NAGLABAS ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang pagbabantay laban sa posibleng cyberattacks na inaasahang tatama ngayong Nobyembre 5, 2025. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inatasan ng Pangulo ang DICT at lahat ng cyber teams ng pamahalaan na maging alerto at handa sa posibleng Distributed Denial of Service (DDoS) attacks. “The President directed the DICT and all cyber teams in government to be vigilant and…
Read MoreCategory: METRO
YEAR-END BONUS, P5K CASH GIFT NG GOV’T WORKERS LALABAS NGAYONG NOV.
MAGIGING mas masaya ang Kapaskuhan ng mga kawani ng gobyerno matapos kumpirmahin ng Department of Budget and Management (DBM) na sisimulan na ngayong Nobyembre ang pamamahagi ng 2025 year-end bonus at P5,000 cash gift. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang hakbang na ito ay patunay ng commitment ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kilalanin ang dedikasyon at kabayanihan ng mga lingkod-bayan. Kinumpirma naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ipalalabas ang benepisyo kasabay ng unang payroll ng Nobyembre 2025, alinsunod sa…
Read MorePara masilayan Manila Bay sunset ISKO SA DPWH: SEWAGE TREATMENT PLANT ILIPAT
UPANG masilayan muli ang ganda ng paglubog ng araw sa Manila Bay, hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mailipat ang sewage treatment plant (STP) sa CCP Complex mula sa Roxas Boulevard. Sinabi ni Mayor Isko sa kanyang pagdalo sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) sa punong tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes ng umaga, hindi na magandang tingnan ang STP dahil ginagawa nang tambakan ng mga makina bukod sa…
Read MoreSC NAGLUNSAD NG GENDER AWARENESS TRAINING SA ZAMBALES
PINANGUNAHAN kahapon ng Korte Suprema (SC) ang isang espesyal na kurso sa gender awareness and responsiveness para sa mga hukom at kawani sa lalawigan ng Zambales, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng hudikatura tungo sa pagiging mas inklusibo at makatao. Sa kanyang talumpati, hinimok ni SC Associate Justice Henri Jean Paul Inting ang mga kalahok na maging mas maingat at sensitibo sa mga isyu sa kasarian at isabuhay ang magalang at inklusibong pag-uugali. “Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, binibigyang kapangyarihan namin ang aming sarili — mula sa mga hukom…
Read MoreINFRASTRUCTURE PROJECTS, PINATITIYAK NA MAY FEASIBILITY STUDIES BAGO ISAMA SA PAMBANSANG BUDGET
PINATITIYAK ni Senador Chiz Escudero ang transparency at accountability sa paggastos ng pondo ng bayan sa mga proyektong pang-imprastraktura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masusing feasibility study bago ito maisama sa pambansang budget. Isinusulong ng senador ang Senate Bill No. 1461 o ang Infrastructure Appropriations Integrity Act, na naglalayong pigilan ang iregularidad at maling paggamit ng pondo ng gobyerno. Ayon kay Escudero, lahat ng proyekto ng pamahalaan ay dapat lagyan ng mga detalye tulad ng station numbers, geotagging, geodetic coordinates, at iba pang paraan upang masubaybayan ng publiko kung saan…
Read MoreNAVOTAS BUSINESS CONFERENCE MATAGUMPAY NA IDINAOS
MATAGUMPAY na isinagawa ang kauna-unahang Navotas Business Conference sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno nina Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco. Tampok sa naturang pagtitipon ang mga talakayan, exhibits, at networking sessions na dinaluhan ng mga negosyante, innovators, at industry leaders mula sa iba’t ibang sektor. Layunin ng kumperensiya na palawakin ang oportunidad sa negosyo at isulong ang patuloy na pag-unlad ng Navotas City. (AJ GOLEZ) 199
Read MoreDICT AT NTC, MULING KINALAMPAG LABAN SA TALAMAK NA BENTAHAN NG PRE-REGISTERED SIM CARD
KINALAMPAG ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Telecommunications Commission (NTC) upang higpitan pa ang pagpapatupad ng batas laban sa talamak na bentahan ng mga pre-registered SIM card. Sinabi ni Gatchalian na ginagamit ang mga pre-registered SIM card sa iba’t ibang uri ng panloloko at online scams, lalo na ngayong malapit na ang Pasko kaya’t marami ang mananamantala. Nanawagan ang senador sa NTC at DICT na gamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan upang obligahin ang mga telco na gumawa ng mekanismo para…
Read MorePAGPUPUGAY NG PNP SA NAPATAY NA PULIS PINANGUNAHAN NI NARTATEZ
BINIGYANG-PUGAY ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ni Police Captain Joel Deiparine ng CIDG Regional Field Unit 7, na nasawi sa pananambang habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Barangay Sudlon 2, Cebu City. Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang pagpupugay at pagkilala kay Capt. Deiparine, na inalala niya bilang isang alagad ng batas na tapat, matapang, at may malasakit sa tungkulin — mga katangiang patuloy umanong isinasabuhay ng buong hanay ng Philippine National Police. Noong Oktubre 31, 2025, personal na bumisita…
Read MoreHALAL TOWN AT GOLDEN MOSQUE SA QUIAPO SASAILALIM SA REHAB
TINALAKAY ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang mga plano para sa pagpapaunlad ng Halal Town at rehabilitasyon ng Golden Mosque Complex sa Quiapo, Maynila. Magkasamang inikot nina Domagoso, Pangandaman, Vice Mayor Chi Atienza, at mga opisyal ng Department of Tourism and Cultural Affairs of Manila (DTCAM) ang Halal Town bilang bahagi ng paghahanda para sa ASEAN Summit sa susunod na taon, kung saan host ang Pilipinas. Pinuri ni Pangandaman ang konsepto ng Halal Town at tiniyak ang suporta ng…
Read More