1.5M ARRIVALS INAASAHAN NGAYONG DISYEMBRE – BI

INAASAHAN ng Bureau of Immigration (BI) na aabot sa 1.5 milyon ang kabuuang arrivals ngayong huling buwan ng taon. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ipinakikita ng travel trends ang major increase ng travelers ngayong 2023. Sa pangalawang quarter ng 2023, sinabi ni Tansingco, nagsimulang magtala ang BI ng isang milyong arrivals kada buwan, mas malayo sa halos 100,000 arrivals kada buwan noong kasagsagan ng pandemic. Pagbabahagi pa ni Tansingco, nitong Nobyembre 2023, nakapagtala ang BI ng kabuuang 1,160,699 arriving passengers, halos kalahati nito ay foreign nationals. Ito aniya ay…

Read More

2 KARNAPER TIMBOG SA FOLLOW-UP

NABITAG ng mga tauhan ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa pagtangay ng isang motorsiklo sa Baseco Compound, Port Area, Manila Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jericho, 29, at alyas “Jayson”, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016. Ang mga suspek ay nadakip sa ikinasang follow-up operation ng pulisya, ayon sa utos Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander Ayon sa ulat nina Police Staff Sergeant Alfie Geronimo at Police Corporal Joem…

Read More

2024 PROPOSED BUDGET APRUB NA SA KONGRESO

AGAD inaprubahan ang panukalang 2024 national budget ng panel ng Senado at Kamara sa pangunguna nina Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Sonny Angara at House Appropriations Committee Chairperson Rep. Elizaldy Co kasama sina Senators Cynthia Villar, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Joseph Victor “JV” Ejercito, Sherwin Gatchalian, Ronald “Bato” dela Rosa at House panel: Representatives Neptali Gonzales II, Ralph Recto, Aurelio “Dong” Gonzales Jr., David “Jay-Jay” Suarez, Stella Quimbo, Marcelino Libanan, Raul Angelo Jil Bongalon, at Manuel Jose Mannix Dalipe. (DANNY BACOLOD) INAPRUBAHAN na ng bicam panel ng Kamara at…

Read More

TULAK, 2 PARUKYANO KALABOSO SA BUY-BUST

NALAMBAT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, ang target ng operasyon, habang dalawa umanong parukyano ang nadamay sa ikinasang buy-bust sa panulukan ng Morga at Juan Luna Streets, sakop ng Barangay 5, Tondo, Manila, noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang pangunahing suspek na si Nathali Rabino, 48, dalaga, alyas “Ungas”, ng Lungsod ng Caloocan. Samantala, arestado rin sa operasyon ang dalawang parukyano nitong sina alyas “John Mark”, 23, at “Allan”, 29-anyos. Base sa ulat ni Police Lieutenant…

Read More

LALAKI TINODAS SA PALO NG KAPWA SCAVENGER

MAKARAAN ang ilang araw, nalagutan ng hininga ang isang lalaki sa pagamutan matapos paluin ng kapwa scavenger sa Remegio Street, Barangay 332, Sta. Cruz, Manila kamakailan. Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40-anyos ang biktima, habang mabilis namang nakaeskapo ang suspek na tinatayang 45 hanggang 50-anyos. Unang iniulat ang insidente sa nasabing lugar, bandang alas-10:15 ng gabi noong Disyembre 2. Agad nagresponde ang mga tauhan ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez Police Community Precinct, ngunit bigo silang matunton ang tumakas na suspek. Noong Disyembre 7, dakong alas-10:35 ng gabi,…

Read More

SISTERHOOD NG BULACAN AT STATE OF CALIFORNIA PINAGTIBAY

SISTERHOOD RELATIONSHIP BETWEEN BULACAN AND CALIFORNIA. Iprinisinta nina Bise Gob. Alexis C. Castro at Arch. Editha M. Fuentes, tagapangulo ng City Planning Commission ng City of Glendale, California, ang sipi ng SP Resolution No. 538-S’2023 na nag-aapruba at tumatanggap sa sisterhood partnership sa pagitan ng State of California at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa isang programa na ginanap sa Marco Polo Hotel Ortigas Manila kamakailan. Makikita rin sa larawan sina Corina Tengco Bautista mula sa Bulacan Chamber of Commerce and Industry, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, Filipino Architect at Urban…

Read More

ISIP PARA SA KABATAAN INILUNSAD SA ILOILO – SPEAKER ROMUALDEZ

BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isa na namang programa ang inilunsad ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para matulungan ang mga kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang paglulunsad ng Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth, isang inisyatiba ng Office of the Speaker katuwang ang administrasyong Marcos. Ang pilot launch ng programa ay inilunsad nitong Sabado sa West Visayas State University Cultural Center sa Iloilo City. “Sa utos ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sa pakikipagtulungan…

Read More

BUS FIRM SA ANTIQUE ACCIDENT SINUSPINDE NG LTFRB

BUNSOD nang nangyaring aksidente, sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Miyerkoles ng 90-day ang operasyon ng Ceres bus company matapos mahulog sa bangin ang isa nitong bus sa bayan ng Hamtic sa lalawigan ng Antique, dakong alas-4 ng hapon noong Martes, na ikinamatay ng mga mga pasahero nito. Iniutos ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang pagsuspinde sa lahat ng bus units ng Ceres bus company na bumibiyahe sa lugar gayundin ang agarang imbestigasyon sa aksidente. “We already issued a 90-day preventive suspension to the entire…

Read More

FISHING BOAT NG PINOY BINANGGA NG CHINESE VESSEL

OCCIDENTAL MINDORO – Matagumpay na nasagip ang limang indibidwal matapos umanong banggain ng isang barko ang sinasakyan nilang bangka sa bayan ng Paluan sa lalawigang ito, noong Disyembre 5 ng hapon. Sakay ng FBCA Ruel J ang mga mangingisda nang banggain ng isang bulk carrier vessel na may flag ng China, ayon sa PCG. Agad na umaksyon ang Coast Guard Station (CGS) Occidental Mindoro nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa insidente nitong Disyembre 6 ng tanghali at nakipag-ugnayan sa may-ari ng bangka sa Puerto Princesa City, Palawan. Isinagawa ang rescue…

Read More