INIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR SOCCSKSARGEN) ang viral video ng paggambala at paghawak sa mga tarsier ng isang vlogger at kasama nito sa Polomolok, South Cotabato. Nabatid na dinagsa ng batikos mula sa mga netizen lalo na ang animal lovers, ang post ng vlogger na si Farm Boy. Tinanggal na ang video sa Facebook page ng vlogger pero hindi pa rin maawat ang online reactions simula nang i-post ito noong Lunes, Abril 8. Sa nasabing video, kinuha ng dalawang kalalakihan ang dalawang tarsier at inutusan ng…
Read MoreCategory: METRO
2 HOLDAPER NASILO SA OPLAN GALUGAD
DALAWANG hinihinalang holdaper ang nadakip sa inilatag na “Oplan Galugad” ng Manila Police District – Malate Police Station 9, sa magkahiwalay na insidente sa Malate, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Unang isinelda ang suspek na si Haixan Putal, 35, residente ng Adriatico Street sa Malate. Swak din sa selda ang suspek na si Sanny Fernandez, 31, ng nasabi ring lugar, nang matimbog ng tabi ng isang Hotel sa Adriatico. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, unang nabuslo si Putal dahil sa pagsaklolo ng mga awtoridad…
Read More3 SUGATAN, 300 BAHAY NATUPOK SA TONDO
UMABOT sa 300 kabahayan ang natupok habang tatlo katao ang nasugatan sa mahigit dalawang oras na sunog sa Isla Puting Bato, Tondo Manila noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-3:49 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Purok 3, Isla Puting Bato, Barangay 20 sa Tondo. Umabot sa ika-5 alarma ang sunog at idineklarang fire-out dakong alas-5:31 ng hapon. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, kasama si Police Captain Genesis Aliling…
Read More3 FOREIGN SEX OFFENDERS HINARANG SA NAIA
TATLO pang dayuhang sex offenders ang pinigil ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagiging undesirable aliens. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang tatlong pasahero na pinigil sa NAIA Terminal 1, ay nagpanggap na mga turista. Kabilang sa hinarang na mga dayuhan si Jeffrey William Jewitt, 42, sakay ng Korean Airlines flight galing Incheon, South Korea. Si Jewit ay nahatulan ng two counts na child abduction at pagmolestiya sa isang 16-anyos, at sexual exploitation sa isang 12-anyos, sa isang…
Read MoreADJUSTED CLASS SCHEDULE INIUTOS SA MAYNILA
INATASAN ng Manila Schools Division Office sa pamamagitan ng inilabas na memorandum na magsagawa ng klase ang public schools mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali dahil na rin sa umiiral na El Niño na nakaaapekto sa bansa. Nakasaad sa memorandum na may petsang Abril 8 at nilagdaan ni SDO Chief education supervisor Nerissa Lomeda na magiging epektibo ang kautusan ngayong Huwebes, Abril 11 hanggang Mayo 28 sa lahat ng public schools sa lungsod. Ang pagpapatupad ng division memorandum ay resulta ng consultative meeting sa iba’t ibang stakeholders sa…
Read MorePAG-BAN SA POGO DINIINAN NI GATCHALIAN
MULING binigyang-diin ng ilang senador ang pangangailangan na tuluyan nang i-ban sa bansa ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Kasabay nito, pinuri nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senador Win Gatchalian ang aksyon ng administrasyon na i-freeze ang assets ng ni-raid na POGO firm sa Tarlac. Sinabi ni Villanueva na ang aksyon ng gobyerno ay malinaw na mensahe na kailangan na ng seryosong hakbangin upang masawata ang ilegal na operasyon ng POGO sa bansa. Muling iginiit ni Villanueva na anumang nakukuha ng gobyerno sa operasyon ng…
Read MoreNBI NAGBABALA SA PAGPIRMA NG QUITCLAIMS SA OSPITAL
NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa pagpirma ng quit claims ng mga pasyente sa ospital. Ito ay kasunod ng nangyaring insidente sa isang 10-anyos na lalaki na dumanas ng second degree burn sa kanyang ari, hita at tiyan matapos sumabog ang surgical gloves na umano’y ginamit ng nursing aide bilang hot compress sa pasyente. Dahil sa pangyayari, nakatakdang ipatawag ng Quezon City Prosecutors Office ang kinatawan ng ospital dahil sa kanilang kapabayaan at kasunod ng reklamo ng ina ng bata na si alyas “Jocelyn ” sa NBI.…
Read MoreKOREANO NAG-DIVE SA CONDO?
NAHULOG mula sa ikasiyam na palapag ng tinutuluyang condominium ang isang Korean national sa Maynila nitong Miyerkoles. Sa ulat ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang 7:55 ng umaga nang mahulog mula sa ika-9 na palapag ng condominium sa A. Adriatico Street, Malate ang biktima na kinilalang si Wonbin Lee. Pinaghihinalaang sadyang tumalon mula sa kanyang unit sa Room 501 ang biktima bagaman hindi pa batid ng mga awtoridad ang dahilan ng pagpapakamatay umano nito. Pansamantalang inilagak sa Body and…
Read More2 SUSPEK SA NATAGPUANG BABAE SA KAHON, NABITAG
ARESTADO ang isang lalaki na nagtapon umano ng bangkay ng isang babae na inilagay sa kahon, gayundin ang mastermind sa krimen, noong Sabado ng gabi sa Masuwerte Street, Barangay 109, Tondo, Manila. Sa pamumuno ni Police Major Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District – Criminal Investigation Section (CIS), kasama ang mga tauhan ni Police Captain Dennis Turla ng MPD – Homicide Section, natimbog ang suspek matapos magsagawa ng back tracking ang mga pulis sa kahabaan ng Maswerte St. noong Sabado ng gabi. Ayon kay MPD Director Police Brigadier General…
Read More