RAPE SUSPECT NASILO SA BASECO

ARESTADO ang isang 44-anyos na suspek sa panggagahasa nang matunton ito sa Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Victorino”, may asawa, ng naturang lugar. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng hapon nang damputin ang suspek dahil sa kasong panggagahasa noong Agosto 14, 2014 Inaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega ng Intelligence and Warrant Section, sa bisa ng warrant…

Read More

1,400 POLICE PERSONNEL IDEDEPLOY SA CHINESE NEW YEAR – PNP

MAGDEDEPLOY ang Philippine National Police (PNP) ng aabot sa 1,457 na mga pulis kasabay ng pagdiriwang ng Lunar New Year o ang pagpasok ng Year of the Wood Dragon. Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., layon nitong matiyak ang seguridad ng Filipino-Chinese Community kaugnay sa selebrasyon ng Chinese New Year. Pahayag pa ng heneral, partikular na tututukan ang Chinatown na nasa Binondo, Lungsod ng Maynila. Nabatid na bukod sa Lunar New Year ay ipinagdiriwang din ng Filipino-Chinese Community ang ika-430 anibersaryo ng pagkakatatag ng pinakamatanda at pinakamalaking Chinatown…

Read More

BATASAN BOBOMBAHIN?

HINIGPITAN ang seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex matapos umanong makatanggap ng bomb threats ang ilang mambabatas at staff ng mga ito. Sa ambush interview kay House Secretary General Reginald Velasco, asahan aniya na muling magpapatupad ng ‘heightened security measures” dahil sa banta na natatanggap ng mga kongresista na hindi na niya pinangalanan. “There have been threats being received by members. Members of Congress, by employees, by staff, from groups,” matapos maglabas ito ng memo ukol sa pagpapatupad ng mas mahigit na security measures sa loob at…

Read More

2 PUGANTENG DAYUHAN TIMBOG SA NAIA

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang puganteng dayuhan bago makasakay sa kanilang flight palabas ng bansa. Kinilala ang mga suspek na sina Zhao Yaxin, 33, Chinese national, at Badr Ettachi, 32, Moroccan national, kapwa na-intercept ng BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa magkahiwalay na insidente sa NAIA. Ayon sa report, si Zhao ay naaresto sa NAIA Terminal 3 noong Enero 27 bago siya makapag-board sa kanyang out-bound flight papuntang Guangzhou, China, habang si Ettachi ay nahuli kinabukasan…

Read More

PHIL. NAVY PINAKILOS NA PARA MAGHATID NG TULONG SA DAVAO REGION

BUNSOD ng patuloy na nararanasang mga pag-ulan na nagdudulot ng malawakang pagbaha, pinakilos na rin ng Philippine Navy ang kanilang mga tauhan para maghatid ng ayuda sa malalayong lugar na hirap marating ‘by land’. Sa ulat na ipinarating kay Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., naghatid na ng tulong ang Naval Forces Eastern Mindanao sa pamamagitan ng kanilang BRP Tagbanua para sa mga kababayang naapektuhan ng pagbaha sa Davao Oriental. Kabuuang 19,170 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI, ang…

Read More

BEBOT PATAY SA SAKSAK NG KAPITBAHAY

PATAY ang isang 38-anyos na babae nang saksakin ng kanyang kapitbahay nitong Lunes ng madaling araw sa Barangay 64, Baseco Compound, Port Area, Manila. Namatay noon din ang biktimang si Junifer Sen Buenaventura, ng nasabing lugar. Kinilala naman ang suspek na si James Banesio, 22, kapitbahay ng biktima. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente. Mabilis na nakatakas ang suspek makaraang pananaksak sa biktima. (RENE CRISOSTOMO) 419

Read More

113 SUCs MAY BUDGET NGAYONG 2024

NAGPASALAMAT ang organisasyon ng 113 state universities and colleges (SUC) kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa inilaang P128.1 bilyong budget sa kanila ngayong 2024, mas mataas ng P27.3 bilyon kumpara sa kanilang panukalang budget. “I would like to express our deepest gratitude once again for your crucial role in securing additional funding support for SUCs in the 2024 General Appropriation Act,” ani Dr. Tirso Ronquillo, pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC). Sa dalawang pahinang sulat na may petsang Enero 10 na ipinadala sa tanggapan ni…

Read More

Tumalima sa panawagang “ceasefire” SENADO PINAALALAHANAN SA ITINAKDANG PALUGIT NA PAGTIBAYIN ANG RBH6 SA MARSO

PINAALALAHANAN ni House Majority Leader at Zamboanga CIty Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang Senado hinggil sa self-imposed deadline para pagtibayin ang panukalang amyenda sa “restrictive” economic provisions ng Konstitusyon. Kasunod ito ng nakatakdang pagdinig ng special Senate subcommittee patungkol sa Resolution of Both Houses No. 6, o, “A Resolution of Both Houses of Congress proposing amendments to certain provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, particularly on Articles Xll, XlV and XVl.” Ang RBH6 ay inakda nina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at…

Read More

LOYALTY CHECK SA DAVAO REGION ITINANGGI NG AFP

ITINANGGI ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng loyalty check ang pinuno ng sandatahang lakas sa Davao region, ang lugar na pinaniniwalaang balwarte ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid na nagtungo lamang sa Davao si AFP chief of Staff General Romeo Brawner para personal na silipin ang kondisyon ng nagpapatuloy na HADR operations at peace and security campaigns sa rehiyon. Kahapon ay binisita ni Brawner ang mga tropa ng Eastern Mindanao Command at 10th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Davao. Ayon kay…

Read More