3 HOLDAPER HULI SA HOT PURSUIT OPS

TUGUEGARAO CITY – Tatlong suspek, kabilang ang dating J&T employee, na sangkot sa robbery hold-up sa Santiago City kamakailan, ang naaresto ng mga awtoridad sa hot pursuit operation sa Santiago City at Quirino Province noong Martes ng umaga Ang mga suspek ay kinilalang sina Mack Jay Dela Cruz Venturina, 28-anyos, construction worker; Pee Jay Dela Cruz Venturina, 34, dating empleyado ng J&T, pawang mga residente ng Purok 6, Abra, Santiago City, at Randy Ignacio Andres, 46-anyos, construction worker, residente ng Purok 6, Diffun, Quirino. Ayon sa police report na ipinadala…

Read More

COVID-19 CASES SA QC LUMOLOBO

LAGPAS 200,000 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City mula nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020 sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Joy Belmonte. “We are alarmed over the fresh surge of new infections in the city, and the local government’s apparent weak and slow response to the public health emergency,” ani Congressman Mike Defensor na tumatakbong mayor sa lungsod. Base umano sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), umabot na sa 202,614 ang naitalang kaso sa lungsod Quezon matapos madagdagan ng 22,214 sa loob lang…

Read More

57 DILG PERSONNEL SAPUL SA COVID-19

BUKOD kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, sapul din sa nakamamatay na COVID-19 ang 57 empleyadong nakatalaga sa central office ng departamento. “Marami po din ang nagka-COVID, gaya po ng ibang mga frontliners natin. Dito lang po sa central office, out of our 1,124 total employees, meron po kaming 57 na mga nagpositibo,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Gayunpaman, marami aniya sa nasabing bilang ng mga pinakabagong nagpositibo ay hindi kinakitaan ng ano mang sintomas, habang ang ilan ay pumasok sa ilalim ng kategoryang “mild cases”. Bukod sa…

Read More

‘NO BAKUNA, NO LABAS’ IPATUPAD NANG MAAYOS

PINAALALAHANAN ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang mga otoridad na ipatupad nang maayos ang “no bakuna, no labas” policy ng gobyerno matapos makatanggap ng ilang reklamo na kahit ang mga taong bibili ng pagkain o gamot ay hindi na rin pinapayagang lumabas. Ani Cong. Yap, “yung mga walang bakuna pero kailangan bumili ng pagkain o gamot ay pwede lumabas ayon na rin sa naunang utos ng Pangulo”. “Kasi kung hindi talaga sila papalabasin, saan sila kukuha ng makakain o gamot kung may sakit ang isa sa kasama nila sa bahay,”…

Read More

MANILA LGU NAGLABAS NG BAGONG PATAKARAN SA HOSPITAL BED UTILIZATION

INIHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Lunes (Enero 10), ang pagbabago ng patakaran sa paggamit sa hospital bed para sa COVID-19 patients, kung saan tanging may malala o kritikal na sintomas ang tatanggapin sa anim na ospital matapos obserbahan ang pinakamataas na bilang ng mga impeksyon ng Omicron variant sa isang araw na nasa higit sa 33,000. Ang anim na Manila district hospitals ay: Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital (150-200 bed capacity), Ospital ng Tondo (50 beds), Justice Abad Santos Medical Center (150 beds), Ospital ng Sampaloc (50…

Read More

ACADEMIC BREAK NG MGA GURO, SUPORTADO

SUPORTADO ni Senadora Risa Hontiveros ang panawagan ng mga guro para sa dalawang linggong health break. Sinabi ni Hontiveros na tao rin ang mga guro na nalalagay din sa panganib ang kalusugan at nakararanas ng hirap tulad ng ordinaryong tao. Ipinaliwanag pa ng senadora na sa panahon ngayon kung hindi man mismong ang guro ang maysakit ay ang kanilang pamilya. “A two-week break is the amount of time for full quarantine and to let them rest, recover or attend to their family’s needs,” pahayag ni Hontiveros. Kasabay nito, nanawagan ang…

Read More

MGA SUNDALO BINALAAN SA PAG-POST SA SOCIAL MEDIA

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine Army sa kanilang mga tauhan hinggil sa pakikilahok sa social media na maaaring pumabor sa mga kandidato kaugnay sa nalalapit na May 2022 national and local elections. Inatasan ni Commanding General, Philippine Army (CGPA) Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr. ang lahat ng Army personnel na umiwas sa pagpapaskil o posting, liking, sharing, at  commenting sa mga social media lalo na sa Facebook na politically motivated, controversial at fraud. Tiniyak din ni Ltgen Brawner na zero-tolerance para sa partisan politics ang Hukbong Katihan. Pinaalalahanan ng…

Read More

GORDON, NAGLABAS NG MGA KONDISYON PARA SA HOUSE ARREST KAY TWINKLE DARGANI

NAGLABAS ng mga kondisyon si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon para kay Twinkle Dargani, presidente ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na pinayagan nang makalaya sa Senate detention. Sa kanyang sulat, inirekomenda ni Gordon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na isailalim sa house arrest si Twinkle matapos na ring magpositibo sa COVID-19. Kabilang sa mga kondisyong inilatag ni Gordon ay tiyaking nasa bahay lamang si Twinkle at hindi magtutungo sa iba pang lugar habang nagpapatuloy ang pagdinig ng Senado sa sinasabing iregularidad ng kontrata ng Pharmally sa gobyerno.…

Read More

6 ospital sa Maynila PARA SA SEVERE, CRITICAL CASES MUNA

TATANGGAP lamang ang anim na pinatatakbong hospital ng lokal na pamahalaan ng Maynila, ng mga severe o kritikal na COVID-19 cases at hindi na ng mild cases ng virus. Inihayag ni Manila Mayor at presidentiable Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang COVID-19 patients na nasa malubha o kritikal na kondisyon lamang ang tatanggapin. Kabilang sa anim na hospital ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos Medical Center, Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, at ang Bagong Ospital ng Maynila. “Para naman sa ganon, magamit natin…

Read More