NAGKAROON ng bahagyang tensyon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Manila nang dumagsa ang mga kandidato sa huling araw ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) filing noong Miyerkoles, Nobyembre 29, 2023. Umalma at nagulat ang libu-libong kandidato ng chairman at kagawad sa BSKE 2023 Elections sa anim na distrito ng Maynila, na halos limang oras naghintay sa pila, nang ianunsyo umano ng Comelec na kung hindi aabot sa deadline na itinakda ng poll body, sa main office sa Intramuros na lang pumunta sa sunod na 15-araw…
Read MoreCategory: METRO
BONI BILANG NATIONAL HERO, TINUTULUGAN SA KAMARA
TINUTULUGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magdedeklara kay Gat Andres Bonifacio bilang National Hero o pambansang bayani ng Pilipinas. Maging ang panukalang batas na isama sa curriculum ng secondary education ang buhay at pakikibaka ni Bonifacio, ay mistulang inaanay sa House Committee on Basic Education and Culture, kahit inihain ang mga ito sa Kongreso noong nakaraang taon pa. Sinimulan ng mga militanteng mambabatas ang krusada sa Kongreso na ideklara si Bonifacio bilang national hero noong 17th Congress pa. Dahil dito, ipinaalala ni House Deputy Minority Leader…
Read MoreSEGURIDAD SA KAPASKUHAN SA MAYNILA, PLANTSADO NA
TINIYAK ng pamunuan ng Manila Police District, handang-handa na ang buong puwersa ng pulisya sa darating na Kapaskuhan sa lungsod ng Maynila. Ayon kay MPD District Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay, nakaalerto na ang station commanders mula sa Station 1 hanggang sa Station 14 upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Partikular na tinukoy ang lugar ng Binondo at Tondo sa Divisoria na daragsain ng mga mamimili para sa mga pamasko ng kani-kanilang mga anak at inaanak. Inatasan na hinggil dito sina Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander ng…
Read MoreTAMANG SWELDO, BENEPISYO DAPAT MATANGGAP NG WORKERS – NOGRALES
IKINATUWA ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pang-arangkada ng mga panukalang batas na magbibigay ng karagdagang proteksyon at benepisyo sa mga manggagawa. Ayon kay Nograles, sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez, umarangkada na sa Committee on Labor and Employment ang sumusunod na mga panukalang batas na naglalayong magbigay ng karagdagang proteksyon at benepisyo para sa mga kapos-palad na manggagawa. Ang mga ito ay kinabibilangan ng HB 4752: Mandating employers to provide a personal finance education program, amending P.D. No. 442, otherwise known as the Labor Code of…
Read MoreICC PWEDENG MAG-IMBESTIGA SA DUTERTE WAR ON DRUGS
MAAARING magsagawa ng imbestigasyon ang mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa bansa kaugnay ng madugong war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang kinumpirma ni Solicitor General Meynard Guevarra sa isinagawang joint hearing ng House committee on justice at committee on human rights nitong Miyerkoles. Ayon kay Guevarra, makakapagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng ICC subalit nananatili umanong hindi makikipagtulungan dito ang mga ahensya ng gobyerno dahil umatras na ang Pilipinas sa Rome Statute. “We will not cooperate, but ICC investigators are free to…
Read MorePagdurog sa CPP-NPA tuloy GIYERA KONTRA TERORISTA HINDI LULUBAYAN
ITO ay kahit pa inihayag ng gobyerno at maging ng Communist Party of the Philippine-National Democratic Front of the Philippines, na napagkasunduan na nilang wakasan ang armadong tunggalian at magsimula ng panibagong peace negotiation. Mismong si National Security Adviser Eduardo Año ang nagsabing tuloy pa rin ang giyera kontra New People’s Army, ang armadong galamay ng CPP-NDFP, dahil wala pa namang isinasapinal na peace agreement. Ayon kay NSC Secretary Año, ang National Task Force To End Local Communist Armed Conflict ay magpapatuloy sa kanilang mga aktibidad kabilang na ang military…
Read MoreRESO SA KOOPERASYON NG MALAKANYANG SA ICC INIHAIN NA RIN SA SENADO
NAGHAIN na rin si Senador Risa Hontiveros ng resolution sa Senado na humihikayat sa Malakanyang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon kaugnay sa human rights situation sa bansa. Sa kanyang Senate Resolution No. 867, binigyang-diin ni Hontiveros na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nangako na bibigyang proteksyon ang human rights at tiniyak ang high level of accountability sa human rights violators. Sinabi ni Hontiveros na ang pinakamagandang paraan ng Malakanyang na ipakita ang kanilang commitment sa pangangalaga sa human rights ay ang makipagtulungan sa ICC…
Read MorePH-JAPAN VISITING FORCES DEAL TINATALAKAY NA
NAGSIMULA na ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan ukol sa Reciprocal Access Agreement. Tinukoy ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro ang kasunduan na naglalayong payagan ang pansamantalang pagbisita ng Japanese troops sa bansa. “Our formal negotiating team led by [DND] Usec. Pablo Lorenzo has left this morning to start the formal round of negotiations with Japan,” ayon kay Teodoro. Aniya pa, ipinag-utos na niya sa team na plantsahin ang lahat ng mga usapin sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay maagang mapagtibay ito ng…
Read MorePILIPINAS, BACK TO SQUARE ONE KUNG NANAISING BUMALIK SA ICC
NANINIWALA si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging ‘back to square one’ ang Pilipinas sa proseso sakaling magdesisyon na bumalik sa International Criminal Court (ICC). Sinabi ni dela Rosa na kabilang sa proseso ang pagratipikang muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Rome Statute o ang kasunduang magbabalik sa Pilipinas sa ICC. Kailangan ding sumang-ayon ang Senado ang kasunduan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng two-thirds vote mula sa mga senador. Binigyang-diin pa ng mambabatas na sakaling umabot muli sa Senado ang kasunduan ay ipiprisinta lang niya sa kanyang mga…
Read More