TOSS COIN SA MGA TABLA SA ELEKSYON, MAHIHINTO NA

PINAAAMYENDAHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang isang batas ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na idaan sa toss coin kung sino ang mauupo sa dalawang kandidato na nakakuha ng parehong bilang ng boto sa eleksyon. Sa House Bill (HB) 9796 na inakda ni Cotabato Rep. Alana Samantha Taliño-Santos, nais nitong maamyendahan ang Batas Pambansa Blg. 881 kung saan pinapayagan na mag-toss coin ang mga kandidato tuwing may tie o tabla sa eleksyon. “It must be reiterated that elections are meant to be a fair and democratic process where the…

Read More

ACT-CIS SINAGOT BANAT NI SEN. VILLANUEVA SA MGA PARTY-LIST

SINAGOT na ng nangungunang party-list sa Kongreso ang pagmamaliit ni Senador Joel Villanueva kamakailan sa mga party-list. Sa panayam kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ng isang radio station kamakailan, sinabi nito na nagulat siya sa tirada ng senador sa mga party-list. Ayon kay Cong. Tulfo, “nagulat lang ako at binanatan nya ang mga party-list dahil yung tatay niya na si Bro. Eddie Villanueva ay kasama namin sa party-list coalition”. “Parang minaliit nya ang lahat ng party-list kasama na yung party-list nila na Cibac at si Bro. Eddie na tatay nya…

Read More

PAGKALAS NG MINDANAO TANTANAN NA – SOLON

ISA pang lider mula sa Mindanao ang dumagdag sa mga nananawagan na itigil na ang unconstitutional na panukala na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at iginiit na nagkaroon at mayroong sapat na kinatawan ang rehiyon sa gobyerno gaya nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, dating Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, Vice President Sara Duterte at Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri. Ipinaalala rin ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, miyembro ng House committees on Mindanao Affairs at on Muslim Affairs, na nagmula rin sa Mindanao sina dating…

Read More

BENEPISYO NG MIYEMBRO SA PHILHEALTH PALALAWAKIN

PUPULUNGIN ngayong Lunes ni House Speaker Martin Romualdez ang mga opisyal ng PhilHealth at Department of Health (DOH) para pag-usapan ang mga paraan kung papaano palawakin pa ang members benefits kabilang ang pagbayad sa mga doktor kapag private ang admission at hindi libre. Ayon kay Speaker Romualdez, “marami ang nagtatanong sa atin kung pwedeng dagdagan ang sasagutin ng PhilHealth sa billing at doctor’s fees kapag private ang kinuha na kwarto o sa pay ward”. Sa ngayon kasi, reklamo ng mga pasyente, halos 15 to 20 percent lang ang sinasagot ng…

Read More

RBH 6 DAPAT APRUBAHAN AGAD NG SENADO – SOLONS

MATAPOS putulin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pananahimik nito at suportahan ang panukala na amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon, nanawagan ang mga kongresista sa Senado na agad aprubahan ang Resolution of Both Houses No. 6 (RBH 6). Ayon kay House Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jayjay” Suarez, malinaw ang sinabi ng Pangulo na ang sinusuportahan lamang nito ay ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon upang mas maging maluwag ito sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. “It is high time for the…

Read More

SENIOR CITIZENS DEHADO SA MGA BENEPISYO – TULFO

BUBUSISIIN ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo ang Senior Citizens Act kapag ito ay isinalang na sa review anomang araw ngayon. Si Cong. Tulfo, na deputy majority leader din ng Kongreso, ay isinama ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa Technical Working Group (TWG) para rebyuhin ang Senior Citizen Law. Ayon kay Rep. Tulfo, “kaliwa’t kanang reklamo na kasi na hindi naibibigay ng tama o hindi talaga binibigay ang mga benepisyo ng mga senior ng ilang business establishments kaya rerebyuhin na ng Kongreso ang naturang batas”. “Medyo obsolete na…

Read More

Defense and Commitment: DND-AFP New Year’s Call Sets the Tone for 2024

The Department of National Defense (DND) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) began the year with a grand tradition, holding their annual New Year’s Call on January 12, 2024. The ceremony, coordinated by Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. and AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., brought together defense leaders, high-ranking officers, and distinguished visitors to lay the groundwork for a year of togetherness, contemplation, and dedication. The Joint DND-AFP Traditional New Year’s Call is a time-honored practice that represents the military’s close ties with its commanders.…

Read More

NUMBER CODING SUSPENDIDO SA CHINESE NEW YEAR

SUSPENDIDO ang number coding sa buong Metro Manila nitong Biyernes, Pebrero 9, bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Chinese New year, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), habang deklaradong special holiday naman ng Malacañang ang araw na ito hanggang Sabado sa bisa ng Proclamation No. 453. Ang Chinese New Year ngayong taon ay natapat sa araw ng Sabado, Pebrero 10 subalit idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang araw ng Pebrero 9 bilang special non-working day sa bansa para sa selebrasyon ng naturang holiday na inaasahang daragsain ng milyong katao…

Read More

MARAMI PANG MALLS LALAHOK SA ‘REGISTER ANYWHERE’ PROGRAM NG COMELEC

MARAMI pang malls ang lalahok sa ‘Register Anywhere’ Program ng Commission on Elections (Comelec) sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan noong Huwebes, Pebrero 8 Lumagda ang memorandum of agreement ng SM Supermalls, Megaworld Lifestyle Malls, at Robinsons Malls para sa programa. Lumagda rin ng parehong kasunduan ang Festival Mall noong Miyerkoles. Bunsod nito, umabot na sa 170 ang bilang ng malls na katuwang ng Comelec para maisulong ang “Register Anywhere” Program. Sa ilalim ng programa, ang mga Pilipino ay maaaring magparehistro bilang mga bagong botante, muling i-activate ang kanilang account,…

Read More