NANAWAGAN ang isang pro-consumer, non-government organization (NGO) group sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gawin ang kanilang bahagi upang maiwasan ang pagkawala ng suplay ng kuryente sa Luzon. Sa isang opinion piece, sinabi ng Kuryente.org ang posibilidad na maaaring mawalan ng kuryente sa araw ng halalan sa Mayo 9 kung hindi aaksyon ang NGCP. “Hindi namin maaaring ipagsapalaran na magkaroon ng power interruptions sa araw ng halalan kung saan ang mga Pilipino ay boboto sa pamamagitan ng electronic voting machine at sa panahon ng paghahatid ng data…
Read MoreCategory: METRO
POLITICAL LEADER, PATAY SA PAMAMARIL
PATAY ang isang political leader ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek noong Martes ng hapon sa naturang lungsod. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Renato Luis, 47, ng Barangay Tonsuya. Ayon sa ulat nina P/SSgt. Michael Oben at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon Police chief, P/Col. Albert Barot, habang naglalakad ang biktima sa KADIMA basketball court, Brgy. Tonsuya dakong alas-3:36 ng hapon nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek…
Read MoreIsinilang ng ina sa tumatakbong trike SANGGOL NAHULOG SA TULAY, PATAY
ISANG bagong silang na sanggol ang natagpuang patay sa isang tulay makaraang umanong mahulog mula sa tricycle kung saan siya iniluwal ng kanyang ina noong Mayo 3 ng hapon sa Malabon City. Ayon sa kaibigan ng ina ng sanggol na si Princess Reyes, itinakbo ang buntis sa pagamutan dahil manganganak na ito at sa biyahe ay hindi napansin na lumabas na ang sanggol at nalaglag sa Tinajeros Bridge sa nasabing lungsod. Sinabi naman ng driver ng tricycle na si Wilfredo Macaraeg na hindi niya batid na lumabas na ang sanggol…
Read More5 SANGKOT SA FAKE NEWS SASAMPOLAN NG COMELEC
HIHINTAYIN ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang halalan at ang limang indibidwal ay sasampahan ng kaso makaraang matukoy na nagpapakalat umano ng “fake news” sa social media ukol sa nalalapit na national and local elections sa Mayo 9. Ayon kay Commissioner George Garcia sa Kapihan sa Manila Bay forum, inilapit na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang linggo ang kaso laban sa mga netizen na sinisiraan umano ang kredibilidad ng komisyon at ang proseso ng halalan. “Asahan niyo po in the next succeeding days, even after the elections,…
Read MoreKalsada sa paligid ng Batasan pinasara DEFENSOR KINASTIGO SI BELMONTE
KASTIGO-MAYOR ang patutsadang pinalipad ng isang kongresista sa katunggaling alkalde kaugnay ng pagpapasara ng mga pangunahing lansangan sa paligid ng Batasan bilang paghahanda sa nakatakdang election rally para kay reelectionist Mayor Joy Belmonte ng Quezon City. Giit ni Anakalusugan Party-list Rep Mike Defensor na kandidato sa posisyon ng mayor ng nasabing lungsod, kalabisan ang 21-oras na pagpapatigil ng daloy ng trapiko sa isang distritong lubhang mahalaga sa pampublikong transportasyon at maging sa galaw ng komersiyo at kalakalan. Sa abisong ipinaskil sa Quezon City Government official Facebook page, naglabas ng abiso…
Read MorePOLICE GENERAL, 11 IBA PA KINASUHAN SA ABRA SHOOTING
ISANG police general at 11 iba pang mga tauhan ng Philippine National Police ang kinasuhan kaugnay sa nangyaring shootout sa isang COMELEC checkpoint na ikinamatay ng isang close-in bodyguard ng bise-alkalde sa bayan ng Pilar, lalawigan ng Abra. Sa isang pulong balitaan, dinepensahan ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos ang mga pulis na sinasabing gumaganap lamang sa kanilang tungkulin subalit nahaharap ngayon sa kasong murder kaugnay ng nangyaring shooting incident sa Pilar, Abra noong Marso 29. Nilinaw ni Gen. Carlos na kanyang iginagalang at kinikilala ang trabaho ng National Bureau…
Read MorePULIS, MILITAR DAPAT EXEMPTED SA GUN BAN – PDU30
DAPAT na awtomatikong exempted mula sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec) ang kapulisan at pwersa ng militar. Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito ay sa kabila na may ilang uniformed personnel ang may ugali na namamaril kapag nalalasing. Sa kanyang Talk to the People nitong Martes, sinabi ng Pangulo na may mga miyembro ng kapulisan at militar ang nahihirapang makakuha ng clearances lalo pa’t wala na silang oras para iproseso ito. “Getting individual clearances from the Comelec is really a bad idea, kasi po some policemen are…
Read MoreSariling resolusyon ‘binabali’ ng MCBOC? PAGBILANG NG BOTO SA M’LA CITY HALL PINALAGAN
PINALAGAN ng abogado at tumatakbo sa Konseho ang desisyon ng Manila City Board of Canvassers ng Commission on Elections (Comelec) na sa loob ng session hall ng Manila City Hall gawin ang pagbibilang ng mga balota sa May 9 national and local elections. Nakapaloob sa ilang pahinang petisyon na isinumite ni Atty. Eduardo ‘Bimbo’ Quintos sa Comelec na dapat gawin ang canvassing sa isang lugar na hindi kontrolado ng sinomang tumatakbong kandidato o partido. Si Quintos ay kandidato para konsehal sa ika-4 na distrito ng Maynila sa ilalim ng PDP-Laban.…
Read MoreSUSUNOD KAMI SA UTOS – ATONG ANG
“NAGSALITA na ang Pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya”. Ito ang pahayag ni Charlie “Atong” Ang, pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kumpanya na may palarong e-sabong, kaugnay ng tuluyang pagpapahinto ni Duterte sa operasyon ng e-sabong sa bansa. Dagdag pa ni Ang, “gagamitin namin ang panahon na ito para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng Pangulo na mga problema sa e-sabong.” Nauna nang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang lahat ng e-sabong sa bansa simula ngayong Martes, bunsod ng rekomendasyon ni Department of…
Read More