Sa pagkamatay ng mag-asawa sa ‘Bloody Sunday’ raid 17 PNP OFFICERS, PERSONNEL KINASUHAN NG MURDER

SINAMPAHAN na ng kasong murder ang 17 opisyal at personnel ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Region lV-A) na iniuugnay sa pagpatay sa mag-asawa sa tinaguriang “bloody sunday” raid sa Nasugbu, Batangas. Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), ang 17 operatiba ng CIDG Region lV-A ay nagsilbi ng arrest warrant sa mag-asawang Ariel at Ana Mariz Evangelista na napatay noong Marso 7, 2021 sa nasabing lalawigan. Iniimbestigahan din ang mga nasabing pulis sa pagkamatay ni Emmanuel “Manny” Asuncion, local coordinator ng BAYAN Cavite…

Read More

Sa Tondo at Pandacan AKTIBIDAD SA PISTA NG STO. NIÑO TABLADO

TABLADO ang lahat ng mga aktibidad sa kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at sa Pandacan sa Lungsod ng Maynila sa Enero 16. Inihayag ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasunod ng pagkansela sa online at physical classes mula Enero 14 hanggang Enero 21. Sinabi ng alkalde, walang magaganap na stage shows, religious procession, street parties, street games at iba pang katulad na pampublikong pagdiriwang. Gayundin, ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar. Inatasan ni Moreno ang mga barangay chairman sa nabanggit na mga lugar…

Read More

MOST WANTED SA BICOL TIMBOG SA QC

ARESTADO sa mga tauhan ng Masambong Police Station (PS-2) ng Quezon City Police District (QCPD) ang no.8 regional level most wanted person ng Bicol, sa bisa ng warrant of arrest sa Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Ritchie Claravall, commander ng Masambong Police Station (PS-2), ang suspek na si Fernando Servillon, 49-anyos, tubong Libmanan, Camarines Sur, at residente ng #37 Kalyos St., Brgy. Veterans Village, Project 7, Quezon City. Ang suspek ay nadakip ng pinagsamang mga operatiba ng PS-2, Intelligence Group ng PRO 5, at Pilar Sorsogon Municipal Police Station,…

Read More

HIGIT 100 KAWANI NG PCG, CSC, BI POSITIBO

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan na nagpopositibo sa COVID-19. Sa Philippine Coast Guard (PCG), aabot na sa 133 officers at personnel mula sa national headquarters ang tinamaan ng sakit. Dahil dito, pansamantalang naka-lockdown ang tatlong opisina ng PCG National Headquarters. Kabilang dito ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Comptrollership, Coast Guard Public Affairs, at Coast Guard Finance Service. Sa Civil Service Commission (CSC), aabot naman sa 103 empleyado nito ang tinamaan din ng COVID-19. Hindi pa kasama…

Read More

SHABU, LIQUID MARIJUANA NASABAT NG BOC, PDEA

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu at liquid marijuana sa isang consignee sa Quezon City noong Miyerkoles. Kinilala ang arestadong drug suspect na si Eric Ambrosio Roperos, 47-anyos, residente ng 43 BPI Nursery Compound, Brgy. Vasra, Visayas Ave., Quezon City. Ang suspek ay nadakip makaraang tanggapin ang kargamento na may lamang umano’y shabu at liquid marijuana na nagkakahalaga ng P90,000. Ayon sa ulat ng BOC-Port of Clark, unang natuklasan ang ilegal na droga nang isailalim ang isang shipment na…

Read More

MGA SIKSIKANG KULUNGAN, PINATUTUGUNAN

NANAWAGAN si Senadora Leila de Lima sa gobyerno na agad nang resolbahin ang matagal nang problema sa nagsisiksikang mga kulungan sa bansa. Kasunod ito ng pagkamatay ng anim na preso at pagkasugat ng 33 pang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa riot sa Caloocan City Jail noong Enero 11. Naganap ang riot matapos ang kaguluhan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP)  na ikinasawi ng tatlong PDLs. “Hangga’t hindi nabibigyan ng kaukulang pansin at hindi nasosolusyunan ang matagal nang problema ng malubhang pagsisiksikan sa ating mga kulungan, hindi matatapos ang…

Read More

RE-ELECTIONISTS NANGUNGUNA SA NCR 2022 ELECTIONS SURVEY

NANANATILING nangunguna ang mga re-electionist na alkalde sa Metro Manila. Sa isinagawang non-commissioned poll noong Disyembre 16-23, 2021 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na sumasaklaw sa 16 lungsod at 1 munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ay patok na patok pa rin ang mga re-electionist sa survey ng mayoralty bets. Sa Quezon City ay frontrunner pa rin si Mayor Joy Belmonte na may mataas na trust at performance rating kaya na nakakuha ng 62 porsiyento ng boto kaysa 35 porsiyento ni Rep. Mike Defensor sa karera para sa…

Read More

Bawas sa anxiety ng mga guro, estudyante MANILA NAGPATUPAD NG HEALTH BREAK

NAGPATUPAD ng health break ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila simula sa Enero 14 hanggang Enero 21, bunsod ng lumalalang bilang ng COVID-19 cases. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko moreno” Domagoso, ang health break ay upang mabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga guro at mga mag aaral. Paliwanag ng alkalde, ang health break o walang pasok ay ipatutupad sa lahat ng level sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan at unibersidad. “The City of Manila is declaring a health break starting January 14 to January 21, 2022.…

Read More

8 SUGATAN SA ARARO NG TANKER TRUCK

CAVITE – Walo katao ang sugatan, kabilang ang apat na kababaihan, makaraang araruhin ng isang tanker truck ang isang nakatigil na pampasaherong jeepney, nag-aabang na mga tao at isang tricycle sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang mga nasugatan na sina Reneboy Ostia y Venida, 50, driver; Jessa Solsona y Tugueño, 27; Aldrin Ardina y Arias, 25; Dyanbe Borden y Agaban, 34; Rosemarie Lopez y Panza, 32; Henilyn Ducusin y Villar, 34; Joy Roquero y Laude, 28; at ang driver ng tricycle na si Joselito…

Read More