MALAKI ang posibilidad na ilagay sa mas pinaluwag na Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng reproduction rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). “Nakikita natin very likely ‘yun. Nakikita natin na bumababa na ang reproduction rate– Nasa (zero) point 52 percent and then also yung positivity ay bumababa na rin,” ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., na siya ring chief implementer of the National Task Force (NTF) against COVID-19. Ani Galvez, kasalukuyang nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pandemic response sa mga high-risk…
Read MoreCategory: METRO
MOTORISTA LUBAYAN SA PMVIC INSPECTIONS
MARAPAT na hakbang ang pormal na pag-isyu ng memorandum na nagsususpinde sa mandatory vehicle inspection ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs), ayon kay Sen. Grace Poe. Inaasahan ni Poe na ang implementasyon ng naturang memo ay magpapahupa sa kalituhan ng mga vehicle owner at motorista sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. “Bibigyan nito ng katiyakan ang mga vehicle owner at motoristang pumili ng mas maginhawang posisyon sa gitna ng sala-salabid na hamon ng pandemya,” sabi ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services. Ang naturang memo ay inisyu…
Read MoreALERTO ITINAAS PARA SA UNDAS
INILAGAY sa mas mataas na antas ng alerto ang lahat ng daungan sa buong bansa bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero kaugnay ng nalalapit na Undas. Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Vice Admiral Leopoldo Laroya, nasa heightened alert status na ang lahat ng kanilang operating units simula ngayong araw hanggang Nobyembre 3 ng kasalukuyang taon upang tiyakin ang seguridad ng mga pasaherong inaasahang uuwi para gunitain ang kanilang mga pumanaw na kaanak sa Araw ng Patay. “I have directed concerned units to ensure maritime security and safety in…
Read MoreMalapit sa PCP station BRGY. CHAIRMAN, 1 PA SUGATAN SA PAMAMARIL
NAKATAKDANG ipatawag ng Pasay City Council si Pasay City Chief of Police Col. Cesar Paday-os matapos ang insidente ng pamamaril noong Linggo sa barangay hall na ikinasugat ng barangay chairman at tauhan nito sa Maricaban, Pasay City. Napag-alaman ng mga konsehal na walang pulis sa bisinidad nang mangyari ang insidente kung saan malapit sa barangay hall ang isang PCP station. Nais ng mga konsehal ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa pangunguna ni Vice Mayor Bhoyet Del Rosario, na magpaliwanag si Col. Paday-os sa kawalan ng mga pulis sa lugar…
Read MoreMALABON, VALENZUELA MAY TIG-ISANG PATAY SA COVID-19
ISA ang patay dahil sa COVID-19 sa Malabon City habang 14 ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 27. Sa kabuuan ay 21,128 ang positive cases sa siyudad, 103 dito ang active cases. Habang dalawang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 20,385 ang recovered patients ng siyudad habang pumanhik sa 640 death toll Isang COVID patient din ang namatay sa Valenzuela City noong Oktubre 27 habang 334 ang active case matapos na 13 ang gumaling at 47 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 35,352…
Read MoreSINUKUAN NA NG COA
TULUYAN nang sinukuan ng Commission on Audit (COA) ang pagsusuri sa pananalapi ng isa sa pinakamalaking barangay sa Calabarzon region bunsod ng hayagang pagmamatigas ng mga opisyal ng barangay na maglabas ng anomang tala ng mga pinagkagastusan nito mula pa noong 2014. Sa isang pahinang kalatas, inirekomenda rin ng COA ang agarang suspensyon ni Kapitan Allan de Leon ng Barangay Dolores sa bayan ng Taytay dahil sa umano’y patuloy nitong pagmamatigas na magsumite ng mga kaukulang dokumentong magpapatunay na walang anomalyang kalakip ang mga paglalabas ng salapi ng barangay mula…
Read MoreSa kinaltasang ayuda sa Pandi IMBESTIGASYON UMUSAD NA
NAISUMITE na ng Local Task Force LAG ang resolution sa isinagawa nitong hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa isyung pagkaltas sa Livelihood Assistance Grant (LAG) na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng pandemya sa nasabing bayan. Sa huling pagdinig ng Pandi TF-LAG ay lumitaw ang isang “whistleblower” na nagbigay ng salaysay at nalalaman umano nito hinggil sa kontrobersya sa DSWD-LAG na kinaltasan umano ng Magic 7 Cooperative. Ang pagsulpot ng testigo at mga ipinahayag nito ang siyang naging basehan ng Pandi investigating…
Read MoreSALISI TIMBOG, MISIS NAKATAKAS
ARESTADO sa mga barangay tanod ang isang lalaki habang pinaghahanap ang misis nito makaraang looban ang isang bahay noong Martes ng gabi sa Tondo, Manila. Nahaharap sa kasong theft ang suspek na kinilalang si Jackie Sindol Molina ng Laon Nasa St., Tondo. Habang naglunsad ng manhunt operation ang mga awtoridad upang madakip ang misis ni Molina. Batay sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Harry Lorenzo III, commander ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 10:00 ng gabi nang mamataan ang isang lalaki sa Batangas…
Read More6 HULI SA P.2-M SHABU SA QC
INANUNSYO ni Quezon City Police District Director P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto sa anim na drug suspects na nakumpiskahan ng P238,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug buy-bust operations sa Quezon City noong Martes ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Col. Joewie Lucas, station commander ng PS-5, ang mga suspek na sina Princess Merdica Ayunandato, 23; Reymond Fidel, 31, at Reynaldo Vildosola, 45-anyos. Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-6:45 gabi noong Oktubre 26, 2021 sa Winston St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City matapos na iulat ng confidential informant sa PS-5 ang…
Read More