HOODLUMS IN UNIFORM SASAMPALIN NG MAS MABIGAT NA PARUSA

MAS mabigat na parusa ang isasampal sa tinaguriang ‘hoodlums in uniform’ na makikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga ito sa nagawang karumal-dumal na krimen. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 7971 na nag-aamyenda sa Article 19 ng Penal Code na inakda nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan. Ipaliwanag sa nasabing panukala na ang mga awtoridad ay naatasan na proteksyunan ang taumbayan subalit may mga tiwali sa mga ito na nakikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga…

Read More

MGA PILIPINO SA ISRAEL PINAG-IINGAT

INALERTO at pinayuhan ng masusing pag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pilipino dahil sa tumitinding banta sa seguridad ng bansa kasunod ng pag atake ng Iran gamit ang mahigit isang daang weaponized drones kahapon. Ayon sa Embahada, mabuting umiwas muna ang mga Pinoy sa Gaza envelope at mga lugar na malapit sa confrontation line para sa kanilang kaligtasan. Kinumpirma ng Israeli army official na nagpakawala ang Iran ng mahigit 100 attack drones at missiles sa direksyon ng Israel kaya pinayuhan ang taong bayan na maging handa sa…

Read More

INTERES NG PILIPINAS ISINULONG NI PBBM SA TRILATERAL MEETING

MAGIGING kapaki-pakinabang sa mga Pilipino ang resulta ng makasaysayang trilateral meeting nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kasamang nagtungo ni Pangulong Marcos sa Washington DC. Ayon kay Romualdez, mahalaga na naging solido ang pagsuporta ng Estados Unidos at Japan sa Pilipinas kaugnay ng isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sa Joint Vision Statement nina Biden, Kishida, at Marcos kinondena ng tatlong lider ang mga pangha-harass ng China sa mga Pilipino…

Read More

PAGKUHA NG BIRTH CERT AT CLEARANCE NG PWDs, SOLO PARENTS ILILIBRE

IHAHAIN ngayong Lunes ng ACT-CIS Party-list ang batas para gawing libre ang mga dokumento bilang job requirements sa sektor ng persons with disability (PWD) at solo parents. Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at Solo Parents sa nasabing panukalang batas. Ani Cong. Erwin, “instead of paying for these requirements, malaking tulong sa mga PWds at Solo Parents ang kanilang matitipid”. Dagdag…

Read More

AGRI-KAAGAPAY NAGBIGAY NG TULONG SA MAY 1,000 NASUNUGANG PAMILYA SA TONDO

NAGPAABOT ng tulong ang ACT-Agri- Kaagapay Organization sa may 1,000 pamilya na nawalan ng tahanan sa isang sunog na Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila. Si Civic leader Virginia Ledesma Rodriguez, founder ng Agri- Kaagapay organization, ang nanguna sa relief operation sa pamamagitan nang pamamahagi ng mga damit, hygiene items, pagkain at tubig sa mga pamilyang apektado ng sunog. Sa nasabing relief operation, nagpahayag si Rodriguez, na kilala sa pagiging isang philanthropist, ng sinserong pag-asa at panalangin para sa kaligtasan ng bawat residente. Nangako rin siya na patuloy na magkakaloob…

Read More

COMELEC POSITIBO SA MATAAS NA OV TURNOUT SA 2025 ELECTION

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na makakamit ang 70 hanggang 80 porsiyentong overseas voter turnout para sa 2025 midterm polls, sa pilot implementation ng internet voting. Ito ay isang malaking pagtalon mula sa 38 porsyento na overseas voters turnout noong 2022 na botohan, kung saan humigit-kumulang 600,000 lamang sa 1.6 milyong rehistradong botante sa ibang bansa ang bumoto. “That was the highest in overseas voting history. But that remains low when compared to local voter turnout. This is why we want to increase this through internet voting,” sabi ni…

Read More

‘Pag sinamahan ang anak sa bakuna EMPLEYADO EXCUSE SA TRABAHO – DOLE

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment sa isang advisory na exempted ang mga empleyado at hindi maaaring markahang absent kapag sinamahan ang kanilang mga anak sa vaccination centers. “Employers are highly encouraged to allow their employees to be excused from work when they accompany their children on scheduled vaccinations, or when they must take care of their children with adverse effects or reactions to the vaccine on the day after the vaccination,” ayon sa DOLE. Naglabas ng abiso ang ahensya bilang suporta sa nationwide measles, rubella at oral polio…

Read More

EX-PARTNER NI POKWANG IDINEPORT NA

MATAGUMPAY na napatalsik sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang American national na si Lee O’Brian. Magugunitang noong nakaraang taon, naghain ng deportation case ang Filipino comedian na si Marietta Subong o mas kilala bilang si “Pokwang” laban sa kanyang dating live-in partner dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit. Sa kanyang reklamo, sinabi ni Subong na si O’Brian ay nagtatrabaho sa iba’t ibang production companies nang walang permit mula sa Department of Labor and Employment at BI. Nakakita ng merito ang BI sa nasabing reklamo at inutusang i-deport…

Read More