TINATAYANG umabot sa mahigit P1 milyong halaga ng pinatuyong marijuana ang nakumpiska sa dalawang drug personality kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na Linggo sa Brgy. Poblacion, Aguila, Pangasinan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang buy-bust operation ang inilatag ng kanyang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 2. Sa isinagawang anti-narcotics operation, katuwang ang PDEA RO IV-A, RSET, kasama ang PDEA Pangasinan PO, matagumpay na naaresto ang dalawang suspek na kinilalang…
Read MoreCategory: METRO
RIDER NA PULIS PATAY SA TRAILER TRUCK
DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 42-anyos na pulis makaraang masagasaan ng trailer truck habang nagmamaneho ng motorsiklo sa westbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sampaloc, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Arnel Robiro, may asawa, ng Health Service sa Camp Crame at residente ng Sta. Maria, Bulacan. Batay sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mabundol ng trailer truck ang biktima…
Read MoreHindi nasibak lahat MAY CHINESE AUXILIARIES PA SA PCG – SOLON
POSIBLENG may natitira pang Chinese nationals sa Auxiliary Force Corps ng Philippine Coast Guard (PCG). Duda ito ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kaya hiniling nito sa PCG na i-terminate o alisin ang lahat ng Chinese nationals na posibleng nabigyan ng National Security Clearance para maging miyembro ng AFC. “Apparently, doon sa binanggit ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, patuloy pa rin ang investigation nila. Maaaring may mga naiiwan doon na Auxiliary members na hindi Filipino or Chinese ang kanilang nationality,” ani Barbers sa isang panayam. Noong…
Read MoreNAG-RECRUIT SA 36 CHINESE SA PCG PINATUTUKOY
PANAHON na para hubaran ng maskara ang “makabagong makapili” na nag-recruit sa 36 Chinese nationals sa Philippine Coast Guard Auxiliary Force Corps (PCGAFC) dahil inilagay ng mga ito sa panganib ang seguridad ng bansa. “Nuong panahon ng Hapon sa Pilipinas, meron tayong mga Makapili. Ngayon, meron na rin umano tayong mga Makabagong Makapili na nagsisilbi sa interes ng China sa ating bansa. Panahon na para imbestigahan at kilalanin ang umano’y mga walang konsensya at taksil sa bayan na mga ito,” pahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Ang…
Read MoreP300-M AYUDA, PROGRAMA INIHATID NG SERBISYO CARAVAN SA AGUSAN
NAGKAKAHALAGA ng P300 milyon ang ayuda at serbisyong dala ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginanap sa Agusan del Norte noong Marso 22 at 23. Dumating naman sa lugar ang 63 kongresista upang magpakita ng suporta sa programa, gayundin si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ito ang kauna-unahang Serbisyo caravan sa Caraga region at ika-14 na yugto ng BPSF mula nang simulan ito noong nakaraang taon. “Gaya ng sinabi namin sa naunang bayan na binisita…
Read MorePAGLIPAT NI SEN. IMEE NG P13-B PONDO PARA SA 4Ps MISTULANG PAGNANAKAW SA MAHIHIRAP
IKINUMPARA ni Deputy Speaker at Quezon Province Rep. David “Jayjay” Suarez sa pagnanakaw sa mahihirap ang naging desisyon ni Sen. Imee Marcos na ilipat ang P13 bilyong pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2023. Sa briefing ng House Committees on Public Accounts at Social Services kaugnay ng privilege speech ni 4Ps Partylist Rep. JC Abalos, kinumpirma ni Suarez kay DSWD Sec. Rex Gatchalian ang naging realignment ng pondo ng 4Ps noong 2023. “Lumabas ‘yung House version natin, maintained intact ‘yung pera ng 4Ps. Now I don’t know…
Read MoreIBA PANG OFW LOUNGE SA NAIA PINAMAMADALI
MATAPOS mabuksan ang OFW lounge sa NAIA Terminal 1, ilang buwan na ang nagdaan, pinamamadali na rin ngayon ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng iba pang OFW lounge sa NAIA Terminal 3 at Terminal 2. Ito ang kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Arnel Ignacio kamakailan. Aniya, “successful ang OFW lounge sa terminal one dahil laging puno ito kaya gusto ni Speaker Romualdez magbukas na rin kami sa NAIA 2 at 3”. “Pondo ng Office of the Speaker ang ginamit sa unang lounge at sabi niya…
Read MoreFORWARD NEGOSYO NI NOGRALES KASAMA SA TUMAL AT BIYAYA
INIHAYAG ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles na malaki o maliit man ang ating negosyo, ramdam na ramdam natin ang tumal ngunit tuloy pa rin ang kanyang suporta sa mga residente ng Montalban. Aniya, minsan hindi maiiwasang mahina ang benta, mababa ang kita, at lumulobo ang gastusin, subalit hindi tayo dapat panghinaan ng loob. Ang mahalaga aniya, kahit matumal ang negosyo, hinding-hindi tayo susuko. Sa halip ay ipakita aniya natin ang dobleng kayod, tamang diskarte, sipag, at tiyaga, kalaunan ay makakaraos din tayo at aapaw muli ang biyaya. “Kaya…
Read MoreTAIWANESE INARESTO SA COMPANY FRAUD
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa company fraud. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang dayuhan na si Chang Chia Wei, 42, inaresto sa kanyang bahay sa Bamban, Tarlac, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng BI Board of Commissioners noong Nobyembre 2021, noong siya ay inisyuhan ng deportation order dahil sa pagiging undesirable alien. Hiniling ng Taipei Economic and Cultural…
Read More