ITO ay kahit pa inihayag ng gobyerno at maging ng Communist Party of the Philippine-National Democratic Front of the Philippines, na napagkasunduan na nilang wakasan ang armadong tunggalian at magsimula ng panibagong peace negotiation. Mismong si National Security Adviser Eduardo Año ang nagsabing tuloy pa rin ang giyera kontra New People’s Army, ang armadong galamay ng CPP-NDFP, dahil wala pa namang isinasapinal na peace agreement. Ayon kay NSC Secretary Año, ang National Task Force To End Local Communist Armed Conflict ay magpapatuloy sa kanilang mga aktibidad kabilang na ang military…
Read MoreCategory: METRO
RESO SA KOOPERASYON NG MALAKANYANG SA ICC INIHAIN NA RIN SA SENADO
NAGHAIN na rin si Senador Risa Hontiveros ng resolution sa Senado na humihikayat sa Malakanyang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon kaugnay sa human rights situation sa bansa. Sa kanyang Senate Resolution No. 867, binigyang-diin ni Hontiveros na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nangako na bibigyang proteksyon ang human rights at tiniyak ang high level of accountability sa human rights violators. Sinabi ni Hontiveros na ang pinakamagandang paraan ng Malakanyang na ipakita ang kanilang commitment sa pangangalaga sa human rights ay ang makipagtulungan sa ICC…
Read MorePH-JAPAN VISITING FORCES DEAL TINATALAKAY NA
NAGSIMULA na ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan ukol sa Reciprocal Access Agreement. Tinukoy ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro ang kasunduan na naglalayong payagan ang pansamantalang pagbisita ng Japanese troops sa bansa. “Our formal negotiating team led by [DND] Usec. Pablo Lorenzo has left this morning to start the formal round of negotiations with Japan,” ayon kay Teodoro. Aniya pa, ipinag-utos na niya sa team na plantsahin ang lahat ng mga usapin sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay maagang mapagtibay ito ng…
Read MorePILIPINAS, BACK TO SQUARE ONE KUNG NANAISING BUMALIK SA ICC
NANINIWALA si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging ‘back to square one’ ang Pilipinas sa proseso sakaling magdesisyon na bumalik sa International Criminal Court (ICC). Sinabi ni dela Rosa na kabilang sa proseso ang pagratipikang muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Rome Statute o ang kasunduang magbabalik sa Pilipinas sa ICC. Kailangan ding sumang-ayon ang Senado ang kasunduan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng two-thirds vote mula sa mga senador. Binigyang-diin pa ng mambabatas na sakaling umabot muli sa Senado ang kasunduan ay ipiprisinta lang niya sa kanyang mga…
Read MoreVILLAR NAMAHAGI NG COMPOSTING FACILITY
NAGLALAAN si Sen. Cynthia Villar ng taunang pambili ng composting facilities na ipinamimigay sa buong bansa ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), attached agency ng Department of Agriculture. “Aside from the huge savings, a composting facility can help reduces the volume of trash thrown in dumpsites,” ani Villar sa turn-over at launching ng paggamit ng tatlong composting facilities sa Brgy. Zapote 5, Bacoor City, Cavite, noong Sabado. “A composting facility turns bio-degradable wastes like kitchen wastes into organic fertilizer. Each composter can produce one ton organic fertilizer per…
Read MoreSANDOVAL, OUTSTANDING MAYOR SA HKPH PUBLIC OPINION AND RESEARCH CENTER
MULING nanguna si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa top performing mayors sa buong National Capital Region, sa pagkakataong ito sa HKPH Public Opinion and Research Center. Nakabase sa Hong Kong ang HKPH Public Opinion and Research Center na nagsagawa ng survey sa detailed performance evaluation ng mga mayor sa buong National Capital Region. Isinagawa ang naturang pag-aaral mula November 3 hanggang 10 na may 1,200 participants, at si Malabon Mayor Sandoval ang nakakuha ng pinakamataas na iskor na 89.7% Iprinisinta ni Steven Su, survey director, ang comprehensive report ng…
Read MoreKASO NG COLONEL NANAKIT, NAGPAPUTOK NG BARIL PINABUBUSISI
MARIING hiniling ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kay QCPD Chief P/BGen. Redrico Maranan na magsagawa ng malalim, patas at mabilis na imbestigasyon hinggil sa umano’y pananakit at pagpapaputok ng baril ni Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong. Naaresto si Abong noong Sabado ng madaling araw matapos magtungo sa Ralyoz Bar sa Brgy. Laging Handa at iginiit na makaharap ang manager ng bar. Kinompronta umano nito at sinunggaban ang necktie ng isang waiter. Dalawang beses pa umano itong nagpaputok ng baril nang lumabas sa bar. Nabatid mula sa QCPD, kabilang…
Read MoreIkinulong ng 2 kapwa kababayan 16 CHINESE NASAGIP NG NBI SA PAMPANGA
NASAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 16 Chinese nationals habang inaresto ang dalawa nilang kababayan na umano’y sapilitang nagpapatrabaho sa kanila ng hanggang 18-oras at hindi pinalalabas sa Angeles City, Pampanga. Katuwang ang pinagsanib na pwersa ng Central Luzon Regional Office, Pampanga District Office (PAMDO), at International Operation Division (IOD), ikinasa ng mga awtoridad ang rescue operation na nagresulta sa pagkakasagip sa mga biktima at nadakip ang kababayan nilang sina Huan Heng Su at De Long Wang na kapwa kinasuhan ng serious illegal detention sa…
Read MoreNEWLY-ELECTED OFFICERS NG FRATERNAL ORDER OF EAGLES ISINUSULONG ANG PAGPAPALAKAS NG UGNAYAN SA PAMAHALAAN
LAS PIÑAS CITY — Ipinakilala ang mga bagong halal na opisyal ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (TFOEPE) matapos ang isinagawang eleksyon sa Las Piñas City noong Linggo, Nobyembre 26, 2023 . Ang halalan ay dinaluhan ng mahigit 4,000 matataas na opisyal ng grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakakuha ni 1,042 boto ni Fraternal Order of Eagles President-elect Eagle Ronald Delos Santos ang pinakamataas na boto na s’yang magsisilbing ika-38 na Pangulo ng Philippine Eagles. Itinataguyod ni Delos Santos ang unification, organizational restructuring, transparency at general appropriations…
Read More