MARIKINA COUNCILOR PINALAGAN AI-EDITED PHOTO SA KONTROBERSYA KAY CONG. MARCY

UMALMA ang isang konsehal ng Marikina City sa pagkalat ng isang AI-edited photo na inuugnay siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro. Tinawag ni Marikina 2nd District Councilor Jaren Feliciano ang paninira na “malisyoso, below the belt, at malinaw na black propaganda.” “Nakakalungkot, nakakainsulto at nakakayamot ang mga ganitong bintang. Sobrang below the belt na ang kabastusan ninyo,” wika ni Feliciano sa isang Facebook post. Ayon kay Feliciano, ang naturang larawan na ibinahagi ng Facebook group na Marikina Daily News ay ginawa gamit ang artificial intelligence…

Read More

‘CHISMIS’ SA PAGBIBITIW NI MAGALONG KINONDENA NI GOITIA

PINABULAANAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pahayag ni Ka Eric Celiz na nagbitiw si Mayor Benjamin Magalong sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil umano sa panggigipit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Goitia, walang katotohanan ang alegasyon at malinaw na si Magalong mismo ang nagpaliwanag na nagbitiw siya upang pangalagaan ang integridad ng pamahalaan laban sa korupsyon. “Ang bersyon ni Ka Eric na may utos ang Pangulo na itigil ang imbestigasyon o kaya’y tumanggi si Magalong na makipagpulong sa Malacañang ay walang basehan,” ani Goitia.…

Read More

BUDGET ANOMALY HUWAG ISISI SA ADMIN – GOITIA

BINANATAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang mga paratang ng isang indibidwal, na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat sisihin sa kontrobersiya sa budget. Aniya, malinaw ang Konstitusyon: “Nasa Mababang Kapulungan nagsisimula at natatapos ang appropriation bills. Ang Kongreso ang gumagawa, nagdedebate, at nagpapasa ng budget — kasama ang insertions. Kung may anomalya, sila ang dapat managot. Ang pagsisi sa Pangulo ay insulto sa prinsipyo ng separation of powers.” Sa isyu naman ng veto, aniya: “Ang veto ay panangga laban sa mali, hindi espada para patayin…

Read More

FC FUNDS MAS MAINAM SA MAHIHIRAP MAPUNTA KAYSA SA MGA TIWALI – TULFO

TAMA lang ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilipat ang P36 bilyong pondo mula flood control project ng DPWH patungo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naghihirap na mamamayan. Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, mas makabubuti na sa mahihirap mapunta ang pera kaysa bulsa ng mga tiwaling opisyal, kontraktor at politiko. “Instead nga naman na mapunta lang sa bulsa ng mga DPWH officials, contractors at politiko, mas mainam na mapunta na…

Read More

Panawagan ni Sen. E. Tulfo: FOOD, HEALTH, JOBS DAPAT DING PANSININ NG SENADO

SA gitna ng mainit na isyu ng flood control corruption at budget hearing, nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na huwag kalimutan ang pangunahing problema ng taumbayan—mataas na presyo ng pagkain, mahal na pagpapagamot, at kawalan ng trabaho. Sa isang ambush interview, sinabi ni Tulfo: “Sana in between sa hearing ng flood control at usaping budget para sa 2026, mapagtuunan din natin ng pansin ang tatlong problema ng tao—pagkain, kalusugan, at trabaho.” Dagdag pa ng senador, tama lamang na busisiin ang korapsyon para hindi na…

Read More

Nagbabala laban sa disinformation AFP, DND MULING ITINANGGI KUMALAT NA COUP PLOT

NAGBABALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga kumakalat na maling impormasyon at mapanlinlang na larawan sa social media na layong maghasik ng pagkakawatak-watak at sirain ang tiwala ng publiko sa Hukbong Sandatahan. Ayon sa AFP, isa sa mga pekeng ulat ang pagdikit ng maling testimonya sa isang larawan na nagsasabing isang aktibong Marine ang sangkot sa ilegal na gawain ng militar kaugnay ng imbestigasyon sa multi-bilyong flood control projects. Nilinaw ng AFP na ang tinutukoy na indibidwal na si Orly Guteza ay matagal nang sibilyan matapos…

Read More

95K katao na evacuees sa bagyo KALINISAN AT LIGTAS NA DONASYON SA EVAC CENTERS – DOH

UMABOT na sa halos 95,000 katao o 13,967 pamilya ang nasa evacuation centers matapos ang pananalasa ng mga bagyong Mirasol, Nando at Opong. Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng kumalat ang leptospirosis, dengue at diarrhea kung hindi mapapanatiling malinis ang paligid. Paalala ng DOH: itapon nang tama ang basura, gumamit ng sariling kubyertos, at agad i-report kung puno na ang basurahan. Para sa mga nais mag-donate, kailangan ang inuming tubig, ready-to-eat food, hygiene kits, malinis na damit, kumot, diapers, face masks, flashlight at basic medicines. Dagdag ng DOH,…

Read More

INTERPOL BLUE NOTICE VS. REP. ZALDY CO KASADO

KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na inihahanda na nila ang kahilingan sa Interpol para mag-isyu ng blue notice laban kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy. Bagama’t wala pa ang naturang notice, tiniyak ng kalihim na kasalukuyan na itong pinoproseso kaugnay ng pagkakasangkot umano ng kongresista sa maanomalyang flood control projects. “Yes, we’re working on it. I’m asking Assistant Secretary Eli Cruz to help us with the blue notice,” ani Remulla. Aminado rin siya na hindi ito agad maisasakatuparan dahil sa dami ng impormasyon na…

Read More

COA NAGHAIN NG FRAUD AUDIT REPORTS SA ICI KAUGNAY SA P360-M DPWH FLOOD CONTROL PROJECTS SA BULACAN

Itinurn-over ni COA Assistant Commissioner Bresilo R. Sabaldan (gitna) ang pinakabagong Fraud Audit Reports sa ICI. NAGHAIN nitong Biyernes ang Commission on Audit (COA) ng apat na fraud audit reports (FARs) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga iregularidad sa apat na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–Bulacan 1st District Engineering Office (DEO) na nagkakahalaga ng mahigit P360 milyon. Batay sa imbestigasyon ng COA, isang proyekto ang hawak ng SYMS Construction Trading, habang tatlo naman ay nasa ilalim ng Topnotch Catalyst Builders Incorporated…

Read More