WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang PNP Drug Enforcement Unit at Bureau of Customs (BOC), ang nadiskubreng shabu laboratory, katabi ng isang kilalang drug store sa C3 Road, Caloocan City. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isang kitchen type/small scale laboratory ang sinalakay ng kanilang mga tauhan katuwang ang PNP-NCRPO, sa C3 corner A. Mabini Street, Brgy. 23, Caloocan City, bandang alas-6:30 kamakalawa ng hapon. Ayon naman kay P/MGen. Felipe Natividad, hepe ng National Capital Region Police Office, base sa…
Read MoreCategory: METRO
CONTRACTUAL EMPLOYEES SA QC GAGAWING REGULAR NI DEFENSOR
MAGIGING regular na ang trabaho ng libu-libong contractual workers sa Quezon City Hall kapag nanalo si mayoralty candidate at Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor. “The Quezon City government’s long-time contractual workers deserve to be regularized so that they can enjoy security of tenure and receive allowances as well as bonuses, including the 13th month pay,” ayon sa mambabatas. Sa kasalukuyan ay umabot sa 13,376 ang contractual workers sa city government kung saan karamihan sa mga ito ay matagal nang nagtatrabaho subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi nare-regular ang mga ito. Mabatid na…
Read MoreBUILD, BUILD, BUILD DAPAT ITULOY
NANGAKO ang ACT-CIS Party-list na ipagpapatuloy ang Build, Build, Build Program ni Pangulong Duterte kapag ibinalik sila ng taumbayan sa Kongreso. Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, hindi maaaring ihinto ang nasabing programa dahil lahat ng sektor ay nakikinabang dito. Ani Yap, “dapat talagang ituloy ng susunod na administrasyon ang Build, Build, Build Projects dahil malaking naibawas nito sa problema sa trapiko”. “Bukod sa traffic solution, maraming trabaho rin ang nagagawa ng nasabing mga proyekto,” dagdag ni Yap. Pag-amin pa ni Yap, magiging katuwang nila sa Senado si Senatorial Aspirant…
Read MorePAGTULONG SA LOW INCOME COMMUNITIES TULOY-TULOY
PATULOY na nagkakaloob ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga low-income communities sa bansa sa gitna ng nararanasang global health crisis at sa pagkakataong ito, daan-daang indigent residents naman sa Quezon City ang kanilang natulungan. Namahagi ang outreach team ng senador ng mga pagkain at face masks sa may 833 vulnerable residents na mula sa mga barangay ng North Fairview, West Fairview, Gulod, San Bartolome, Nova Proper, Greater Lagro at Sta. Lucia sa Teresa Heights Subdivision Covered Court. Namahagi rin sila ng mga bagong pares ng…
Read MoreEX-BAYWALK BODIES MEMBER, 4 PA HULI SA DRUG BUST
TAHASANG itinanggi ng Armed Forces of the Philippines na naging kasapi ng hukbo ang drug personality na nadakip ng mga awtoridad kasama ng isang dating miyembro ng Baywalk Bodies, at tatlong iba pa sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang sinasabing ex-AFP officer at member daw ng Philippine Military Academy Class 1987 na si Fidel Samson Jr., alyas “Jake”. Batay sa paunang ulat mula sa CPD District Drug Enforcement Unit, ikinasa ang operasyon laban sa target na si alyas “Jake”, 58, dating miyembro umano ng…
Read MoreWATER SUPPLY INTERRUPTION SA VALENZUELA, MALABON GAGAWING REGULAR
TULUYAN nang gagawing regular ng Maynilad ang pagpuputol ng supply ng tubig sa Valenzuela City tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga. Mula Marso 10 hanggang Marso 16 ay walang tutulong tubig sa mga gripo sa sumusunod na mga barangay sa lungsod nasabing mga oras: Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De Leon, Isla, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Pasolo, Poblacion, Polo, Rincon, Tagalag, Viente Reales at Wawang Polo. Ito ay dahil pupunuin ng Maynila ang mga reservoir nito na mabilis na…
Read MoreGOV’T EMPLOYEES NA MAGPAPABAKUNA ‘EXCUSED’ SA TRABAHO
IKOKONSIDERANG “excused” ang government employees na liliban sa kanilang trabaho kapag magpapabakuna ang mga ito laban sa COVID-19. Ito ang nilalaman ng advisory ni Civil Service Commission (CSC) Chairman Karlo Nograles sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno na magpapabakuna, primary dose man o booster shot. Inilabas ng opisyal ang advisory sa gitna ng Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Days, Part IV na sinimulan noong Marso 10 hanggang ngayong araw (March 12) sa buong bansa. Nilinaw ng opisyal na umiiral pa rin ang CSC Memorandum Circular No. 16, s. 2021, nakasaad na “Absence from…
Read MoreKRISIS SA TUBIG, NAKAAMBA SA CAMANAVA
HINDI pa man tuluyang natatapos ang dalawang taon nang pandemya, sumunod naman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin, habang krisis naman sa tubig ang nakaamba sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area. Unang nasampolan ang lungsod ng Valenzuela, kung saan abot sa 23 barangay ang nawalan ng tubig mula Miyerkoles dakong 10:00 ng gabi (Marso 9), hanggang 6:00 ng umaga nitong Huwebes, (Marso 10). Kabilang sa mga nawalan ng tubig ang mga barangay ng Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De…
Read More1,720 ARESTADO SA COMELEC GUN BAN
UMABOT na sa 1,720 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) sa loob lamang ng 60 araw na implementasyon nito. Sa datos ng Philippine National Police, nasa 1,654 ng mga naaresto ay pawang mga sibilyan, 27 ang security guards, habang 15 naman ang kasapi ng pulisya, siyam sa hanay ng mga sundalo at may 15 iba pa na mula sa mga ahensya ng pamahalaan. Resulta ito ng 1,598 police operation na ikinasa sa iba’t ibang panig ng bansa buhat nang magsimula ang…
Read More