Publiko binalaan ng BSP PEKENG PERA NAIPAPASOK SA ATM

POSIBLENG kumalat ang mga pekeng pera na magmumula sa ATM ng mga bangko dahil sa impormasyong may mga nagdedeposito nito sa nasabing mga makina. Kamakalawa, nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maging maingat at tingnang mabuti ang nakukuhang pera mula sa Automated Teller Machines (ATMs). Pinaalalahanan pa ng central bank ang publiko na regular na suriin ang pera upang malaman ang authenticity nito sa pamamagitan ng “feel, look, tilt” na paraan bilang pag-iingat laban sa mga peke. “Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit,…

Read More

NAT’L CHILDREN’S VAX DAY IKAKASA

HINIKAYAT ng health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa. Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric COVID-19 vaccine news and the Journey to the New Normal” na idinaos nitong Enero 25, pinatunayan ng health experts ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines. Sa kahalintulad na webinar, sinabi ni Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Benny…

Read More

Cyber crimes pinatutuldukan ni Defensor P365-M NG CICC GAMITIN VS HACKING, PHISHING

DISMAYADO ang isang kongresista sa patuloy na pagdami ng cybercrimes sa kabila ng pondong inilaan para sa Cybercrime Investigation and Coordinating Council (CICC) na may mandatong tugunan ang mga biktima ng cyber attacks at pagtugis sa cyber criminals. Giit ni party-list Rep. Mike Defensor na aspirante rin para sa posisyon ng alkalde sa Quezon City, hindi dapat ipinagwawalang bahala ng CICC ang pinakahuling cyberattack kung saan ang sahod na nakadeposito sa Land Bank of the Philippines (LBP) ng mga guro naman ang pinuntirya. Ayon pa sa kongresista, may kakayahan ang…

Read More

PAG-IMPORT NG GALUNGGONG PAG-ARALAN MUNA

DAPAT pag-aralan muna ng Department of Agriculture (DA) ang planong pag-aangkat ng galunggong dahil maraming mangingisda ang maaapektuhan. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, bagamat may kakulangan ng galunggong dahil sa bagyong Odette noong nakalipas na buwan at ang umiiral na “fishing ban” ngayon”, dapat timbangin ng DA kung ano ang mas mahalaga – ang kabuhayan ng mga fisherman natin o ang mga konsyumer na galunggong lang ang kayang bilhin. Ayon kay Yap, maiintindihan naman ng mga konsyumer kung hindi tayo mag-iimport alang-alang sa mga mangingisda natin. Ani Yap,…

Read More

P20-M HALAGA NG HOMECARE KITS DONASYON SA 17 LGUs

MULING nag-donate ang Pitmaster Foundation ng P20 milyong halaga ng homecare kits sa 17 local government units sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation, “Ito ay ilan lamang sa mga inisyatibang ipinagpapatuloy ng Foundation upang maiwasan ang COVID-19 lockdown, matulungan ang mga health workers, at maprotektahan ang mga maliliit na negosyo.” Sinabi ni Cruz, ang direktiba sa kanila ng kanilang chairman na si Charlie “Atong” ay tulungan ang mga LGU sa NCR sa laban nila sa COVID-19 at suportahan ang COVID-19 Response…

Read More

P74-B DROGA NASABAT SA PINAS

IGINIIT ng Malakanyang na hindi nagsayang at walang nasayang na resources sa war on drugs ng gobyernong Duterte dahil nagresulta naman ito ng pagkasabat sa P74 bilyong halaga ng illegal na droga. “Wala pong sinayang ang administrasyon sa laban sa illegal drugs, the results will speak for themselves. Since July 2016 to November 2021, P74 billion worth of illegal drugs, drug laboratories, and drug paraphernalia were seized and destroyed,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. “23,686 barangays were also cleared of illegal drugs,” dagdag na pahayag…

Read More

86 KLASENG ANTIGEN KITS PINABABAWI SA MERKADO

NAGBABALA ang Food and Drugs Administration (FDA) laban sa kumakalat na self-administered antigen kits sa merkado. Giit ng FDA, substandard ang 86 klase ng antigen kits batay sa kanilang pagsusuri. Bunsod nito, naglabas na rin ng recall order ang ahensya laban sa nasabing medical supplies na karaniwang ginagamit sa hangaring mabatid kung ang isang tao ay positibo sa nakamamatay na COVID-19. Gayunpaman, may dalawang nakalusot sa mahigpit na pamantayang itinakda ng FDA bago pa man gawaran ng special certification – ang Panbio COVID-19 antigen self-test ng Abbot at ang SARS-CoV-2…

Read More

DATING DFA SEC. BOBBY ROMULO, PUMANAW NA

PUMANAW na ang 82-anyos na dating dating Foreign Affairs Secretary Roberto “Bobby” Romulo, ayon mismo sa pamangking si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Kilala ang yumaong dating DFA Secretary sa kanyang makulay na karera sa gobyerno, Una siyang itinalagang ambassador ng Belgium, Luxembourg at sa Commission of European Communities. Nang maupo naman sa Palasyo si Fidel V. Ramos, itinalaga si Romulo bilang DFA Secretary at kalaunan ay bumalik sa pribadong sektor bilang chairman ng AIG Philippines Insurance, PETNET, Inc. MediLink Network Inc. at Nationwide Development Corporation (NADECOR). Bago pa…

Read More

3 PATAY, 5 SUGATAN SA MASBATE STRAFING

BLANGKO pa ang homicide probers ng PNP-PRO5 hinggil sa motibo ng hindi pa nakikilalang mga suspek na nasa likod ng naganap na ‘strafing’ sa dalawang bahay sa Milagros, Masbate na ikinamatay ng tatlo katao kabilang ang isang bata, at ikinasugat ng limang iba pa. Ayon sa Masbate PNP, may lead at person of interest na silang tinututukan na posibleng magbigay linaw sa pamamaril sa bahay ng dalawang pamilya sa Barangay Capaculan, Milagros, Masbate. Nabatid sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni P/Maj. Rustom Dela Torre, hepe ng Masbate PNP, dead on the…

Read More