LUBHA na namang nabahala ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pag-atake ng deadly virus sa bansa kaya pinayuhan ang publiko na maging maingat at magsuot ng face mask. Sa bagong ulat ng national case bulletin ng kagawaran, tumaas ng 1,825 ang bagong kaso ng COVID-19 mula Disyembre 5 hanggang Disyembre 11, 2023. Mas mataas ito ng 36 percent kumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang December 4, nitong taon. Nasa 260 ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo. May 13 katao ang…
Read MoreCategory: METRO
PUBLIKO INALERTO SA EPEKTO NG EL NINO
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino para sa whole-of-nation approach sa paglaban sa epekto ng El Niño phenomenon na inaasahan magtatagal sa second quarter ng 2024. Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga ahensya ng pamahalaan na bilisan ang pagkumpleto sa mga irrigation facility at iba pang istraktura. “We must be prepared to counter its effect, which may last until the second quarter of 2024,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa inauguration ceremony ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Nueva Ecija. Pinaalalahanan din…
Read MoreILO CONVENTION VS HARASSMENT SA TRABAHO NIRATIPIKAHAN
PINAYAGAN na ng Senado na ratipikahan ang International Labour Organization Convention 190, ang unang internasyonal na kasunduan na tutugon laban sa harassment sa trabaho. Sa botong 20-0-0, inaprubahan ng mga senador sa huling pagbasa noong ika-11 ng Disyembre 2023 ang panukalang Resolution No. 877 para sa ratipikasyon ng “Convention Concerning the Elimination of Violence and Harassment in the World of Work.” Saklaw ng bagong ratipikadong kasunduan ang proteksyon at suporta para sa mga biktima gayundin ang mga mekanismo sa pagpapatupad nito. Taglay rin nito ang inklusibo at komprehensibong pagtugon sa…
Read MoreACTUAL FLIGHT DECK OPS TRAINING ISINAGAWA NG BRP GABRIELA
NAGSAGAWA ng actual flight deck ops training ang BRP Gabriela Silang sa Manila Bay Anchorage, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa Coast Guard Fleet, naglalayong paunlarin ang kahusayan ng Coast Guardians sa paghawak ng sasakyang panghimpapawid, mga pamamaraan ng paglapag at pag-alis ng sasakyang panghimpapawid, at emergency response protocols. Sa panahon ng capacity building initiative, natutunan ng mga tauhan ng Coast Guard kung paano mahusay na mag-coordinate at matiyak ang maayos at ligtas na mga operasyon ng sasakyang panghimpapawid sa flight deck. Ang Commanding Officer ng BRP Gabriela…
Read MoreQUIBOLOY PINA-IISYUHAN NG LOOKOUT BULLETIN ORDER
HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Justice na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Pastor Apollo Quiboloy gayundin ang pagsasagawa ng parallel investigation sa mga sinasabing alegasyon laban sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC). Sinabi ni Hontiveros na kasabay ng kanilang imbestigasyon sa Senado ay mas makabubuting makapagsiyasat na rin ang DOJ katulad ng ginawang sistema sa Socorro Bayanihan Services Incorporated. Sa press briefing sa Senate Media, iprinisinta ni Hontiveros ang video ng dalawang nagpakilalang mga dating miyembro ng KOJC na nakaranas umano ng pang-aabuso at…
Read MoreCELIZ, BADOY MAGPAPASKO SA KULUNGAN NG BATASAN
HINDI malayong mag-Pasko at Bagong Taon sa Batasan Pambansa Complex sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy matapos mapikon ang mga kongresista dahil sa petisyon na inihain ng kani-kanilang asawa sa Korte Suprema. Sa pagdinig ng House committee on legislative franchises, isinama sa agenda ang furlough na hiningi ni Celiz dahil sa Christmas Season at may sakit pa umano ang ina nito. Pagbibigyan umano sana ng congressman ang hiling ngunit dahil sa petisyon sa SC ay hindi ito natuloy. “Pagbibigyan na, binawi pa,” ani Manila Rep. Bienvenido Abante dahil habang dinidinig…
Read More87 DISQUALIFIED SA BSKE – COMELEC
UMABOT na sa 87 ang bilang ng diskwalipikadong mga kandidato sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) noong Lunes. Sinabi ng Comelec, nabuo ito matapos nitong pagbigyan ang mga petisyon para sa disqualification na inihain laban sa pitong BSKE bets. Sa disqualification cases, lima ang premature campaigning, ang isa ay nagsagawa ng maagang pangangampanya at pagbili ng boto, at ang isa ay tinanggal sa opisina dahil sa kasong administratibo. Samantala, ang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto ay itinuturing na isang paglabag…
Read More5.768 TRILYONG 2024 BUDGET NAKATUON PARA PAANGATIN BUHAY NG PINOY— ROMUALDEZ
MATAPOS ang masusing deliberasyon iniulat ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matagumpay na pagratipika ng P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024, na isa umanong mahalagang hakbang tungo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bansa. Sa pahayag, sinabi ni Romualdez na ang badyet ay bunga ng masigasig na pagtatrabaho ng Senado at House of Representatives na nagkasundo upang ayusin ang magkaiba nilang bersyon. “Ang badyet ng 2024 ay nakatutok sa pagsugpo ng inflation, pagtulong sa mga mahihirap, at pagpapalakas ng mga pangunahing serbisyong panlipunan,” sabi ni Romualdez,…
Read MoreGEN. BRAWNER KASAMA SA RESUPPLY BOAT NA BINOMBA NG TUBIG NG CHINA COAST GUARD
PERSONAL na naranasan ni Armed Forces of the Philippine Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. na gamitan ng water cannon at bombahin ng tubig ng China Coast Guard, nang sumama ang heneral sa huling Rotation and Resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong nakaraang Linggo. Nabatid na nagbalatkayo at palihim na sumama si General Brawner at sumakay sa MB Unaiza May 1, isa sa dalawang Philippine Navy chartered resupply boat, para magtungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, upang personal na ihatid din ang mensahe…
Read More