PRAYERS FOR PEACE PINANGUNAHAN NG POLPHIL

NAGPAKAWALA ng mga puting kalapati ang mga convenor’s ng National Ecumenical Prayers for Peace sa pangunguna ng POLPhil kaugnay ng kanilang isinusulong na pagbuo ng bagong landas tungo sa kapayapaan. NAGPAKAWALA ng mga puting kalapati ang mga convenor’s ng National Ecumenical Prayers for Peace na simbolo ng inaasam na pangmatagalang kapayapaan matapos lumagda gamit ang kanilang thumbprints ng isang pangako na tumulong sa pagwawakas ng ilang dekada nang hidwaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista at yakapin ang isang bagong landas tungo sa kapayapaan. Ang kaganapan ay pinangunahan…

Read More

SUSPENSYON LABAN SA SMNI PINURI

PINURI ng dalawang progresibong organisasyon ang naging aksyon ng National Telecommunications Commission (NTC) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) laban sa Sonshine Media Network International (SMNI), ang broadcast network na iniuugnay sa kontrobersyal na televangelist na si Apollo Quiboloy. Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Gabriela Women’s Party-list na nararapat lamang suspendihin ang SMNI na sistemako umanong nagpapakalat ng mga maling impormasyon at lumabag sa termino ng kanilang prangkisa. Bilang tugon sa resolusyon na pinagtibay ng Kamara de Representantes, nagpalabas ng 30-araw…

Read More

Walang maiiwang gutom PAG-ASA, DARATING NA – RODRIGUEZ

ANG bilis talaga ng panahon dahil isa na namang taon ang magtatapos at darating na naman ang isang bagong taon. Tila kahapon lamang ngunit di natin namamalayan na papasok na naman ang taong 2024. Kung babalikan ang taong 2023, walang nagbago sa mga isyu ng mga Pinoy sa buhay, partikular na sa laban sa seguridad sa pagkain at mataas na presyo ng basic commodities, partikular na sa sektor ng agrikultura. Ang hamong ito ang nagtulak kay Ms. Virginia Rodriguez upang lumikha ng isang organisasyon na tunay na magpopokus at tutulong…

Read More

SAMGYUPSAL SA STA. CRUZ, MANILA WALANG DISCOUNT SA SENIOR

DISMAYADO ang mga lolo at lola sa inakalang diskuwento sa kanilang kakainin sa samgyupsal sa isang mall sa Sta. Cruz, Manila. Ayon sa isang waitress, inutos sa kanila ng management ng samgyupsal na walang discount ang mga senior citizen dahil naka-promo sila. “Kung si Mayor Alfredo Lim pa sana ang alkalde ng Maynila, malamang ipadlak ito tulad noong alkalde pa siya,” pahayag ng lolo na hindi nagpabanggit ng pangalan Ayon sa mag-asawang senior citizen, kabubukas pa lamang ng nasabing samgyupsal kaya nais nila itong subukan. Nais ng mag-asawang senior citizen…

Read More

MATATANDA, PWDs NA PDL UNAHING BIGYAN NG PARDON

UMAPELA ang isang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) na iprayoridad ang matatanda, may sakit at mga may kapansanang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa irerekomendang pagkakalooban ng executive clemency ngayong Christmas season. Ginawa ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang apela kaugnay sa 1,500 PDL na inirekomenda ng DOJ kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pagkalooban ng executive clemency. “We urge the DOJ and the BPP to consider giving priority to elderly, frail PDLs and those suffering from critical illnesses and disabilities in recommending the grant…

Read More

Christmas gift giving…. LIBONG PAMILYA PINASAYA NI MS. VIRGINIA

NARAMDAMAN ng mga taga-San Nicolas, Manila ang pagmamahal at suporta ni Ms. Virginia Rodriguez nang maghatid siya ng mga regalo sa halos isang libong pamilya sa kanilang lugar. Sa pangunguna ni Ms. Virginia, naisagawa ang munting paskuhan sa San Nicolas sa tulong ni Fr. Douglas Badong ng Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish kaagapay din ang mga miyembro ng Hijos Del Nazareno MBBN. Hindi rin maalis ang tuwa sa halos limang-daang kabataan na nakibahagi sa Children Feeding program ni Ms. Virginia Rodriguez. Sa mahigit na dekadang mabuting gawain…

Read More

PANG. MARCOS KINILALA SA MGA HAKBANG NG PAMAHALAAN SA MIGRATION AT HUMAN MOBILITY

Binigyang pagkilala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng international office for migration dahil sa mga hakbang ng pamahalaan sa usapin ng migration at human mobility. Ang climate and human mobility recognition ay inanunsyo ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga. Kasama ni Maros na nabigyan ng nasabing pagkilala ang presidente ng Sudan. “Ito po ay isang [This is a] pavilion together with the international office for migration recognizes achievements in terms of migration and how we are handling human mobility as a whole,” ayon kay Loyzaga. Dumalo si Loyzaga sa global…

Read More

PETISYON SA GRAFT CASE NI NAPOLES IBINASURA NG SC

napoles12

IBINASURA ng Korte Suprema ang pinagsamang petisyon ng negosyanteng si Janet Lim Napoles at mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM). Naghain ng petition for certiorari si Napoles at mga opisyal ng DBM na kumukuwestiyon sa desisyon ng Ombudsman na may probable cause sa alegasyong sangkot sila sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, malversation at corruption of public officials sa ilalim ng Revised Penal Code. Sa sinulat na desisyon ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, ng Supreme Court Second Division, ang paghahain ng impormasyon o kaso…

Read More

Hindi nagpapakita sa publiko ‘HEART ATTACK’ NI REMULLA USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA

ILANG araw nang pinag-uusapan ng mga netizen ang kumalat na balita sa social media na inatake sa puso si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaya hindi umano ito nagpapakita sa publiko. Agad namang pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) ang balita. Sa isang kalatas mula sa Kalihim, tinawag nitong fake news ang nasabing report at hindi rin umano siya dinala sa ospital. Sinabi rin ng Kalihim na maayos ang kanyang kalagayan. Lumutang ang balita nang may makapansin na ilang araw nang hindi pumapasok sa DOJ ang kalihim. Hindi rin ito…

Read More