WALANG pre-conditions at walang tigil-putukan na itinakda sa exploratory talks sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista. Sinabi ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Presidential Assistant Wilben Mayor na ang exploratory talks ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay bagong peace process at hindi pagpapatuloy ng mga nakalipas na pag-uusap. “Ang pag-uusap na ito’y bago, walang pre-condition. Hindi natin nire-refer kung ano mang dating pinag-usapan. Bago po ito, hindi po ito…
Read MoreCategory: METRO
LIFE IMPRISONMENT KAY NOVA PAROJINOG
HINATULAN ng life imprisonment ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) si dating Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog. Batay sa 160-pahinang desisyon ni Judge Mitushealla R. Manzanero-Casiño ng Branch 228, walang dudang nagkasala sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang akusadong si Parojinog. Bukod sa habambuhay na pagkakulong, inatasan din ang akusado na magbayad ng P500,000.00 o kalahating milyon bilang danyos. Kasabay nito, inatasan ni Judge Casiño ang Jail Warden ng Taguig City Jail Female Dormitory na ilipat si Parojinog sa Correctional Institution…
Read MoreP8-M PUSLIT NA YOSI NASABAT NG NAVY
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Navy – Naval Forces Eastern Mindanao ang bulto-bultong smuggled cigarettes na umabot sa P8-million ang halaga, matapos ang maikling habulan sa dagat, sakop ng Sultan Kudarat sa South Cotabato. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., sa gitna ng isinasagawang territorial defense operations ng BRP Artemio Ricarte na nasa ilalim ng operational control ng Naval Task Force 71 sa katimugang bahagi ng Eastern Mindanao, ay namataan ang isang kahina-hinalang motor boat. Sa…
Read MoreBINATA BINITBIT SA DROGA
BINITBIT ng mga operatiba ng District Intelligence Division 2 ng Special Mayor’s Reaction Team (DID-2 SMaRT) ang isang 20-anyos na binata sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ilegal na droga, sa Smokey Mountain, Barangay 128, Zone 1, Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ruzzel Gonzales, jobless, ng nasabing lugar. Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng SMaRT, bandang alas-1:00 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar. Inaresto ang suspek…
Read MoreMAHIGIT P67-M SHABU NASABAT SA WAREHOUSE
NASABAT ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng tinatayang 9,898 gramo ng umano’y shabu na may street value na P67,306,400, sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City. Idineklara ang kargamento bilang “bearings” mula sa Mozambique, Southern Africa via Hong Kong, sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines flight number ET644, na dumating sa bansa noong Disyembre 2, 2023. Dumaan sa profiling, x-ray screening at physical examination ang parcel na humantong sa pagkakatuklas sa ilegal na droga sa loob ng bearings. Inaresto ng composite team ang…
Read More2 PANG PERSONS OF INTEREST TINUKOY SA MSU BOMBING
UMAKYAT na sa apat ang itinuturing na person of interest ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa naganap na pagpapasabog sa loob ng Mindanao State University sa Marami City. Nabatid na bukod sa naunang dalawang tao na tinukoy na persons of interest (POI) sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP na may kaugnayan sa pagpapasabog ng hinihinalang Improvised Explosive Device sa MSU, ay nadagdagan pa umano ito ng dalawa. Base sa nakalap na mga impormasyon at ilang video footages, may dalawa pa umanong kasabwat ang mga ito na nagsilbing look-out. Ayon kay…
Read MoreMISSING PIPER PLANE SA ISABELA NAKITA NA NG PHIL. AIR FORCE
KINUMPIRMA kahapon ni Philippine Air Force spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo na natagpuan na ng kanilang search and rescue team ang nawawalang Piper Plane RPC 1234. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Air Force Commanding General Stephen P. Parreño, bandang alas-8:05 kahapon ng umaga ay natukoy ng kanilang mga tauhang sakay ng PAF Sokol helicopter na sadyang itinalaga para search and rescue efforts, ang nawawalang Piper Plane RPC 1234 sa bisinidad ng Barangay Casala, San Mariano, Isabela. Subalit dahil sa sama ng panahon at makapal na hamog hindi…
Read More3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NASAGIP SA MCIA
NASAGIP ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang tatlong Pinay na pinaniniwalaang mga biktima ng human trafficking, ayon sa report na nakarating sa opisina ng ahensiyang ito. Ang tatlong Pinay na nagkunwaring mga turista, ay na-intercept nitong nakalipas na araw habang pasakay sa kanilang Royal Air flight papuntang Hong Kong. Ayon sa impormasyon, ang mga biktima ay iprinisenta ang kanilang sarili bilang mga turista para sa 4-day trip sa Hong Kong, ngunit kalaunan inamin ng mga ito na papunta sila sa Vietnam, kung…
Read MoreSMNI SUSPENSION NILARGA SA KAMARA
PINASUSUSPINDE ng isang Davao solon ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa National Telecommunication Commission (NTC) dahil sa paglabag umano ng mga ito sa kanilang prangkisa na nagbabawal na magkalat ng kasinungalingan. “Pending the recommendation of the Committee on Legislative Franchises on the alleged violations of SMNI, it is the duty of the National Telecommunications Commission to immediately stop the deliberate dissemination of false information that may generate cynicism and mistrust on matters involving public interest,” ayon sa House Resolution (HR) 1499 na inakda ni PBA Party-list Rep.…
Read More