ARESTADO ang isang 28-anyos na motorcycle rider makaraang makumpiskahan ng umano’y marijuana sa inilatag na checkpoint ng mga pulis sa San Miguel Road, Brgy. 275, Binondo, Manila noong Miyerkoles. Kinilala ang suspek na si Aries Agustin, binata, residente ng Malagasang, Imus City, Cavite Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, bandang alas-5:30 ng madaling araw na maaresto ang suspek sa nasabing checkpoint. Balisa umano ang rider nang parahin sa checkpoint at nang siyasatin ang dala nitong backpack…
Read MoreCategory: METRO
PROGRESIBONG PARTIDO ILULUNSAD SA SABADO
LUMAGDA si Ric Serrano, chairman emeritus ng POLPhil (nakasalamin), sa isang pangakong pagsuporta sa pangmatagalang kapayapaan nang inilunsad kamakailan ng POLPhil ang National Peace Advocates Summit sa Lungsod Quezon. PORMAL nang itatatag sa Sabado, Pebrero 10, ang People’s Progressive Humanist Liberal Party o PolPHIL bilang isang progresibong partidong pampulitika na mangangahas makatunggali ang mga tradisyunal at political dynasties na nangingibabaw sa larangan ng pulitika sa bawat bayan, lalawigan at rehiyon ng bansa. Layunin ng PolPHIL na wakasan ang pamamayani ng tradisyunal na politiko na namamayagpag sa loob ng ilang dekada…
Read MoreMGA BAGONG OPISYAL NG CAMI NANUMPA KAY PGMA
(Mula sa kaliwa) Romeo Dizon, Willie B. Villarama, Roly Eclevia; Numeriano “Ner” Dayrit (partly hidden); Federico “Dik” Pascual; Ric Sapnu; Abel L. Cruz, Gadmer Layson; Robert Mananquil; Mario Garcia; Dionisio “Nonnie” L. Pelayo; Vittorio V. Vitug at PGMA. Nanumpa sa dating Pangulo na ngayon ay Pampanga 2nd district Representative Gloria Macapagal Arroyo ang mga bagong opisyal at Board of Trustees ng Capampangan In Media Inc. (CAMI). Ang oath taking ceremony ay ginanap noong Martes ng umaga sa Quezon City. Hiniling ni PGMA sa mga bagong opisyal na magtrabaho at tuparin…
Read MoreKONSTRUKSYON NG REGIONAL HOSPITAL SA MONTALBAN UMARANGKADA NA – REP. NOGRALES
NAGSIMULA na ang konstruksyon ng Phase 1 ng Northern Tagalog Regional Hospital (NTRH) sa Montalban, Rizal, ayon sa ulat ni Congressman Fidel Nograles. Sinabi ni Nograles, ito ay inter-agency project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH) na nagtutulungan upang maitayo ang nasabing hospital, at sa susunod na anim na buwan ay may makikita nang gusali. “May konting paghuhukay na po tayo ngayon, ‘wag hong mag-alala ang mga residente natin, ginagawa po natin, ang lahat ng ating makakaya ay ginagawa po natin upang maihatid…
Read MoreTRANSPARENCY SA AUTOMATED ELECTIONS SYSTEM BIDDING, HIMOK SA COMELEC
HINIMOK ng election watchdog na Democracy Watch Philippines ang Commission on Elections (Comelec) na maging transparent sa post-qualification screening ng joint venture ng South Korean firm na Miru Systems Co. Ltd. para sa automated voting system sa susunod na taon. Ang Miru ay nag-iisang bidder para sa 2025 automated elections system (AES). Sinabi ng Democracy Watch Philippines, hiniling nito sa Comelec’s Special Bids and Awards Committee (SBAC) na magbigay ng listahan sa mga teknikal na detalye ng kompanya. Sinabi ng Democracy Watch, nilalayon nito na “tiyakin na ang mga stakeholder…
Read More3 REGIONAL WAGE BOARDS, WALA PANG ORDER SA TAAS-SAHOD NG KASAMBAHAY
TATLONG regional wage boards na lamang sa bansa ang hindi pa naglalabas ng mga utos sa pagtaas ng sahod para sa mga domestic worker (kasambahay), ayon sa isang labor official noong Martes. Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, ito ay ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa Central Luzon, Central Visayas, at Davao Region. Ayon sa DOLE, nagkabisa noong Hunyo 2022 ang huling wage order na inilabas sa mga rehiyong ito. Kasabay nito, iniulat din ni Benavidez na 13 wage boards ang…
Read More3 ARESTADO SA ATTEMPTED HOMICIDE SA TONDO
ARESTADO ang tatlong suspek sa kasong attempted homicide sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, sa Perla St., Brgy. 68, Tondo, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Ronett “, “Jonalyn”, at “Karen”. Base sa ulat ni Police Captain Jayson Viola, hepe ng Intelligence and Warrant Section, magkakasunod na nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Karla Funtila Abugan, ng Regional Trial Court Branch…
Read MoreMATAAS NA RATING MAGTUTULAK SA KAMARA PARA LALONG MAGSIPAG – SPEAKER ROMUALDEZ
NAGPASALAMAT si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino sa mataas na trust at performance rating na nakuha nito sa fourth quarter survey ng OCTA Research. Ayon kay Speaker Romualdez, ang rating nito ay magtutulak sa Kamara de Representantes upang mas lalo pang magsipag sa pagtalakay at pag-apruba ng mga panukalang batas na makapagpapabuti sa estado ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa survey na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14, nakakuha si Speaker Romualdez ng 64 porsyentong trust rating, tumaas ng 4 porsyento kumpara sa nakuha nitong 60 porsyento…
Read MoreAFP MAKIKIPAGTULUNGAN SA PDEA SA 3 SUNDALONG NAHULI SA BUY-BUST
TINIYAK ng liderato ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila kukunsintihin ang tatlong sundalong nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug enforcement Agency kamakailan sa Bamban, Tarlac. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, makikipagtulungan ang hukbong sandatahan sa PDEA para matiyak na magkakaroon ng “thorough and transparent investigation” sa pagkakadakip sa tatlong tauhan ng Philippine Army “Any involvement in illegal activities by members of the AFP is contrary to the principles of service and appropriate measures will be…
Read More