EX-COP SA VIRAL ROAD RAGE ‘DI NA DAPAT HUMAWAK NG ARMAS

KINONDENA ng ilan pang senador ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan. Iginiit ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hindi na dapat makahawak ng baril si Gonzales. Sinabi ni dela Rosa na hindi dapat payagan na mag-armas pa si Gonzales upang hindi tularan ng iba. Idinagdag ni dela Rosa na kung siya ang nakaharap ni Gonzales ay maaaring pinaputukan na niya ito dahil malinaw na nasa panganib ang kanyang buhay. Iginiit…

Read More

ROMUALDEZ SINAMAHAN BOC SA PANIBAGONG RICE WAREHOUSE INSPECTION

MULING sumama si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BOC) sa pagsasagawa ng surprise inspection sa mga rice warehouse sa Bulacan. Kasabay nito ay sinabihan ni Speaker Romualdez si BOC Commissioner Bienvenido Rubio na tiyakin na makukulong ang mga rice smuggler at hoarder na nasa likod ng pagmanipula ng presyo na maituturing umanong “heinous crime” laban sa mahihirap na Pilipino. Nagbabala rin si Speaker Romualdez sa mga rice trader at importer na ilabas na sa merkado ang kanilang mga naka-imbak na bigas. “Rice found to be smuggled…

Read More

BROADCASTER-COMMENTATOR KA REX CAYANONG, PUMANGALAWA SA INDEPENDENT SURVEY SA SAN ISIDRO, ANTIPOLO CITY

ISANG Linggo bago ang filing of Candidacy, isang independent o non-commissioned survey sa San Isidro, Antipolo City ang inilabas ng isang local based survey firm na Go Rizal Go kahapon. Ang naturang Survey na may temang “sino ang inyong napupusuan” at may kabuuang 500 respondent mula sa iba’t ibang sektor sa San Isidro na isinagawa sa hanay ng TODA, kabataan, LGBTQ at sa palengke. Umikot ang mga katanungan sa mga sumusunod: 1) Naniniwala ka ba na ang pulitika sa Barangay ay non partisan, 2) Dapat ba ang Barangay ay patakbuhin…

Read More

MULTI-MARITIME PATROL POSIBLE SA WEST PHILIPPINE SEA

SA gitna ng sigalot sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS), nakikini-kinita ng Department of National Defense (DND) ang pagsasakatuparan ng joint or separate undertaking sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, United States, Japan at Australia. Sa ginanap closing ceremony ng inaugural exercise ALON 2023, ang kauna-unahang bilateral amphibious exercise sa pagitan ng AFP at Australian Defense Force sa Tejeros Hall, AFP Officers Club sa Camp Aguinaldo kahapon ay inihayag ni Defense Undersecretary Ireneo Espino ang posibilidad ng pagkakaroon ng multilateral naval patrol sa WPS. “We are,…

Read More

PAGKAKAPATAY NG PULIS SA ISA PANG TOTOY SISILIPIN NG CHR

NAGLUNSAD ang Commission on Human Rights (CHR) ng motu proprio investigation sa pagkamatay ng isa na namang binatilyo na di umano’y nabaril ng pulis sa ‘Oplan Sita’ sa Rodriguez, Rizal. Ang 15-anyos na biktimang si John Frances Ompad o si alyas ‘Kulot’ ay nakaburol na sa kanilang bahay makaraan ang insidente nito lamang Agosto 20. Ilang araw matapos ilibing ang binatilyo ring si Jemboy Baltazar na napatay naman sa Navotas. Sa ulat, nag-ugat ang insidente sa paninita ng nakasibilyang pulis na nakilalang si Corporal Arnulfo Sabillo sa isang motorcycle rider…

Read More

BSKE COC FILING SA MAYNILA DINAGSA

UMARANGKADA na noong Lunes ng madaling araw ang pagpapatupad ng Comelec checkpoints at gun ban sa Metro Manila kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre 30. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office, sa Metro Manila, partikular na naglatag ng checkpoints sa bahagi ng mga boundary ng San Juan at Quezon City, at San Juan at Sta. Mesa, Manila. Sa Mandaluyong, kapansin-pansin naman ang mga pulis sa pangunahing mga kalsada tulad ng Kalentong Street. Samantala, sa Parañaque City, nagpatupad ng checkpoint…

Read More

VIRAL EX-COP HINUBARAN NG LTOPF AT PTCFOR

BINAWI na ng Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) ang License to Own and Possess Firearm (LTOPF) maging ang firearm registration at permit to carry ni Wilfredo Gonzales, ang retiradong pulis na nag-viral dahil sa pananakit at panunutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City. Sa inilabas na pahayag ng PNP, ipinag-utos na ng Firearms and Explosives Office ang pagbawi sa lisensya at permit ni Gonzales kasunod ng insidenteng kinasangkutan nito malapit sa Welcome Rotonda. Si Gonzales ay matatandaang nag-viral sa social media matapos manampal, manakit at magkasa ng…

Read More

FARMERS, FISHERS TULUNGAN SA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE – REP. NOGRALES

BINIGYANG-DIIN ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, chairman ng Labor and Employment Committee ng House of Representatives, kailangang lumipat sa climate-resilient agriculture and fisheries para maiwasan ang mga epekto ng mga sakuna sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda. “We need to prioritize the shift to agriculture and fisheries that can cope with the harsher effects of climate change. The sooner we do this, the sooner we can help our farmers and fisherfolk escape the ever-deepening mire of poverty,” pahayag ni Nograles. Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang…

Read More

DEGAMO KAPALIT NI TEVES, SET-UP?

TILA alam na ng taumbayan kung ano ang kalalabasan ng ginawang imbestigasyon ng Kamara at Department of Justice (DOJ) upang tuluyang mapatalsik bilang kinatawan ng 3rd district ng Negros Oriental si Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kahit wala pang pormal na desisyon ang hukuman sa mga akusasyon laban dito. Maugong ngayon ang balitang ang biyuda ng napaslang na si Governor Roel Degamo ang papalit sa binakanteng pwesto ni Teves sa Kamara. Matatandaan na bago inilabas ng ethics committee ang kanilang naging basehan sa desisyon na tuluyang bakantehin ang upuan ni Teves…

Read More