ILLEGAL CONNECTION PINAGTATANGGAL

UPANG maiwasan na magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari na maaaring makapaminsala at madamay dahil sa hindi maayos na mga linya ng kuryente at mga ikinabit na illegal connection ay minabuti ng pamahalaang lungsod ng Caloocan na tawagan ng pansin ang Meralco upang isaayos ang mga ito. Agad na nagsagawa ng Anti-Urban Blight (AUB) ang Meralco sa Katarungan St., Barangay 149 Bagong Barrio na naglalayong alisin ang mga sala-salabat at nakalaylay na kuryente at ang pagtanggal ng mga illegal connection. Ang AUB ay isang uri na gawain ng Meralco na ang…

Read More

Taumbayan ang talunan MARCOS-DUTERTE WAR TULOY HANGGANG 2028

(BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroon mang talunan sa hidwaan ng mga Marcos at Duterte, iyon ay ang buong sambayanang Pilipino. Ganito inilarawan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang sitwasyon ng mga Pilipino sa lumalang giyera sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pamilya ni Vice President Sara Duterte. “Ang tandem na nangako ng pagkakaisa ay nag-aaway na sa harap ng taumbayan,” ani Manuel. Naniniwala ang mambabatas na wala nang pag-asang magkabalikan pa ang mga Marcos at Duterte matapos humingi ng kapatawaran ang Bise Presidente sa mga miyembro ng…

Read More

Duterte supporter kasi? POLICE OPS SA KOJC COMPOUND ‘OVERKILL’

KINONDENA nina Senador Imee Marcos at Senador Christopher Bong Go ang sinasabing paggamit ng sobra-sobrang pwersa ng tauhan ng Philippine National Police sa pagsalakay sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City para isilbi ang warrants of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Sinabi ni Marcos na ang pagdeploy ng 2,000 pulis sa lugar ay hindi kinakailangan at walang sapat na batayan. Idinagdag ng senadora na hindi katanggap-tanggap ang idinulot na abala, takot at sinasabing pagkamatay ng isang indibidwal sa naturang operasyon. Hinimok din nito ang PNP na maging…

Read More

Humingi ng tawad dahil ipinapanalo si Marcos FILIPINOS DESERVE BETTER – VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA puno ng panghihinayang at pagsisisi si Vice President Sara Duterte dahil naging kasangkapan siya para makabalik sa Malakanyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kasabay nito humingi ng paumanhin ang bise presidente sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan niya ang mga ito na iboto si Marcos noong tumatakbo ito bilang pangulo noong 2022 national elections. “Nais kong humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong…

Read More

Imbestigasyon sa inutang ng Duterte admin noong pandemic GRANDSTANDING SA KAMARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) “IMBESTIGAHAN n’yo sarili n’yo!” Ito ang pahayag ng Partido Lakas ng Masa kaugnay sa ikinasang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso patungkol sa P7.2 trilyong utang noong administrasyong Duterte. Naniniwala ang grupo ng mga manggagawa na gagamitin lamang ng mga mambabatas sa grandstanding ang nasabing pagdinig. Kung mayroon man anilang dapat imbestigahan, walang iba kundi silang mga mambabatas na nag-apruba sa naturang mga pag-utang. “Mga hangal! Sino nga ba ang nagbigay ng absolutong kapangyarihan para mangutang at gumastos ang butangerong pangulo noong pandemya? Sino pa kundi…

Read More

UTOL NI GUO, CASSANDRA ONG HULI NA SA INDONESIA

NASA kustodiya na ng Indonesian authorities ang kapatid ni Alice Guo at opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga na si Katherine Cassandra Ong. Kinumpirma ito ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez sa ikalawang araw ng Quad Committee sa ugnayan ng Pogo, Illegal drug trade at Extra-Judicial Killings (EJK) kahapon. “Considering the communication that was sent to us as well that Cassandra Li Ong was already in the custody of the Bureau of Immigration of Indonesia. And as a matter of fact, our police attaché and…

Read More

TUMABLA KAY VP SARA SA DSWD IIMBESTIGAHAN

IIMBESTIGAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para alamin kung sino ang tumabla kay Vice President Sara Duterte nang humingi ito ng ayuda para sa mga taong lumapit sa kanyang tanggapan. Ito ang nabatid kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa ambush interview sa Kamara matapos dumalo sa budget hearing na kanyang pinamumunuang ahensya. “I will get in touch with her office para makuha lahat ng detalye para maimbestigahan natin ng mabuti,” ani Gatchalian. Nauna rito, sinabi ni Duterte na napupulitika umano ang ayuda kaya isinama nito sa kanyang…

Read More

PINOY BINUBUSABOS NI MARCOS JR.

(BERNARD TAGUINOD) BUSABOS ang tingin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa manggagawang Pilipino. Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos aminin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa budget hearing sa Kamara na ginagamit nila ang kontrobersyal na poverty threshold bilang batayan sa pagtatakda ng sahod sa bansa. “Ginagawa nilang busabos ang mga manggagawa. It is unacceptable that we base wages on this unrealistic data,” ani Brosas. Base sa pinakahuling poverty threshold, P13,873 lamang kada buwan ang kailangan ng isang pamilyang may 5 miyembro…

Read More

P7.2 TRILYON INUTANG NG DU30 ADMIN SISILIPIN

IMINUNGKAHI ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang P7.2 trillion na inutang ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng anim na taon. Ayon kay Deputy Majority Leader Janette Garin, karapatan ng taumbayan na malaman kung saan ginamit ang inutang ng nakaraang administrasyon at kung talagang nakinabang dito ang sambayanang Pilipino. “Government loans are very serious matter. Why? Sinangla mo kasi yung future ng iyong mga anak at mga apo and sometimes it’s even more than that. So why is it important to talk…

Read More