NABISTO ang tangkang pagpasok ng American at Korean national ng illegal drugs sa loob ng Bureau of Immigration (BI) Detention Center sa Bicutan, Taguig kamakailan. Kinilala ni BI Warden Facility Officer-in-Charge Adelfo Marasigan ang mga dayuhan na sina Robert Wayne Boling, Jr., 41, at Kwon Hyeok Soo, 41, na nagtangkang magpuslit ng 2 sachets ng shabu na 7 gramo ang timbang noong Oktubre 4. “The narcotic substance was found hidden inside a Korean stew that was delivered for Boling,” ani Marasigan. Matatandaan, noong Setyembre 21, ang Korean national na si Yang Heejun…
Read MoreCategory: METRO
HIRIT NA DAGDAG PASAHE ‘DI LULUBAYAN
MULING humirit ng dagdag pasahe ang ilang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Iginiit ng grupong Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na lagyan ng “surge fee” ang pamasahe sa Traditional at Modern Public Utility Jeepney (PUJ) at Public Utility Bus (PUB). Nabatid sa petisyon, hiling ng transport groups na lagyan ng dagdag-pasahe sa kada kilometrong biyahe tuwing rush hour o…
Read MoreKarapatan balansehin sa pagprotekta sa journalists PNP KINALABIT NG CHR
PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa pamamagitan ng pagbalanse sa karapatan ng bawal indibidwal. Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na welcome sa kanila ang direktiba na ihinto at imbestigahan ang napaulat na “unannounced police visit” sa bahay ng ilang mamamahayag sa Kalakhang Maynila kamakailan upang alamin kung mayroon silang natatanggap na banta sa buhay. “Media security is best pursued through regular coordination with their respective organizations, as well as journalist groups, to institutionalize efforts protecting media…
Read MoreUnang pamilya pinabayaan DELIVERY MAN INARESTO SA BIGONG SUSTENTO
INARESTO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest, ang isang delivery man dahil sa hindi pagbibigay ng sustento sa una niyang pamilya, sa Sta. Ana, Manila nitong Martes ng umaga. Kinilala ni Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si John Raymond Untalan, ng Brgy.775, Zone 84, Sta. Ana, Manila, inaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC). Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng MPD-DSOU, bandang…
Read MoreOPISYAL NG CRIME GROUP TIMBOG SA RAPE
ARESTADO ang sinasabing ‘second in command’ ng isang crime group at wanted sa kasong rape sa Leyte, sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa Caloocan City. Dinakip si Ramil B. Declaro noong Oktubre 15 sa Gregoria de Jesus St., Bagong Barrio, Brgy. 139, Caloocan City. Si Declaro ang sinasabing sub-leader ng kilabot na Limos carnapping group na umano’y responsable sa nangyayaring carnapping incident sa Caloocan City at karatig na mga lugar. Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape, na inisyu ni Acting Presiding Judge…
Read More3 MTPB ENFORCERS TIKLO SA KOTONG
BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District Raxabago Police Station ang tatlo umanong nangongotong sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Moriones St. sakop ng Barangay 123 sa Tondo, Manila noong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jericho”, 44; alyas “Almario”, 30, at alyas “Mark”, 35-anyos. Batay sa ulat ni P/Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Raxabago Police Station, bandang alas-10:00 ng umaga nang damputin ang tatlong suspek dahil sa sumbong ng isang 37-anyos na truck driver na si alyas “Noel”, ng Tolosa, Leyte. Ayon…
Read MoreLAS PIÑAS LGU UMANI NG PARANGAL SA MAAYOS NA HEALTHCARE PROGRAMS
KINILALA ng Department of Health (DOH) – Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa kanyang mataas na kalidad ng mga serbisyong pangkalusugan. Ang lokal na pamahalaan ay kinilala sa kanyang Outstanding Financial Compliance dahil sa maayos na paggamit ng pondo ng DOH gayundin sa maagap at wastong liquidation nito. Ginawaran din ang Las Piñas City ng Plaque of Appreciation dahil sa suporta nito sa iba’t ibang healthcare programs na nagbibigay ng de-kalidad at abot-kayang health care services na naaayon sa universal health care.…
Read More2 BUNTIS, 1 PA TIMBOG SA P.5-M SHABU
UMABOT sa halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek pasado alas-10:00 ng gabi noong Linggo sa ikinasang operasyon ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, sa pamumuno ni SPD District Director, P/Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft, sa Makati City. Isinagawa ang buy-bust operation ng isang lady police officer na tumayong poseur buyer, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang babae at isang lalaki sa Pateros Street, Barangay Olympia, Makati City. Katuwiran ng dalawang buntis, wala silang hanapbuhay at kailangan nilang kumita para…
Read MoreMANGINGISDA NILIKIDA SA KALSADA
PATAY ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Namatay habang itinatakbo sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Rolando Suangco, 43, ng Brgy. Navotas West, Navotas City. Dakong alas-12:10 ng madaling araw, nakaupo si Suangco sa gutter ng kalsada sa Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat, Malabon nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ng isa sa mga ito ang biktima saka tumalilis. Natagpuan sa crime scene ang apat na…
Read More