P10K SUPPLY ALLOWANCE NG MGA GURO PASADO NA SA KAMARA

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na itaas ang teaching supply allowance ng mga guro sa mga pampublikong paaralan. Mula sa kasalukuyang P5,000 ang taunang allowance ng mga guro ay itataas sa P7,500 sa School Year 2024-2025 at gagawing P10,000 sa mga susunod na school year. Ang House Bill (HB) No. 9682 o ang panukalang “Teaching Supplies Allowance Act” ay inaprubahan sa botong 247 pabor sa sesyon ngayong araw. Walang tumutol sa pagpasa ng panukala. “This much-needed allowance for teachers is long overdue,…

Read More

SEGURIDAD SA KAPASKUHAN SA MAYNILA PLANTSADO NA

PLANTSADO na ng Manila Police District ang ipatutupad na mahigpit na seguridad sa Kapaskuhan na magsisimula ngayong Sabado para sa siyam na araw na panata ng tradisyon ng mga Katoliko, ang “Simbang Gabi” sa Maynila. Bukod dito, mahigpit din ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga mamimili sa pangunahing mga pamilihan, tulad sa Divisoria, Quiapo, Blumentritt, at Paco na inaasahang dadagsa para mamili ng mga ireregalo sa kanilang mga anak at inaanak. Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), sa simula ng Simbang Gabi hanggang sa…

Read More

5 PINOY SEAFARERS KASAMA SA NA-STRANDED SA NAGYELONG KARAGATAN SA FINLAND

LIMANG Pinoy seafarers ang kasamang na-stranded nang 12 araw sa nagyelong karagatan sa Baltic Ocean. Ayon kay Renante Anta, taga Digos City, Davao del Sur, at cook sa cargo vessel na Symphony Sky, galing sila ng Hamburg, Germany at patungo sa Hamina Port sa Finland nang abutan ng pagyeyelo ng tubig-dagat sa kalagitnaan ng Baltic Sea. Bunsod nito, labindalawang-araw silang na-stranded sa tila naging semento na makapal na yelo mula noong Disyembre 3. Aniya, mayroon din namang ice breaker ang kanilang barko subalit hindi nito nakayang umusad dahil sa sobrang…

Read More

LONE BIDDER SA 2025 AES, ‘INELIGIBLE’ – COMELEC

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na ang nag-iisang bidder para sa 2025 automated election system (AES) ay “ineligible”. Ito ay makaraang ideklara ng Comelec Special Bids and Awards Committee ang kauna-unahang “failure of competitive bidding” para sa pagpapaupa ng AES na gagamitin para sa 2025 national at local elections (NLE). Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco, ang nag-iisang bidder para sa kontrata, isang joint venture ng Miru Systems Co. Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation at Centerpoint Solutions Technologies, Inc., ay hindi nakamit ang mga legal na…

Read More

TRADISYONAL NA TRASLACION POSIBLENG IBALIK NA

POSIBLENG maibalik sa susunod na taon ang tradisyonal na Traslacion ng Itim na Nazareno . Sinabi ng Simbahan ng Quiapo sa isang abiso nitong Disyembre 15, magkakaroon ng walk-through sa ruta ng “Traslacion” ngayong Sabado. “We are inviting you on December 16, at 5 am, at the Quirino Grandstand for the walk through of the route of the procession of the traslacion, which is part of our preparations for the celebration of Nazareno 2024,” saad sa kanilang advisory. Kasama sa aktibidad ang mga opisyal ng simbahan, ahensya ng gobyerno at…

Read More

GASTOS SA PASAY POGO WORKERS, MILYON NA

UMABOT na sa milyong piso ang nagagastos ng gobyerno para sa deportasyon at pangangalaga sa inarestong Chinese workers ng Pasay City-based Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na sinalakay ilang buwan na ang nakalilipas. Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz, kasalukuyan na nilang pinoproseso ang deportasyon ng 180 Chinese workers na inaresto sa ginawang pagsalakay noong Oktubre dahil sa walang maayos na immigration documents. “Kasi hindi naman po natin pwedeng pabayaan yung karapatan nila bilang tao. So kailangan pakainin mo sila, bigay mo sa kanila ‘yung…

Read More

TARGET SA DRUG OPS, 4 PA TIKLO SA MAYNILA

UMABOT sa P244,8000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, makaraang madakip ang isang hinihinalang tulak gayundin ang umano’y apat nitong kasabwat nang maaktuhan sa pot session sa isang barong-barong sa Barangay 310, Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes ng madaling araw . Kinilala ang target sa operasyon na si Allan Vina, 51, vendor. Samantala, swak din sa selda ang apat nitong umano’y mga kasabwat na sina alyas “Mason”, 25; “Jonas”, 39;…

Read More

PINAY TRAFFICKING VICTIM PINIGIL SA NAIA

PINIGIL sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng Bureau of Immigration, ang isang Filipina na biktima ng illegal recruitment scheme. Ayon sa babaeng ‘di pinangalanan, ni-recruit siya ng isang babae na kanyang nakilala sa isang bar. Una nitong sinabi na biyaheng Hong Kong siya para magbakasyon pero sa secondary inspection, nadiskubre na peke ang mga dokumento na kanyang isinumite na sa bandang huli ay inamin na ibinigay lamang sa kanya ang mga dokumento, gabi bago ang kanyang pag-alis at hindi na rin niya ito makontak. Dagdag pa ng…

Read More

REP. NOGRALES BINISITA MAGSASAKA, FARM-TO-MARKET ROAD PROJ. SA MONTALBAN

BINISITA ni Congressman Fidel Nograles ang Mt. Parawagan, Brgy. San Rafael, Montalban kasama ang kanyang mga katuwang sa pagpapalawak at pagsasaayos ng mga kalsada sa kanyang nasasakupan sa ikaapat na distrito ng lalawigan ng Rizal. Katuwang ni Cong. Nograles sa kanyang proyektong Farm-to-Market Road ang Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Layunin ni Nograles na mapabilis ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa malalayong lugar tulad ng kabundukan sa Brgy. San Rafael. Dahil bulubundukin ang nasabing barangay, hirap ang mga residente na magbaba ng…

Read More