MGA NAGSAKRIPISYO PARA SA BAYAN KINILALA

KINILALA kahapon ang mga beteranong Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan, kasarinlan at kapayapaan ng bansa. Kasama si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., binigyang pagkilala ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP), ang mga beterano sa paggunita ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. “Magsilbi nawang inspirasyon ang kanilang kagitingan sa pagkakaisa ng sambayanan at sa pagtugon sa mga hamon ng panahon, tungo sa mapayapa, matatag, at maunlad na Bagong Pilipinas,” bahagi ng pananalita ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr.…

Read More

QUIBOLOY KUMPIRMADONG MAY MULTI-MILLION FIREARMS

PINAG-AARALAN ng Philippine National Police kung kinakailangang kanselahin na ang kaukulang mga dokumento ng mga baril na pag-aari umano ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, na kasalukuyang itinuturing na pugante ng mga awtoridad. Ito ay matapos na kumpirmahin ng PNP na totoong mayroong pagmamay-ari na mga armas si “self-proclaimed appointed of son of God” Apollo Quiboloy na target ngayon ng manhunt operation matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court Branch 12, laban sa kanya kaugnay sa mga kasong sexual at child abuse.…

Read More

JOINT NAVAL DRILLS SA WPS BINANTAYAN NG 2 CHINESE SHIPS

TAGUMPAY ang isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Estados Unidos, Australia, at Japan sa loob ng exclusive economic zone ng bansa, partikular na sa West Philippine Sea. Ito ay nilahukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM), Australian Defense Force (ADF), at Japan Self-Defense Forces (JSDF). Sa ginanap na ‘donning of rank ceremony’ para kay Lt. Colonel Miguel “Migs” Zubiri, kasalukuyang Senate President, sa AFP Headquarters kahapon, inihayag ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner na naging matagumpay ang isinagawang MMCA. “Successful po…

Read More

MMCA HINDI SHOW OF FORCE – AFP

ITO ang naging tugon ng Department of National Defense hinggil sa katatapos na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea kasama ang mga bansang Japan, Australia, at Estados Unidos. Ipinagkibit-balikat na lamang ng DND at maging ng Armed Forces of the Philippines ang mga panibagong alegasyong ng China laban sa ating bansa matapos ang ginawang joint maritime activities sa West Philippine Sea. Ito rin ang naging tugon ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa kasunod ng mga panibagong pag-aakusa ng China na paglabag umano sa Code of Conduct of Parties ang…

Read More

OBRERO PROTEKTAHAN SA HEAT STRESS – REP. NOGRALES

KINALAMPAG ni House committee on labor and employment Chairman at Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang mga employer na sundin ang inilabas na advisory ng Department of Labor and Employment (DOLE) para protektahan ang mga manggagawa laban sa heat stress na dulot ng matinding El Niño phenomenon. Ayon kay Nograles, mahalagang sundin ng mga kumpanya ang mga hakbang na inilatag ng DOLE para sa kapakanan ng mga empleyado ngayong matindi ang init na nararanasan sa bansa. Kabilang sa tinukoy ni Nograles ang pagbabawas sa pagkabilad sa araw ng mga…

Read More

ESTUDYANTE TUMALON SA LRT 1 CENTRAL STATION

NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 20-anyos na estudyante matapos na tumalon sa Central Station ng LRT 1 sa Ermita, Manila nitong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, bandang alas-9:14 ng umaga nang umano’y tumalon ang isang estudyante ng Lyceum of the Philippines University, sa south bound lane ng Central Station. Mabilis na isinugod ang biktima sa Philippine General Hospital subalit dakong alas-9:44 ng umaga ay idineklarang patay na ni Dr. Rizelle Jean T. Dimanlig. (RENE CRISOSTOMO) 592

Read More

ABALOS LUMAGDA SA JOINT CIRCULAR PARA ISAAYOS PONDO NG LGUs

Dapat tiyakin na ang mga lokal na programa at proyektong pinaglalaanan ng pondo ay tunay na tumutugon sa kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan ng mga komunidad kung saan ito ipatutupad, deklara ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon. Kaugnay nito, pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, ang paglagda sa joint memorandum circular ukol sa pagsasaayos ng pangangasiwa ng pondo sa mga pamahalaang lokal. “Magtutulungan ang mga ahensya ng pamahalaan para magsagawa ng mga pagsasanay para sa mga local government…

Read More

PNP KAY QUIBOLOY: SUMUKO KA NA

NANAWAGAN kahapon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na lamang sa mga awtoridad. Sa isang pahayag, sinabi ni Police Maj. Catherine Dela Rey, Police Region XI spokesperson, titiyakin nila ang kaligtasan at seguridad ni Quiboloy habang nasa police custody. Noong Sabado ng umaga ay binasag ni self-proclaimed appointed son of god, ang kanyang pananahimik at sinabing hindi siya nagtatago, nais lamang niyang protektahan ang kanyang sarili sa kinatatakutang extradition nito sa United States. Una nang umapela si Quiboloy kay PNP chief,…

Read More

MC TAXIS SA METRO MANILA HINDI DARAGDAGAN – DOTr

NILINAW ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi na madaragdagan ang bilang ng MC taxi service sa Metro Manila. Tugon ito ni Bautista sa panawagan ng NACTODAP na itigil na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang MC taxi service expansion dahil sobrang dami na ng bilang nito na nakaaapekto sa kanilang hanapbuhay. Sinabi ni Bautista na ang dagdag 8,000 slots na nailabas ng LTFRB kamakailan ay para lamang sa labas ng Metro Manila. “Tigil na ang pagdaragdag ng LTFRB ng MC taxi service slots at…

Read More