MAKARAAN ang halos anim na taong pagtatago sa batas, arestado ang isang 39-anyos na most wanted person makaraang matunton sa isang compound sa North Harbor sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Edmundo Pintac ng Regional Trial Court Branch 15, 10th Judicial Region ng Ozamis City, inaresto ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Joshua Caroro y Lumacad, may asawa, driver at nanunuluyan sa #25 Eucalyptus St., Western Bicutan, Taguig City dahil sa kasong paglabag sa Republic Acts 9262 o Violations…
Read MoreCategory: METRO
MARKET HELPER PATAY SA KAPUSTAHAN SA ONLINE SABONG
PATAY ang isang 38-anyos na market helper makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang kapustahan sa online sabong sa Carmen Planas St., Binondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Jeffrey Mirabona, ng Blk. 36, Kaunlaran Village, Dagat-dagatan, Caloocan City. Habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas “Waray”. Base sa ulat na isinumite ni Det. Teody Seguen kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:30 ng madaling araw nitong Miyerkoles nang mangyari ang krimen sa Carmen Planas St.sa Binondo. Ayon sa ulat, nang magkita…
Read MoreSa huling linggo ng Nob. ALERT LEVEL 2 SA METRO MANILA
WALANG nakikitang dahilan ang OCTA Research sa kasalukuyan upang hindi maibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa huling dalawang linggo ng Nobyembre. Pahayag ito ni OCTA Research Team Dr. Guido David, sa gitna pa rin ng panawagan ng mga negosyante na ibaba na sa Alert Level 2 ang NCR, upang mas maraming negosyo ang makabalik sa operasyon. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Dr. David na wala naman silang nakikitang bagong variant na maikukonsiderang mapanganib sa ngayon. Ang napapabalita aniya na Delta Plus variant sa UK at…
Read MoreP7.8-B PARA PATABAIN 3.6M BATANG PINOY
TUMATAGINTING na P7.8-bilyong pondo ang inilaan ng Kamara para pantustos sa ilalim ng 2022 national budget sa mga programang tugon sa problema ng malnutrisyon sa mga batang mula sa mga maralitang pamilya. Kasabay ng paggunita sa National Children’s Month ngayong Nobyembre, umaasa naman si committee on welfare of children vice-chairman Rep. Mike Defensor (Anakalusugan party-list) na isasakatuparan ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga bata. “We are counting on the national government’s targeted feeding programs to help improve the nutritional and overall health condition of children…
Read MorePinababasura ng solon CDE NG LTO ILLEGAL
IPINABABASURA ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Comprehensive Driver’s Education (CDE) ng Land Transportation Office (LTO) dahil wala umano itong legal na basehan. Sa House Resolution (HR) 2325 na inakda ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, sinabi nito na ang CDE ay dagdag na gastusin lang sa mga Filipino lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang CDE ay bagong requirement na itinakda ng LTO sa mga driver na magpapa-renew ng kanilang lisensya dahil ipatutupad na ang Republic Act No. 10930 o 10 taon na bisa ng driver’s license.…
Read More3 KOREANO HULI SA $840-M TELECOMS FRAUD
TATLONG South Koreans national na umano’y sangkot sa telecommunications fraud, ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Novaliches, Quezon City. Nabatid sa report, ang mga suspek na sina Jin Unghyeon, 29; Choi Sukhyun, 34, at Lee Seungsu, 23, ay nahuli sa aktong nangangasiwa at nagpapatakbo ng computer workstations para sa panloloko ng mga biktima sa pamamagitan ng voice phishing noong Oktubre 27. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang suspek na si Jin ay matagal nang wanted sa mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot din sa telecommunications fraud, at…
Read MoreHIGIT 9K BIYAHERO DUMAGSA SA MGA PANTALAN
MAHIGIT 9,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Undas. Sa datos ng PCG, nasa 5,607 ang bilang ng outbound passengers habang 4,151 ang inbound mula alas-6:00 ng umaga noong Linggo. Kaugnay nito, nasa 94 vessels at 119 motorbanca ang ininspeksyon ng PCG sa 15 distrito nito sa buong bansa. Nananatili ring nasa heightened alert ang lahat ng districts, stations, at substations ng PCG mula pa noong October 29 at tatagal hanggang November 4, ngayong taon para makontrol ang pagdagsa…
Read MoreMATATAONG LUGAR BANTAY-SARADO HANGGANG PASKO
MAS pinaigting na pagbabantay na may kalakip na pulis sa bawat matataong lugar ang direktiba sa hanay ng pulisya bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan. Giit ni Philippine National Police (PNP) director, General Guillermo Eleazar, tuloy-tuloy na ang kanilang pagbabantay sa malls, tourist spots, pamilihan at maging sa mga bahay sambahan sa hangaring tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa pinakamalaki at pinakamahabang pagdiriwang. Aniya, inatasan na rin niya ang lahat ng hepe ng pulisya at mga unit commanders na paigtingin ang police visibility sa mga matataong lugar na saklaw ng…
Read MoreARRIVAL OF PASSENGERS SA PINAS, BUMABA NG 72%
INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na 72% ang ibinaba ng bilang ng mga pasahero na dumarating sa bansa mula sa abroad sa panahon ng siyam na buwan bilang patuloy na negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa international travel industry. Sa isang pahayag, inihayag ni BI Commissioner Jaime Morente na nakapagtala lamang ng kabuuang 893,886 international travelers na dumating mula Enero hanggang Setyembre. Batay sa ulat noong 2020, may kabuuang 3.2 million ang dumating sa parehong panahon. “This is a far cry from our pre-pandemic figures, wherein we reached 12.6 million…
Read More