140 VAX SITES SA QC OPERATIONAL NA

UMAABOT na sa 140 vaccination sites para sa COVID-19 ang nag-o-operate sa anim na distrito sa buong Quezon City. “We are expanding and intensifying our vaccination program to accommodate the city’s eligible population, estimated at 2.8 million residents, including 5–11-year-old children. This figure does not include the thousands of non-resident workers who also get their shots in the city,” ayon kay Mayor Joy Belmonte. Ang nasabing sites ay kinabibilangan ng health centers, malls, schools, community venues, churches, at special venues na tulad ng Smart Araneta Coliseum at Quezon Memorial Circle.…

Read More

May kinalaman sa nawawalang mga sabungero? GRENADE THROWING SA MAYNILA BINUBUSISI

granada

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief, General Dionardo Carlos sa Manila Police District na laliman pa ang imbestigasyon sa nangyaring paghahagis ng granada sa Manila Arena sa Sta. Ana ng nasabing lungsod. Nabatid na inaalam din kung may kinalaman ang nasabing insidente sa nawawalang mga sabungero na inuugnay naman sa online sabong at game fixing. Mismong si PNP Chief Gen. Carlos ang naglabas ng direktiba na imbestigahan ang insidente para mapanagot ang mga suspek. Sinabi ni Carlos, posibleng may kaugnayan ang insidente sa mga naiulat na nawawalang mga sabungero ang…

Read More

Sa health workers overseas deployment 7K ANNUAL CAP PINABABASURA NI DEFENSOR

IPINABABASURA ni Congressman at Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor sa gobyerno ang 7,000 annual cap sa overseas deployment ng healthcare works (HCWs). Ginawa ng mambabatas ang nasabing kahilingan sa gobyerno dahil parami nang parami ang HCWs lalo na ang mga registered nurse sa bansa, ang nagbabaka-sakaling makapagtrabaho sa United States (US). “We maintain that Filipinos enjoy the right to live and work wherever they can achieve the best quality of life for their families,” pahayag ni Defensor kahapon. “Our healthcare workers are entitled to sell their skills to the…

Read More

KULONG, MULTA VS PHISHING SCAMMERS DAGDAGAN

phising

DAHIL sa isa na namang panloloko kung saan naaapektuhan ngayon ang mga public school teacher na may mga payroll account sa pag-aari ng gobyerno na Land Bank of the Philippines (Landbank), sinabi ni senatorial aspirant at Sorsogon Gov. Chiz Escudero na dapat baguhin ang ilang batas upang mapatawan ng mas mabigat na parusa at multa ang mga online scammer. “Naging mas mapangahas at mas sopistikado na ngayon ang Phishing scammers, talagang sinasamantala nila ang kakulangan sa digital literacy ng mga Pilipino. Madalas, tulad sa insidenteng ito sa Landbank, ang mga…

Read More

RED CROSS BAKUNA BUS UMARANGKADA SA KYUSI

NAGSIMULA na ang mobile vaccination sa Quezon City nitong Huwebes sa pamamagitan ng proyektong ‘Bakuna Bus’ ng Philippine Red Cross (PRC). Ang programa ay inilunsad ni Quezon City Councilor Patrick Michael “PM” Vargas upang makaabot ang pagbabakuna sa mga lugar na marami pa ang hindi nababakunahan. Naisakatuparan ang programa sa suporta ni PRC chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon kay Councilor PM Vargas na siya namang Red Cross QC Novaliches Branch Council chairman. Isa ang programang medikal sa mga tinututukan ni Vargas, tumatakbong kinatawan ng Quezon City…

Read More

MAY KASONG ROBBERY SA QC, ARESTADO NG WPD

INIATANG ng korte sa mga tauhan ng Manila Police District Station 12 ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa isang 37-anyos na babaeng sangkot sa robbery, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Novaliches, Quezon City noong Biyernes ng hapon. Kinilala ni MPD District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si H-D Tablante, residente ng Block 34, Lot 17, King Paul St., Kingspoint Subdivision, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Paul Jady Doles, commander ng MPD- Delpan Police Station 12, bandang alas-2:30…

Read More

ESTUDYANTE WALANG FACE MASK, HULI SA SHABU

mask

SWAK sa hoyo ang isang 19-anyos na estudyante nang mahulihan ng lagpas sa P.3 milyong halaga shabu nang sitahin dahil walang suot na face mask sa Caloocan City. Maliban sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at “Disobedience of lawful orders of persons in authority or their agents”, nahaharap din kasong sa paglabag sa City Ordinance 0862 na nagmamandato sa pagsusuot ng face mask, ang suspek na si Joseph Sabsalon y Beaniza, binata, ng #69 Bagong Sikat St., Brgy. 132, Bagong Barrio, Caloocan City. Ayon sa…

Read More

MODERNIZATION NG BFP MAGPAPABUTI SA SERBISYO

PINAPURIHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang mga serbisyo sa proteksyon at pagsugpo sa sunog sa isinagawang seremonya ng Bureau of Fire Protection (BFP) noong Martes, Enero 25, para markahan ang turnover ng 62 bagong unit ng fire trucks na ipinagkaloob ng pamahalaan. Ang event ay virtually attended ni Sen. Go na ginanap sa BFP national headquarters sa Quezon City. Ang 1,000-gallon capacity na mga fire truck ay bahagi ng isang set ng mga pagbili na ginawa noong 2020 na inaasahang ganap na maihahatid…

Read More

COVID DEATH TOLL SA MALABON, UMAKYAT SA 700

UMABOT na sa 700 ang COVID-19 death toll sa Malabon City matapos na tig-isang pasyente sa mga barangay ng Baritan at Catmon ang binawian ng buhay noong Enero 28. Ayon sa City Health Department, 30 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangays Catmon (3), Ibaba (2), Longos (6), San Agustin (2), Tañong (3), Tonsuya (7), at Tugatog (7). Sa kabuuan ay 25,059 ang positive cases sa siyudad, 152 dito ang active cases. Habang 35 ang bilang ng mga gumaling mula sa Barangays Catmon (2), Concepcion (2),…

Read More