VENDOR BINITBIT SA ‘DOUBLE DEAD’ NA KARNE

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9296, Section 48 na inamyendahan ng RA 10536 (The Meat Inspection Code of the Philippines) at Republic Act 10611, Section 37 (Food Safety Act of 2013), ang isang 45-anyos na vendor sa Pedro Guevarra Street, Barangay 364, Blumentritt, Sta. Cruz, Manila dahil sa pagbebenta ng ‘double dead’ na karne noong Linggo ng gabi. Una rito, nagpasaklolo ang mga tauhan ng Veterinary Inspection Board ng Manila City Hall sa pangunguna ni Dennis Noble, 38, sa tanggapan ng District Intelligence Division 2, Special Mayor’ s…

Read More

FRENCH PEDOPHILE TIKLO SA MAKATI

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang pedopilyang French national na wanted ng mga awtoridad sa Paris dahil sa pang-aabuso ng mga bata. Kinilala ng BI Fugitive Search Unit (FSU) ang dayuhan na si Theddy Douglas Tissier, 42, inaresto sa Chino Roces Avenue sa Makati City ng mga operatiba ng FSU. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, inaresto si Tissier sa bisa ng mission order na inisyu ng French government na siyang nagsabi na ang dayuhan ay nasa Pilipinas. “We are going to expel him…

Read More

TOLENTINO PAPALITAN NG ABOGADONG SENADOR

KINUMPIRMA ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pinag-uusapan na nila ang posibleng pumalit kay Senador Francis Tolentino bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Sa gitna anya ito ng pakikipag-usap sa kanya ni Tolentino at sinabing dahil sa magiging abala siya sa kampanya para sa kanyang reelection bid ay posibleng hindi na niya magampanan ang pagiging chairman ng kumite. Pinayuhan naman ng senate leader si Tolentino na huwag itong gawin dahil maituturing itong abandonment of work. Gayunman, kung desidido anya ang senador na bitawan ang chairmanship ay dapat niya…

Read More

AVIATION COMPANY KINUHA NG SBMA

BINAWI na ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang Aviation Hub Asia, Inc. dahil sa pagkabigong matupad ang lease agreement at pagkakautang ng halos P20 milyon. Ang Aviation Hub Asia, Inc. ay isa sa aviation services company sa loob ng teritoryo ng Freeport. Inihayag ni SBMA Chairman at Administrator Jonathan D. Tan na inaprubahan ng SBMA Board of Directors ang resolution No. 23-10-9296 para sa pagpapatigil sa lease agreement ng Aviation Hub Asia nitong October 3, 2023. Ang pagpapalabas ng Board resolution ay bunsod sa kabiguang bayaran ang lease rentals,…

Read More

CEASE AND DESIST ORDER INILABAS NG SEC LABAN SA SUPERBREAKTHROUGH ENTERPRISES

NAGLABAS ng cease and desist order ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Superbreakthrough Enterprises Corp. dahil sa ilegal umanong pag-solicit ng investment sa publiko. Sa isang dokumento na inilabas noong December 5, ipinag-utos ng SEC sa nasabing kumpanya na gamit ang pangalan na 1UP Tme, na itigil ang pagbenta ng securities na gumagamit ng investment contracts nang walang kaukulang lisensya mula sa ahensiya. Sakop ng nasabing kautusan ang presidente ng Superbreakthrough Enterprises Corp. Julius Allan Nolasco at ang kanilang directors, officers at agents. “A careful examination and analysis…

Read More

RUTA NOONG 2020 HINDI BINAGO PARA SA TRASLACION 2024

HINDI binago ang ruta ng traslacion sa pagdiriwang ng Itim na Nazareno sa kapistahan ng Quiapo, Manila sa darating na Enero 9, 2024. Ito ay matapos ianunsyo ng mga organizer ng 2024 Feast of the Black Nazarene traslacion, noong Sabado, Disyembre 16, na susundin nila ang rutang ginamit sa 2020 grand procession. Ang anunsyo ay ginawa pagkatapos ng ‘walkthrough’ sa umaga para sa Enero 9 na traslacion, simula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park at hanggang sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Quezon Boulevard, na…

Read More

2 suspek sa high-powered firearms inarbor MILITARY GENERAL UMEPAL SA POLICE OPS

NABULGAR ang umano’y pag-arbor ng isang military general sa dalawang suspek na nahulihan ng matataas na kalibre ng mga baril sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega ng Criminal Investigation and Detection Group Cebu PFU sa Lone Star Farm, Brgy. Apo, Argao, Cebu noong Disyembre 16, 2023. Kinilala ang mga suspek na sina Roderick Cortabitarte Satuito, (subject ng search warrant), nasa hustong edad, residente ng Brgy. Apo, Argao, Cebu, residente ng Vesta Grande, Brgy. Candulawan, Talisay, ng nasabing lalawigan, at Elmar Torres Lumanat, nasa hustong edad. Ayon sa report, ang operating units…

Read More

APELA NG SMARTMATIC SA DQ NG COMELEC KINONTRA

NANINIWALA ang isang election watchdog na patas ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskwalipika sa automated election service provider na Smartmatic. Ang pahayag ng Kontradaya, isang election watchdog ay tugon sa inihaing petisyon ng Smartmatic sa Korte Suprema na humihingi ng temporary restraining order o TRO upang mapigilan ang desisyon ng Comelec. Ayon sa Kontradaya, desperadong hakbang na lamang ng Smartmatic ang pagpapasaklolo sa Mataas na Hukuman. Naniniwala ang naturang election watchdog na maraming nagawang paglabag sa election process ang Smartmatic. Kinakailangan nga anila na magsama-sama ang lahat…

Read More

QUARANTINE SYSTEM PINAREREBISA

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagrebisa sa quarantine system ng gobyerno upang mas maging maayos at epektibo laban sa mga outbreak at epidemics. Sa kanyang Senate Bill No. 2508 o proposed Philippine Quarantine Authority (PQA) Act, iginiit ni Lapid ang pangangailangan ding isaayos at palagiang ihanda ang public health infrastructure. Ito anya sa pamamagitan ng pagtukoy sa Bureau of Quarantine (BOQ) bilang Philippine Quarantine Authority at ibalik ang military ranks sa mga opisyal nito upang palakasin ang kanilang awtoridad. “By returning military ranks to quarantine officials, the PQA will…

Read More