NCR, 47 PANG LUGAR INILAGAY SA ALERT LEVEL 1

INILAGAY ng Inter-Agency Task Force, ngayong Martes, Marso 15 ang National Capital Region (NCR) kasama ang 47 pang lugar sa ilalim ng Alert Level 1, epektibo Marso 16, 2022 hanggang Marso 31, 2022. Ang mga lugar na ito sa Luzon ay ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela at Quirino;Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac and Zambales; Region IV-A: Batangas,…

Read More

Chinese envoy ipinatawag ng DFA CHINESE NAVY SHIP PUMASOK SA SULU SEA

IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese ambassador Huang Xilian dahil sa “illegal incursion” at “lingering presence” ng Chinese navy vessel sa Sulu Sea. Sa isang kalatas, inanunsyo ng DFA na ipinatawag ni acting Undersecretary Ma. Theresa Lazaro si Huang matapos pumasok nang walang pahintulot sa Philippine waters ang People’s Liberation Army Navy (PLAN) electronic reconnaissance ship, na may bow number 792, mula Enero 29 hanggang Pebrero 1. “The Philippine Navy challenged the PLAN vessel, which claimed it was merely exercising innocent passage,” ayon sa DFA. “However, the…

Read More

INCLUSIVE EDUCATION SA PWDs, BATAS NA

NAGPAPASALAMAT si Senador Win Gatchalian sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang batas na titiyakin ang dekalidad at abot-kamay na edukasyon at mga serbisyo para sa mga mag-aaral na may kapansanan. Sa ilalim ng Republic Act No. 11650 na pinamagatang “Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act,” mandato na sa mga pampubliko at mga pribadong paaralan na tiyaking bawat mag-aaral na may kapansanan ay magkakaroon ng sapat na access sa dekalidad na edukasyon. Nakasaad din sa naturang batas na…

Read More

PAMAMAHAGI NG FUEL SUBSIDIES PINAMAMADALI NI REP. ROBES SA DOTr

SA pagsisikap na mapagaan ang epekto sa patuloy na pagtataas ng mga produktong petrolyo, nanawagan si San Jose del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaliin ang pamamahagi ng inilaang P5 bilyong ayuda sa mga operator at tsuper ng pampublikong sasakyan. Sa inakdang Resolution 2515, sinabi ni Rep. Robes na ang pananakop ng Russia sa Ukraine nitong mga nagdaang linggo ang naging daan upang pumalo sa mahigit US$110 kada bariles ang presyo sa…

Read More

PETISYONG P470 UMENTO SA SAHOD SA NCR, INIHAIN

SA gitna ng pasakit na dulot ng walang humpay na taas-presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo, pormal nang naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petisyong dagdag sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR). Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, P470 kada araw ang hirit ng grupo para sa mga manggagawa sa Metro Manila. Sakaling aprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB), sisipa sa P1,007 kada araw ang magiging sahod ng mga minimum wage earners sa kabisera. “Non-negotiable po ito at…

Read More

PROBE SA MISSING SABUNGEROS MAY LINAW NA – PNP

SA kabila ng pagkabalam bunsod ng direktibang inilabas ng isang mataas na opisyal sa Palasyo, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mabibigyang linaw na ang kontrobersyal na pagkawala ng 34 na sabungerong magkakahiwalay na dinukot sa Maynila, Bulacan, Laguna, Batangas at Rizal. Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group, may kakapasok lang na lead na posible anilang magbigay daan para matunton ang mga pinaniniwalaang miyembro ng sindikatong nasa likod ng pagdukot sa mga sabungerong ayon sa paunang imbestigasyon ay pawang sangkot sa game-fixing. Dagdag pa ng CIDG, mas malinaw…

Read More

29 DATING ADIK LAYA NA SA DROGA

UMABOT sa 29 Navoteño, kabilang ang anim na children in conflict with the law (CICL), na dating lulong sa droga ang nabigyan ng ikalawang pagkakataon makaraang magtapos sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas. “We are thankful to our graduates for choosing to change for the better and strive to become responsible citizens. Acknowledging their addiction and fervently working to overcome it takes a lot of courage and self-control. We urge their families and our fellow Navoteños to support their endeavors and help them…

Read More

Sa Fire Prevention Month UGNAYAN NG PULIS AT KOMUNIDAD INILUNSAD SA TONDO

NAKIPAG-UGNAYAN sa komunidad ang mga pamatay sunog mula sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection upang makaiwas sa sunog kasabay ng paggunita sa Fire Prevention Month, partikular na sa Tondo, Manila. Pinangunahan ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, station commander, ang pagpapaalala sa pag-iingat sa sunog ngayong buwan ng Marso o kahit sa anong petsa. Naging guest speaker sa okasyon si Senior Fire Officer Al Jeph Lorenzo na nagpaliwanag sa pag-iingat upang makaiwas sa sunog. Kasama rin sina P/Major Christopher Del Mundo, hepe ng Asuncion Police Community Precinct,…

Read More

Konsehal na administrator ng sabungan puntirya PULIS, 3 ARMADO PATAY SA ENGKWENTRO

BATANGAS – Patay ang isang pulis at tatlong armadong kalalakihan habang sugatan ang dalawang sibiyan, sa engkwentro sa Brgy. Quilitisan sa bayan ng Calatagan sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Patrolman Gregorio S. Panganiban Jr., Assistant Finance Police Non-Commissioned Officer, at miyembro ng Traffic/Patrol Team ng Calatagan MPS. Base sa ulat na natanggap ng Calatagan Municipal Police Station, may umaaligid na armadong kalalakihan sa Calatagan Cockpit Arena. Target umano ng mga ito ang isang nagngangalang Michael Comaya na municipal councilor ng Lian, Batangas at administrator ng…

Read More