14 BANSA MAGSISILBING OBSERVERS SA 2024 PHL-US BALIKATAN EXERCISES

AABOT sa 14 bansa ang dadalo at magmamasid sa isasagawang pinakamalaking war exercise sa pagitan ng Pilipinas at ng United States kaugnay sa taunang Joint Balikatan Exercises. Ayon kay Col. Michael Logico, executive agent ng Phil-US Balikatan 2024, bukod sa foreign observers, sasali rin sa offensive maritime drill ang isang Frigate ng French Navy. Nabatid na ang gaganaping malakihang pagsasanay na may kaakibat na live fire exercise, maritime patrol, at tatampukan ng sinking exercise, ay sasalihan ng11,000 sundalo mula sa U.S. Armed Forces habang limang libong sundalo naman mula sa…

Read More

LEGALISASYON NG MEDICAL MARIJUANA TINATALAKAY NA SA SENADO

PINAG-USAPAN na sa Senado na gawing legal ang cannabis medicine, ayon kay Richard Nixon Gomez, kilalang Scientist at Inventor, CEO ng Bauertek.Kasamang dumalo sa Senado ng ilan nagsusulong na maging legal ang cannabis medicine, si Dr. Gomez, kilalang Scientist at Inventor at CEO ng Bauertek Pharmaceutical Technologies na may kakayahang gumawa ng Pharmaceutical Grade Medical Cannabis. Sa eksklusibong panayam sa lungsod ng Quezon kay Ginoong Gomez, sinabi nito na ang cannabis medicine ay mas mura para sa mga kababayang may karamdaman at makapagbibigay ng trabaho at malaking buwis sa bansa.…

Read More

QC JAIL INMATE SINILBIHAN NG WARRANT SA CARNAPPING

SINILBIHAN ng mga awtoridad noong Martes ng hapon ng warrant of arrest ang isang 21-anyos na binatang nakakulong sa Quezon City Jail, dahil sa nakabinbin nitong kasong carnapping. Kinilala ang suspek na si “Bryan Patrick”, jobless, ng Barangay San Isidro, Montalban, Rizal, nakatala bilang most wanted person, station level. Batay sa isinumiteng ulat ni Police Major Billy Ray Canagan, hepe ng Warrant and Subpoena Section, kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, alas-4:10 ng hapon nang isilbi sa suspek sa Quezon City…

Read More

P12-B PONDO NG COMELEC INTACT PA RIN

NANANATILING hindi pa nagagalaw ng Commission on Elections (Comelec) ang P12 biyong pondo na inilaan para sa plebisito at referendum na isiningit sa Bicameral Conference Committee meeting sa noo’y 2024 General Appropriations Bill (GAB). Ito ang inihayag ni Comelec Chairman George Garcia sa Senate hearing sa gitna ng pagsusulong na magsagawa ng plebisito upang pagtibayin ang panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon, at isabay ito 2025 midterm elections. Ayon kay Garcia, ang komisyon ay nakatakdang magsimulang mag-imprenta ng mga balota sa ikalawang linggo ng Enero 2025. Aniya, plano nilang maglagay ng hindi…

Read More

DRUG GROUP MEMBER NABITAG SA MAYNILA

NABITAG ng mga operatiba ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District ang isang miyembro umano ng Saluib crime group at Buranday drug group, sa ikinasang operasyon sa San Fabian Street, Tondo, Manila noong Lunes ng gabi Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nass Vargas, station commander, bandang alas-6:45 ng gabi nang maispatan sa nasabing lugar ang suspek na kinilalang si alyas “Bert”, 28, jobless, residente ng Parola Compound, Tondo, Manila. Inaresto ang suspek dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa bisa…

Read More

DRIVERS NA BINANGGA ILILIBRE SA KULONG AT KASO

HINDI dapat makulong ang mga driver at rider na binangga subalit sila pa ang nakakasuhan at nakukulong lalo na kapag namatay ang bumangga sa kanila. Ito ang iginiit ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, vice chairman ng House Committee on Justice, kaya gagawa umano ang mga ito ng batas para baguhin ang kalakaran na ang mga sumusunod sa batas ang nakukulong at nakakasuhan kapag nagkaroon ng aksidente sa lansangan. Inihalimbawa nito ang kaso ng Toyota Innova driver na sinalpok ng lasing, walang helmet, overspeeding, at nag-counterflow na rider sa Skyway…

Read More

JOB APPLICANTS PINAG-IINGAT SA SCAM

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Filipino job applicants na maging maingat sa online recruitment scams na pino-post sa iba’t ibang social media platforms. Ayon sa ahensya, maraming mapanlinlang na online recruitment scam ang umaakit sa mga naghahanap ng trabaho o job openings na nangangako ng napakataas na suweldo, kabilang ang mga walang karanasan sa trabaho. Ayon kay Labor OIC-Assistant Secretary Patrick P. Patriwirawan, Jr., ang modus operandi ay maaring makasira sa malaking bilang ng mga tao partikular na ang mga walang trabaho. Batay sa January 2024…

Read More

PPP EXHIBIT: PINOY PHOTOGS PARA SA KAPAYAPAAN

SA gitna ng bantang destabilization plot at patuloy na armadong tunggalian sa kanayunan ay mas nararapat na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan. Ito ang mensahe ng Press Photographers of the Philippines (PPP) kasama ang imbitasyon sa mga mag-aaral na dumalo sa photo exhibit na gaganapin sa Marso 25, mula 10:00 am hanggang 2:00 pm sa National Press Club (NPC) grounds sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila. Sa eksibit na ito na pinamagatang “Give Peace A Chance,” matutunghayan ang mga litratong kuha ng mga beteranong photojournalist na nakasaksi ng aktwal na sagupaan…

Read More

‘KASUNDUAN’ NG PINAS AT CHINA SA AYUNGIN SHOAL BUBUSISIIN

NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara upang imbestigahan ang umano’y kasunduan ng Pilipinas at China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sa House Resolution (HR) 1216 na inakda ng Makabayan bloc, inaatasan ng mga ito ang mga kaukulang komite sa Mababang Kapulungan upang malaman kung totoo o hindi ang kasunduang ito. “On August 7, 2023, China’s Foreign Ministry claimed that the Philippines promised several times to tow away BRP Sierra Madre from Ayungin Shoal,” ayon sa nasabing resolusyon. Pawang itinanggi nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos…

Read More