala ang Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa buong bansa sa darating na Agosto 11. Kaya hinikayat ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang 358,651 candidates na kumuha ng Professional o Subprofessional Level exams na rebisahin ang Examination Advisory 11, s. 2024 at i-access ang kanilang designated school sa pamamagitan ng Online Notice of School Assignment (ONSA) na available sa CSC website. “The CSC, along with dedicated teachers and volunteer government employees, is all…

Read More

DAGDAG BENEPISYO SA MANGGAGAWA PATULOY NA ISUSULONG NG TRABAHO PARTY-LIST

PINURI ng Trabaho Party-list ang kasalukuyang economic policy ng Marcos administration ngayong nakamit muli nito ang makasaysayang “all-time low” na unemployment rate ng Pilipinas. Dagdag pa ng Trabaho Party-list, napagtagumpayan pa lalo ng administrasyon ang direksyon nito sa ekonomiya matapos makamit ang ikalawang pinakamataas na GDP growth o Gross Domestic Product Growth sa buong mundo. Ayon kay Atty. Filemon Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, hindi maitatanggi kung gaano kahirap ang mga minanang pandaigdigang hamon kaya’t malinaw na tama ang tinatahak na polisiya ng administrasyon. Dahil dito, sinabi ng Trabaho Party-list…

Read More

TERM EXTENSION ISINULONG NA SA KAMARA

ISANG resolusyon ang inihain ng kaanak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para palawigin ang termino ng mga kongresista. Base sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 8 na inakda ni Ilocos Norte 2nd District Congressman Angelo Marcos Barba, nais nito na gawing limang taon ang termino ng congressmen mula sa kasalukuyang tatlong taon. Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang termino ng mga kongresista kasama ang local officials maliban sa barangay officials ay 3 taon at pwede silang tumakbo ng 3 beses para sa kabuuang 9 taon. “Whereas, the nine…

Read More

PROFESSIONAL FEES NG MGA DOKTOR NAIS NI CONG. CO IPASAGOT SA PCSO

PARA wala nang ilalabas na pera ang mahihirap na pasyente, nais nina House Speaker Martin Romualdez, Appropriations Chairman Zaldy Co, at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na sagutin na lang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga professional fee ng doktor. Ayon kay Cong. Co, “usually sagot na ng medical assistance for indigent patient o MAIP ang bayad sa ospital at yung assistance for individuals in crisis situation o AICS ng DSWD”. “Pero ang kadalasang problema ng mga pasyente ay ang pambayad sa mga doctor na hindi naman tumatanggap…

Read More

Walang master plan sa flood control projects ILANG DPWH OFFICIALS PINASISIBAK

UMAPELA ang ilang sektor na alisin sa pwesto ang ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pag-amin na walang Flood Control master plan ang departamento upang mapigilan ang pagbaha sa kalakhang Maynila at ibang parte ng bansa tuwing may malakas na ulan o bagyo. Ang panawagan ay kasunod ng pag-amin ni DPWH secretary Manuel Bonoan sa isang Senate hearing, na walang integrated national flood control plans ang ahensya samantalang may bilyon-bilyon pisong pondo ito para sa iba’t ibang infrastructure projects, kasama na ang…

Read More

CONG. ERIC YAP NANUMPA SA LAKAS-CMD

PORMAL nang nanumpa sina Benguet Rep. Eric Yap at Benguet Gov. Melchor Diclas bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD. Mismong si Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa oath-taking ceremony ng dalawang opisyal kahapon. Bunsod nito, umakyat na sa 103 ang mga kongresista na miyembro ng partido. Sinabi ni Speaker Romualdez, ang pagdami ng miyembro ng partido ay nangangahulugan ng mas malawak na suporta para sa administrasyon ng Pangulong Marcos Jr. Ani Speaker Romualdez, “Their leadership, experience, at commitment para magsilbi sa mamamayan ay sama-sama nilang isusulong para suportahan ang agenda…

Read More