(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMUUGONG ngayon ang usap-usapan na plano umanong kontrolin ng mag-fraternity brother na sina Speaker Martin Romualdez at Health Sec. Ted Herbosa ang IT provider ng buong Department of Health (DoH), gayundin sa attached agencies nito. Ito’y matapos lumabas ang pangalan ng isang kamag-anak ni Herbosa na chief executive officer (CEO) ngayon ng Philippine Payments and Clearing System (PhilPaCS) na isang IT provider sa bansa. Ang tinutukoy ay si Edgardo Herbosa na kamag-anak umano ng DOH secretary. Dahil dito, marami są mga taga-DOH ang nagtataasan ng kilay…
Read MoreCategory: METRO
ACT-CIS PINARANGALAN SA NATION BUILDERS AT MOSLIV AWARD 2023
KINILALA ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support o ACT-CIS Party-list bilang Certified Most Sustainable and Livable Partylist sa Nation Builders and Mosliv Awards 2023 kamakailan. Ang naturang party-list ay binigyan ng pagkilala dahil sa kanilang best practices, sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan na sina Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo. “Malaking karangalan po ito na mabigyan ng pagkilala ang ACT-CIS Party-list. Sa ilang taon na paninilbihan natin, napatunayan natin na tayo ang kakampi ng mga inaapi sa loob at labas ng Kongreso,” ayon kay Congressman…
Read MorePMP: DESTABILISASYON ALYANSANG DUTERTE-TSINA
BINATIKOS ng Partidong Manggagawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na umugong kamakailan mula umano sa kampo ng dating Pangulong Duterte at sinasabing kaalyado nito ang gobyerno ng Tsina batay sa natanggap nilang intelligence report. Patuloy na kinukumpirma ng PMP, isang underground organization na itinatag noong Enero 2001 na pinamumunuan noon ng napaslang na si Felimon “Popoy” Lagman, ang natanggap nilang ulat sa ahensya para sa seguridad ng estado. Nauna rito, ipinahayag ni National Security Adviser Eduardo Año, lumilikha ang China ng “dibisyon” sa mga Pilipino sa gitna ng tensyon sa…
Read MoreBI NAALARMA SA PAGDAGSA NG SEX OFFENDERS
NAALARMA ang Bureau of Immigration (BI) sa sunod-sunod na pagdating o pagdagsa ng sex offender sa mga paliparan sa bansa, ayon sa impormasyong nakalap sa pamunuan ng ahensiyang ito. Noong nakaraang linggo, sunod-sunod na sex offenders ang pinabalik ng mga tauhan ng BI sa kanilang port of origin, upang maiwasang mabiktima ang mga menor de edad sa bansa. At noong Miyerkoles, dalawang magkasunod na convicted American pedophile ang hinarang ng mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong panghahalay sa batang babae sa kanilang lugar.…
Read MoreTRIKE DRIVER BUKING SA OVERCHARGING
NABUKING ang umano’y over-charging sa dayuhang pasahero ng isang 33-anyos na tricycle driver makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa kawalan ng lisensya at paglabag sa batas trapiko sa Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Joselito Ortiz, binata, ng Baseco Compound Port Area, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Intelligence Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, inaresto ng mga tauhan ng MTPB ang suspek dakong alas-dos ng hapon…
Read MoreP1K to P3,500 multa sa late filing LAST DAY NG SOCE FILING SA COMELEC DINAGSA
NAGKAROON ng bahagyang tensyon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Manila nang dumagsa ang mga kandidato sa huling araw ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) filing noong Miyerkoles, Nobyembre 29, 2023. Umalma at nagulat ang libu-libong kandidato ng chairman at kagawad sa BSKE 2023 Elections sa anim na distrito ng Maynila, na halos limang oras naghintay sa pila, nang ianunsyo umano ng Comelec na kung hindi aabot sa deadline na itinakda ng poll body, sa main office sa Intramuros na lang pumunta sa sunod na 15-araw…
Read MoreBONI BILANG NATIONAL HERO, TINUTULUGAN SA KAMARA
TINUTULUGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magdedeklara kay Gat Andres Bonifacio bilang National Hero o pambansang bayani ng Pilipinas. Maging ang panukalang batas na isama sa curriculum ng secondary education ang buhay at pakikibaka ni Bonifacio, ay mistulang inaanay sa House Committee on Basic Education and Culture, kahit inihain ang mga ito sa Kongreso noong nakaraang taon pa. Sinimulan ng mga militanteng mambabatas ang krusada sa Kongreso na ideklara si Bonifacio bilang national hero noong 17th Congress pa. Dahil dito, ipinaalala ni House Deputy Minority Leader…
Read MoreSEGURIDAD SA KAPASKUHAN SA MAYNILA, PLANTSADO NA
TINIYAK ng pamunuan ng Manila Police District, handang-handa na ang buong puwersa ng pulisya sa darating na Kapaskuhan sa lungsod ng Maynila. Ayon kay MPD District Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay, nakaalerto na ang station commanders mula sa Station 1 hanggang sa Station 14 upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Partikular na tinukoy ang lugar ng Binondo at Tondo sa Divisoria na daragsain ng mga mamimili para sa mga pamasko ng kani-kanilang mga anak at inaanak. Inatasan na hinggil dito sina Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander ng…
Read MoreTAMANG SWELDO, BENEPISYO DAPAT MATANGGAP NG WORKERS – NOGRALES
IKINATUWA ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pang-arangkada ng mga panukalang batas na magbibigay ng karagdagang proteksyon at benepisyo sa mga manggagawa. Ayon kay Nograles, sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez, umarangkada na sa Committee on Labor and Employment ang sumusunod na mga panukalang batas na naglalayong magbigay ng karagdagang proteksyon at benepisyo para sa mga kapos-palad na manggagawa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng HB 4752: Mandating employers to provide a personal finance education program, amending P.D. No. 442, otherwise known as the Labor Code of…
Read More