VILLAR SUMUNGKIT NG UNAP AWARDS

Nasa larawan sina (L-R) President ITIP- Atty. Joey Lina; UNAP Global President -Roderick C. Cruz; Comm. Joseph Sevilla; UNAP National President-Dr. Ramona Ines Bustamante-Raneses; Sen Cynthia Villar; UNAP Regional Chapter President- Comm. Bai Norhata M. Alonto; at UNAP Luzon Chapter President- Atty. Alex Nepomoceno. TUMANGGAP ng Human Rights Awards for Poverty Alleviation si Senator Cynthia Villar mula sa United Nations Association of the Philippines (UNAP). Ang parangal ay para sa kanyang mga inisyatiba sa pagtanggal ng kahirapan at pagpapanatili ng isang malusog na kapaligiran. Ang natatanging parangal ay ibinigay sa…

Read More

ACT-AGRI KAAGAPAY UMAALALAY SA PILIPINO

MULING ipinamalas ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pamumuno ni Ms. Virginia Ledesma Rodriguez ang malasakit at pagkalinga sa kapwa makaraang mamigay ng pagkain at mineral water nitong Semana Santa sa libu-libong Pilipino. Unang namigay ang grupo ni Ms. Rodriguez sa mga namamanata at nagsasagawa ng Visita Iglesia sa Simbahan ng Balut at Gagalangin sa Tondo noong Huwebes Santo habang sa Quiapo, Maynila at Payatas, Quezon City naman namigay noong Biyernes Santo. Kasama ang mga lokal na lider ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pangunguna ni Ronald Castillo, sa kanilang pagtulong sa mga “less…

Read More

LAPID: OFWS, BUHAY NA BAYANI

NAMAHAGI si Supremo Senador Lito Lapid ng ayuda sa 640 pamilya ng overseas Filipino workers(OFWs) mula sa Metro Manila nitong March 18, 2024. Sa isinagawang payout ng DSWD at OFW partylist sa Ayala mall, Parañaque City, tumanggap ang mga benepisyaryo ng halagang 2-milyong piso mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation(AICS). Sa kanyang talumpati, itinuring ni Sen. Lapid na mga buhay na bayani ang mga OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay at nagpasalamat sa malaking ambag sa ekonomiya ng remittances ng…

Read More

3 KILO NG SHABU NASABAT SA PASAY

TINATAYANG umabot sa mahigit P20 milyong halaga ng ilegal na droga na nagmula sa Vancouver, Canada, ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics interdiction ng mga awtoridad sa Pasay City. Ayon sa ulat nitong Martes, hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong kilo ng hinihinalang shabu na tinangkang ilabas ng dinakip na suspek na kinilalang si Mohammad Tammy Bagatao, a.k.a. Joseph Manasseh Acogido, 51-anyos. Si Bagatao ay inaresto ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at PDEA sa isinagawang interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC),…

Read More

LOLO PATAY SA BUGBOG NG APO

PATAY ang isang 81-anyos na lalaki makaraang bugbugin ng apo hanggang sa tumama ang ulo sa pader sa kanilang bahay sa Barangay 770, Sta. Ana, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jesus Rivera, lolo ng suspek na si Reymart Tanghal alyas “Batotoy”, 27, na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang lugar. Ayon sa testigo na kapitbahay ng…

Read More

LALAKI BINIRA DAHIL SA DROGA

NAMATAY noon din ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang patraydor na barilin sa likurang bahagi ng ulo sa Gasangan Street, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila nitong madaling araw ng Martes. Kinilala ang biktimang si alyas “Ronald”, nasa 25 hanggang 30-anyos ang edad at nasa 5’7″ ang taas. Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, batay sa pahayag ng isang testigo, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang barilin ang biktima ng suspek na si John-John Pascua, 28, at kasabwat…

Read More

RAPE SUSPECT NASILO SA ANTIPOLO

NASILO sa Antipolo City ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang isang 42 anyos na construction worker na may kasong rape at act of lasciviousness sa Pasig City, noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Alvin Magno, binata ng Victorino Extension, Pasig City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang madakip ang suspek makaraang matunton sa Antipolo City. Halos anim na taon umanong nagtago ang suspek…

Read More

BATA NALUNOD SA BIRTHDAY OUTING SA ILOG

QUEZON – Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang birthday celebrator nang malunod sa ilog ang isang batang lalaki na anak ng isa sa mga bisita sa Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Infanta Police ang biktimang si Reymark Aga Ruzol. Ayon sa report, nagtungo sa gilid ng Agos River ang pamilya ng biktima upang makisaya sa birthday party at outing ng kanilang kaibigan. Huling nakita ang biktima na naglalaro kasama ng iba pang mga bata sa mababaw na bahagi…

Read More

Hamon ni Defense Sec. Teodoro sa China SOVEREIGNTY CLAIM SA WPS ILATAG SA ARBITRATION

HINAMON ni Department of National Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang China na ilatag ang sovereignty claim nito sa arbitration sa gitna ng sunod-sunod na pangha-harass ng China Coast Guard at China Militia sa West Philippine Sea. Kahapon, kinumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año na may tatlong Philippine Navy personnel na sakay ng civilian chartered boat ng Navy para magsagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa may Ayungin Shoal, ang malubhang nasugatan. Kasunod ng panibagong pambu-bully na naranasan ng mga sundalong Pinoy, nagbanta pa…

Read More