Sangkot sa illegal gambling 17 CHINESE, ISINALANG SA DEPORTASYON

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang deportasyon sa 17 Chinese nationals noong Nobyembre 16 ng hapon. Ang grupo ay pinasakay sa isang Philippine Airlines flight patungong Wuhan, China, ito ang pangatlong batch ng illegal online gambling-related deportations. Matatandaang noong Oktubre, ang BI ay nagpa-deport ng 6 Chinese nationals, habang 21 iba pa ang ipina-deport noong Nobyembre 2. Ang 17 dayuhan ay bahagi ng mahigit sa 300 foreign nationals, karamihan sa kanila ay Chinese citizens, na ipina-deport ng BI matapos na maaresto ang mga ito ng local law…

Read More

CKD ikapitong dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy DIALYSIS CENTERS PARA SA BAYAN ILULUNSAD

PATULOY na nananalasa ang chronic kidney disease (CKD) kaya kailangang tulungan ang mga tao lalo na ang mahihirap na dumaranas ng nasabing sakit, para mapahaba pa ang kanilang buhay. Ito ang tinuran ni Quezon City Rep. Marvin Rillo kasunod na paglalagda ng memorandum of agreement (MOA) sa Passion Healthcare Philippines Inc., para sa implementasyon ng ‘Dialysis Centers Para Sa Bayan’ nitong Huwebes. “We are absolutely determined to improve the quality of life of CKD patients, and we want them to enjoy longer lives with their loved ones,” pahayag ng mambabatas, dahil mabigat…

Read More

PAGLUNDAG NG 2 TSINO SA VAN, HAGIP NG CCTV

HAGIP ng close-circuit television (CCTV) camera ang aktwal na paglundag kahapon ng dalawang Tsino mula sa isang tumatakbong van sa kahabaan ng Araneta Avenue sa Barangay Tatalon, Quezon City. Bagamat kapwa ligtas na sa kapahamakan bunsod ng mga natamong sugat, nananatili namang blangko pa din ang Quezon City Police District (QCPD) ang dahilan sa likod ng buwis-buhay na pagtalon ng mga biktima sa tumatakbong sasakyan. Paniwala ng mga rumespondeng pulis at kawani ng barangay public safety officers, hindi nakakapagsalita o nakakaunawa man lang ng wikang ingles at tagalog ang mga…

Read More

PAGPAPALAKAS SA HUMAN RESOURCE CAPACITY ISINULONG NI REP. ROBES

ITINAAS noong Lunes ni San Jose del Monte City Representative Florida “Rida” Robes ang mga alarma sa lumalalang kondisyon ng klima sa buong mundo habang inilalahad ang sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng pagbabago ng klima—na tayo ay nasa isang estado ng emergency sa pagbabago ng klima, at dapat tayong magsimula sa pagpapalakas ng ating kakayahan sa human resource. Sa isang privilege speech, iminungkahi ni Rep. Robes na simulan agad ng gobyerno ang pagtugon sa isyu. “In the aftermath of Super Typhoon Karding, this representation would like to spark an honest…

Read More

VHONG NAVARRO ILILIPAT NA SA BICUTAN JAIL

HINDI tinanggap ng korte ang hiling ng kampo ng aktor na si Vhong Navarro, na manatili ito sa National Bureau of Investigation ( NBI) , kaya nagdesisyong ilipat na ito sa Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Base sa ulat ng NBI, nakatanggap ang Security Management Section ang NBI ng order mula sa Regional Trial Court Branch 69, na ilipat ang aktor sa nasabing piitan. Gayunman, isasailalim muna  si Navarro sa mandatory medical examination, kasama ang RT-PCR test, alinsunod sa health protocol requirements bago ang paglipat sa kanya sa BJMP,…

Read More

NEGOSYANTENG INDIAN ARESTADO SA BI

NADAKIP sa mga ahente ng Bureau of Immigration ang isang Indian national na nadiskubreng nagnenegosyo sa bansa nang walang kaukulang working visa o permit. Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., ang arestado na si Inderjeet Bamdev, 36-anyos, naaresto noong Oktubre  24 sa kanyang tindahan sa Brgy. Centro Norte, Camalaniugan, Cagayan. Ayon kay Manahan, ang pagkakaaresto sa dayuhan ay matapos na makatanggap sila ng reklamo laban kay Bamdev na nagpapatakbo ng kanyang negosyo nang walang kaukulang visa. “It took hours to take Bamdev into our custody as he refused…

Read More

US INTERESADONG MAGTAYO NG 5 PANG MILITARY FACILITIES SA PILIPINAS

INTERESADO ang United States na magtayo ng lima pang karagdagang joint military facilities sa Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kinumpirma ito nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro at Department of National Defense Officer in Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. Kabilang sa posibleng pagtayuan ang Cagayan, isa sa Palawan, isa sa Zambales at isa sa Isabela subalit nilinaw ni Gen. Bacarro na nasa plano pa lamang ito at subject pa rin sa approval ng Department of National Defense (DND)…

Read More

LALAKI PATAY, 2 SUGATAN SA SUV

PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan nang masalpok ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Malabon City. Agad nalagutan ng hininga si Roland Campaan, 47, ng Barangay Muzon, ng lungsod, habang sugatan sina John Robert Victorio, 33, at Wilmar Ballentos, 28, kapwa residente din ng siyudad. Nabatid, minamaneho ni Michael Kakutomo, 35, ng Parañaque City, ang isang Ford Territory sa east lane ng Gov. Pascual Ave., Brgy. Tinajeros dakong alas-6:30 ng umaga noong Linggo, Nobyembre 13, nang mawalan siya ng kontrol sa sasakyan at natumbok si Campaan na naglalakad…

Read More

LOLA PATAY SA SUNOG SA ERMITA

NALAGUTAN ng hininga ang isang 70-anyos na babae makaraang ma-suffocate sa nasusunog na bahay sa Ermita, Manila nitong Martes ng umaga. Dakong hapon nang matagpuang wala nang buhay ang biktimang kinilalang si Imelda Memoria, nag-iisa lamang sa kanyang bahay sa Teresa St., Barangay 661, Zone 71, Ermita, Manila. Base sa ulat ng Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-10:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ni Lola Imelda. Ayon sa ulat ng BFP, dahil sa agad na pagresponde nila, tanging ang bahay lamang ng biktima…

Read More