2 SUSPEK SA BARAYUGA MURDER HAWAK NA NG NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang akusado sa pagpatay kay dating pulis at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga nitong Lunes. Sa bisa ng warrant of arrest, ikinasa ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (OTCD) ang pagdakip matapos kusang loob na sumuko ang mga akusado. Ang arrest order ay kaugnay ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ), NBI, at Philippine National Police (PNP) sa pamamaril at pagpatay kay Barayuga at kanyang driver noong Hulyo 30, 2020 sa Mandaluyong City. Namatay si Barayuga sa…

Read More

3RD NOMINEE NG AKO BICOL IPOPROKLAMA KAPALIT NI ZALDY CO

MAAARING maupo na ang ikatlong nominado ng Ako Bicol Party-list bilang kapalit ni Representative Zaldy Co na nagbitiw sa puwesto. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Erwin George Garcia, nakakuha ng dalawang puwesto ang Ako Bicol noong nakaraang halalan kaya’t ang ikatlong nominado sa kanilang listahan ang awtomatikong aangat bilang kinatawan. Batay sa tala ng Comelec, si Jan Franz Norbert Joselito Almario Chan ang ipoproklama ng National Board of Canvassers kapalit ni Co. Nilinaw ni Garcia na hinihintay lamang nila ang pormal na abiso mula sa House of Representatives…

Read More

SAN SIMON MAYOR PUNZALAN, HUMARAP SA SANDIGANBAYAN SA KASONG GRAFT AT EXTORTION

SI San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punzalan Jr. nang dumating sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga abogado para sa arraignment sa kasong graft at extortion nitong Miyerkoles ng umaga, Oktubre 1, 2025. QUEZON CITY – Dumating nitong Miyerkoles, Oktubre 1, 2025, si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punzalan Jr. sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga abogado upang dumalo sa kanyang arraignment sa 7th Division ng korte. Nahaharap si Punzalan sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Robbery Extortion sa ilalim…

Read More

DPWH SINITA MAHAL NA CLASSROOM NG DPWH

SINITA ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos madiskubre na tatlong beses na mas mahal ang classroom na ginagawa ng ahensya kumpara sa pribadong sektor at ilang LGUs. Sa budget deliberation ng DPWH sa Kamara, kinuwestiyon ni De Lima kung bakit P3.5 milyon ang halaga ng isang silid-aralan kapag DPWH ang nagtatayo, samantalang P2.5 milyon lang kapag DepEd ang gumagawa. Lalo pang bumaba ang presyo kapag LGUs, PPPs, o private sector tulad ng Angat Buhay Foundation, na gumagastos lamang…

Read More

PILIPINAS, PASADO SA ANTI-HUMAN TRAFFICKING TEST NG U.S.

PASADO sa pamantayan ng US State Department ang Pilipinas sa laban kontra human trafficking. Sa talaan ng US Department of State, kabilang ang bansa sa 33 na may Tier 1 ranking mula sa kabuuang 188 bansa na sinuri. Batay sa Trafficking in Persons Report, kinilala na sa ika-10 sunod na taon ang matinding pagsisikap ng pamahalaan laban sa human trafficking at mga paglabag sa karapatang pantao, partikular na sa kaso ng OSAEC o online sexual abuse and exploitation of children. Tinukoy pa ng State Department ang mas pinaigting na aksyon…

Read More

REMULLA TINIYAK TRANSPARENCY SA FLOOD CONTROL PROBE

TINIYAK ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang buong transparency sa imbestigasyon ng Independent Commission of Inquiry (ICI) kaugnay ng kontrobersyal na flood control project. Sa kanilang unang pagpupulong, napagkasunduan na igagalang ang independence ng komisyon at suportado ito ng DOJ, kabilang na ang pagbibigay ng lahat ng hawak na dokumento at ebidensiya kaugnay ng kaso. Ayon kay Remulla, mahalagang bukas at malinaw ang proseso para mapanatili ang tiwala ng publiko. Dagdag pa niya, layunin ng koordinasyon na hindi lang pag-isahin ang mga ahensya ng gobyerno kundi masiguro na patas,…

Read More

PNP: MAG-INGAT SA PEKENG DONATION DRIVE

PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa mga naglipanang pekeng donation drive at online scam na sumulpot matapos ang serye ng mga bagyo. “Verify before donating. Legitimate drives come from known organizations, government, or accredited NGOs,” babala ni PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasabay ng paalala na maging mapagmatyag sa mapanlinlang na solicitations. Inatasan ng hepe ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na tutukan ang kahina-hinalang social media pages, websites, at e-wallet transactions. Pinayuhan din niya ang publiko na magbigay lamang ng donasyon sa beripikadong organisasyon.…

Read More

GARMA, 4 PA IPINAAARESTO SA BARAYUGA MURDER

IPINAAARESTO na ng korte si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma at apat pang iba kaugnay sa pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong Hulyo 2020 sa Mandaluyong City. Kinumpirma ito ni PNP Public Information Office Chief PBGen Randulf Tuaño sa press briefing sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga. Batay sa inilabas na warrant ng Mandaluyong Regional Trial Court, Branch 279, nahaharap si Garma sa kasong murder dahil sa pagkamatay ni Barayuga, at frustrated murder kaugnay ng pamamaril sa driver ng opisyal. Kasama ni…

Read More

CENTRALIZED EMERGENCY RESPONSE DEPARTMENT MULING IGINIIT

SA GITNA ng sunud-sunod na pagpasok ng mga bagyo sa bansa, muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para sa pagtatatag ng isang centralized Emergency Response Department o ERD. Sinabi ni Cayetano na ang kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council ay binubuo ng mga committed at dedicated na tauhan subalit 44 na ahensya ito na ad hoc ang coordination. Iginiit ng senador na hindi sasapat ang ad-hoc response sa bawat kalamidad kaya’t dapat mayroong departamento na in charge dito at mayroong sistemang ipatutupad para laging handang…

Read More