INAASAHANG muling gigisahin ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Health Secretary Ted Herbosa na isasalang ngayong Martes ng umaga, Disyembre 5. Si Herbosa ay nauna nang na-bypassed ng CA noong nakalipas na Setyembre dahil sa kabi-kabilang isyu ng anomalya noong nanunungkulan pa ito bilang undersecretary ng DOH. Sa pagkakataong ito, panibagong isyu ang bumabalot ngayon sa liderato ni Herbosa matapos lumabas ang ulat na plano nitong kopoin ang buong IT provider ng DOH, gayundin ang mga attached agencies nito. Ang ipapalit na IT ni Herbosa, ayon sa report, ay…
Read MoreCategory: METRO
PHL NAVY MAGKAKAROON NG 2 CORVETTE WARSHIPS
MALAPIT nang madagdagan ang naval asset ng Philippine Navy ng dalawang bagong Corvette class warship dahil inumpisahan na ng South Korean shipbuilder ang paggawa ng dalawang missile corvette. Ayon kay Capt. Benjo Negranza, Navy Public Information Office chief, sinaksihan mismo ni Navy Flag Officer in Command (FOIC) Vice Adm. Toribio Adaci Jr. at iba pang ranking officials, ang keel laying para sa unang missile corvette nito at ang pagputol ng bakal para sa pangalawang missile corvette sa shipyard ng kumpanya sa Southern City of Ulsan ng South Korea. Ang nasabing…
Read MoreSEN. BONG GO KINONDENA PAG-ATAKE SA MSU
KINONDENA ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag-atake ng mga terorista sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City. Nagpaabot din ang senador ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at nasaktan sa nangyari. “Taus-puso akong nakikiramay sa mga pamilya ng mga namatayan at nasaktan sa pag-atakeng ito. Masakit para sa sinumang magulang, kapatid o anak, ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung dulot ng karahasan,” ayon kay Go. Bilang vice chairman ng Senate Committees on National Defense at Public Order, nanawagan si Go sa mga otoridad…
Read MoreLALAKI PATAY SA TAUHAN NG NBI
IDINEKLARANG dead on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isang tauhan ng National Bureau of Investigation ( NBI), sa Pampanga Street, malapit sa Juan Luna St., Gagalangin, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Rigor Almodovar, 55, ng Barangay 161, Tondo. Samantala, hindi umabot nang buhay sa Tondo Hospital ang biktimang si Elmer Resureccion, nasa hustong gulang. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Sir Christian Joseph Pineda kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila…
Read MoreAYUDA SA NAKASUHANG OFWs INAPRUBAHAN NG KAMARA
INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapalawig sa tulong na naibibigay ng gobyerno sa overseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan ng legal assistance. Pinaboran ng 246 kongresista ang House Bill 9035 na naglalayong paramihan ang mga OFW na nakikinabang sa Legal Assistance Fund (LAF) at sa Agarang Kalinga at Saklolo Para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund. Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bilang mga bayani ng modernong panahon dahil sa kanilang kontribusyon sa bansa, makatwiran lamang na sila…
Read MoreMay kamag-anak na napipisil ROMUALDEZ, HERBOSA ‘NILULUTO’ PAGPAPALIT NG IT NG DOH?
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMUUGONG ngayon ang usap-usapan na plano umanong kontrolin ng mag-fraternity brother na sina Speaker Martin Romualdez at Health Sec. Ted Herbosa ang IT provider ng buong Department of Health (DoH), gayundin sa attached agencies nito. Ito’y matapos lumabas ang pangalan ng isang kamag-anak ni Herbosa na chief executive officer (CEO) ngayon ng Philippine Payments and Clearing System (PhilPaCS) na isang IT provider sa bansa. Ang tinutukoy ay si Edgardo Herbosa na kamag-anak umano ng DOH secretary. Dahil dito, marami są mga taga-DOH ang nagtataasan ng kilay…
Read MoreACT-CIS PINARANGALAN SA NATION BUILDERS AT MOSLIV AWARD 2023
KINILALA ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support o ACT-CIS Party-list bilang Certified Most Sustainable and Livable Partylist sa Nation Builders and Mosliv Awards 2023 kamakailan. Ang naturang party-list ay binigyan ng pagkilala dahil sa kanilang best practices, sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan na sina Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo. “Malaking karangalan po ito na mabigyan ng pagkilala ang ACT-CIS Party-list. Sa ilang taon na paninilbihan natin, napatunayan natin na tayo ang kakampi ng mga inaapi sa loob at labas ng Kongreso,” ayon kay Congressman…
Read MorePMP: DESTABILISASYON ALYANSANG DUTERTE-TSINA
BINATIKOS ng Partidong Manggagawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na umugong kamakailan mula umano sa kampo ng dating Pangulong Duterte at sinasabing kaalyado nito ang gobyerno ng Tsina batay sa natanggap nilang intelligence report. Patuloy na kinukumpirma ng PMP, isang underground organization na itinatag noong Enero 2001 na pinamumunuan noon ng napaslang na si Felimon “Popoy” Lagman, ang natanggap nilang ulat sa ahensya para sa seguridad ng estado. Nauna rito, ipinahayag ni National Security Adviser Eduardo Año, lumilikha ang China ng “dibisyon” sa mga Pilipino sa gitna ng tensyon sa…
Read MoreBI NAALARMA SA PAGDAGSA NG SEX OFFENDERS
NAALARMA ang Bureau of Immigration (BI) sa sunod-sunod na pagdating o pagdagsa ng sex offender sa mga paliparan sa bansa, ayon sa impormasyong nakalap sa pamunuan ng ahensiyang ito. Noong nakaraang linggo, sunod-sunod na sex offenders ang pinabalik ng mga tauhan ng BI sa kanilang port of origin, upang maiwasang mabiktima ang mga menor de edad sa bansa. At noong Miyerkoles, dalawang magkasunod na convicted American pedophile ang hinarang ng mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong panghahalay sa batang babae sa kanilang lugar.…
Read More