BUKOD kay Police Brigadier General Roderick Alba, hepe ng PNP Public Information Office (PIO), nagtalaga na rin ng isang opisyal na tagapagsalita ang pamunuan ng Philippine National Police. Isang lady spokesperson ang hinirang ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos bilang tagapagsalita sa mga isyu na may kaugnayan sa pinuno ng pambansang pulisya. Si Police Colonel Jean Fajardo, isang PNPA graduate at lady lawyer, ang itinalaga ni Gen. Carlos bilang kanyang bagong tagapagsalita. Miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Kaagapay” Class of 1996 at nagtapos ng abogasya sa Jose…
Read MoreCategory: METRO
343 HULI SA GUN BAN
PATULOY sa pagtaas ang bilang ng nahuhuling lumalabag sa ipinaiiral na total gun ban ng Commission on Elections na ipinatutupad ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine kaugnay sa papalapit na eleksyon. Pumalo na sa 343 ang bilang ng mga lumabag sa nationwide gun ban na ipinatutupad na 45,638 Comelec-PNP-AFP checkpoints, mula sa naitalang 318. Sa datos na ibinahagi ng PNP, 25 ang pinakahuling nadagdag, 23 ang sibilyan at dalawa naman ang security guards. Lahat aniya ng mga naaresto ay kanila nang sinampahan ng kaukulang kaso. Sa kasalukuyan…
Read MoreMilitary service para sa bayan SARA NAKAKUHA NG SUPORTA SA KAMARA
NAKAKUHA ng suporta sa Kamara si presidential daughter at vice presidential candidate Sara Duterte sa kanyang panukalang “military service” sa mga Pilipino pagtuntong ng mga ito sa edad 18-anyos. “Military service for our youth is great for nation-building. Besides improving in a big way our national defense preparedness, military service will also instill in young Filipinos a deeper sense of duty to the country,” pahayag ni House Assistant Majority Leader Eduardo. Magugunita na umani ng pagtutol ang panukala ni Duterte, running mate ni presidential aspirant Bongbong Marcos, mula sa mga militanteng…
Read MoreKinuwestyon na ng COA FOOD PACKS NI MAYOR JOY LABAG SA PROCUREMENT LAW
KINUWESTIYON na ng Commission on Audit (COA) si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa P479 million halaga ng COVID-19 pandemic procurement na ginawa ng kanyang tanggapan sa simula ng pandemya noong 2020. Ito ang nabatid kay Anakalusugan Representative at mayoralty bet Mike Defensor, na pruweba aniya na hindi pamumulitika ang isiniwalat nitong pagbili ng QC government ng food packs na umano’y overpriced. Ayon sa mambabatas, sinabi ng COA na nilabag ng City government ang procurement law at implementing regulation kasama ang accounting rules sa biniling food packs na nagkakahalaga ng…
Read More3 TESTIGO LUMUTANG KONTRA ‘PEKENG HEREDERO’ NG TYCOON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI malayong malamig na rehas sa halip na pera ang himasin ng isang umano’y ampon na umaagaw sa mga ari-arian ng nag-ampon sa kanyang business tycoon mula sa mga tunay na tagapagmana sa Pasay City. Ito ay matapos lumabas ang mga testigo at nagpatunay na walang karapatan ang suspek na si Albert Nocom na angkinin ang mga pag-aari ng umampon sa kanyang business tycoon na si Mariano Nocom Sr. sapagkat wala siyang pormal na adoption papers at hindi rin naman siya kadugo ng mga Nocom. Sa…
Read MoreEXHIBITIONIST DAKIP SA TERMINAL
MALAMIG na rehas ang kasunod na hinimas ng isang binata makaraang ireklamo ng 22-anyos na dalaga ng kahalayan sa isang bus terminal sa Quezon City. Kwento ng biktimang si Angelina Pillarina Chavez, residente ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City, isang lalaki ang dumakma ng kanyang dibdib at naglaro pa ng kanyang ari sa Carousel Bus Terminal sa kahabaan ng EDSA bandang alas 6:00 ng umaga kahapon. Kinilala ni Corporal Noelanie Sumad-on ng Project 6 Police Station Women and Children Protection Desk ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na…
Read MoreSARADONG KORTE NADAGDAGAN
UMABOT na sa 27 ang mga korte na pansamantalang sarado habang sinasalanta muli ang bansa ng COVID-19 surge. Pinahintulutan ng Supreme Court ang pansamantalang pagsasara ng ilang korte sa Apayao; Puerto Princesa City; Masbate; Siquijor; Zamboanga Del Norte; Zamboanga Sibugay; Lanao Del Norte; Davao De Oro; Davao Oriental; North Cotabato; Sarangani; Sultan Kudarat; Surigao Del Norte; Maguindanao; at Basilan. Sa inilabas na SC Circular, sinabi ni Deputy Court Administrator Raul Villanueva na kailangang sumunod sa pagsasara ang mga huwes, empleyado ng korte at maging mga kliyente hanggang sa katapusan ng…
Read More6.4K LITRONG DIESEL IDO-DONATE SA PCG
INAPRUBAHAN ng Department of Finance (DOF) na i-donate ang six thousand 400 litro ng diesel na nasabat ng Bureau of Customs noong nakaraang taon sa Philippine Coast Guard (PCG). Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, isasagawa ito sa bisa ng ‘memorandum of agreement (MOA)’ na pinirmahan ng BoC at PCG upang magamit ng mga mandaragat sa kampanya kontra smuggling. Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), pinapayagan na mai-donate ang mga nakumpiskang produkto basta aprubado ng kalihim ng Finance department. Ang diesel ay kinumpiska ng Port of…
Read More5 TIMBOG SA BDO HACKING
HINDI nakapalag ang limang indibidwal, kabilang ang dalawang Nigerian national, umano’y mga miyembro ng “Mark Nagoyo heist group” na pinaniniwalaang nasa likod ng hacking ng 700 depositors ng Banco de Oro, nang bitbitin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor ang mga suspek na sina Ifesinachi Fountain Anaekwe alyas Daddy Champ, Chukwuemeka Peter Nwadi, Jherom Anthony Taupa, Ronelyn Panaligan at Clay Revillosa. Batay sa ulat ng NBI-Cybercrime Division, Enero 18 pa nang dakpin sa isang operasyon ang dalawang Nigerian nationals nn sina Anaekwe…
Read More