Grupo ng mga manggagawa sa Kamara: PERA NG BAYAN ‘WAG UBUSIN SA KORUPSYON

(BERNARD TAGUINOD) SUMUGOD sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon ang mga obrero mula sa Kilusang Mayo Uno (KMU) kasabay ng deliberasyon sa budget ng Department of Labor and Employment (DOLE) para ipaalala sa mga mambabatas na pera ng mga Pilipino ang pambansang pondo kaya hindi ito dapat gamitin sa korupsyon at karahasan. “Ang pondo ng bayan ay nagmumula sa pagbabanat ng buto ng manggagawang Pilipino. Dugo at pawis namin ‘yan. Kaya marapat lang na pakinabangan namin ‘yan sa pamamagitan ng serbisyo, benepisyo, at paglikha ng trabaho,” ani KMU secretary general…

Read More

Sa pagpuslit ni Guo HEADS WILL ROLL – PBBM

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga government personnel na tumulong para makaalis ng Pilipinas ang sinibak sa puwesto na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pananagutin niya sa batas ang mga taong nasa likod ng insidenteng ito. “The departure of Alice Guo has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust,” ang sinabi ng Pangulo sa isang kalatas. “Let me be clear: Heads will roll,” diing pahayag ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na mapipilitan ang kanyang administrasyon…

Read More

PAGPAPATAKAS KAY GUO INSULTO SA JUSTICE SYSTEM

HINDI lang sampal kundi matinding insulto sa justice system ng Pilipinas ang pagpapatakas kay Guo Hua Ping o Alice Guo. Pahayag ito ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong matapos kumpirmahin ng ilang ahensya ng gobyerno partikular na ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na si Guo sa bansa noon pang July 17. Naniniwala rin ang mambabatas na may tumulong kay Guo sa kanyang pagtakas lalo na’t alam ng lahat na may kinakaharap itong mabibigat na kaso dahil sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban,…

Read More

PARTIDO NI BBM BOKYA SA SENATORIAL RACE

(BERNARD TAGUINOD) BOKYA o walang orihinal na miyembro ng political party ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa senatorial race sa 2025 midterm election. Ayon ito sa ilang political observers matapos ilabas ang senatorial line-up ng administrasyon kung saan kapansin-pansin na walang original members ng PFP, kung saan chairman si Marcos at pangulo naman ng partido si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. Sa inilabas na listahan, tatlo ang ipinalabas na kandidato ng PFP na kinabibilangan nina dating Sen. Manny Pacquiao, Sen. Francis Tolentino…

Read More

Wala pang pagbabago magtataas na singil ‘HIGH-FLYING BUDOL’ SA NAIA

(BERNARD TAGUINOD) TINAWAG ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na high-flying budol dahil wala pang nagagawang pagbabago sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay magtataas na ang passenger fees. “Wala pang pagbabago na nagaganap sa NAIA, nauna nang lumipad ang singil sa mga pasahero,” dismayadong pahayag nina House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Magugunita na isinapribado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang NAIA at ibinigay ang kontrata sa San Miguel Corporation para sa rehabilitasyon at operasyon ng nasabing paliparan. Gayunpaman, halos limang buwan…

Read More

Nalusutan ni Guo IMMIGRATION, CAAP GIGISAHIN SA SENADO

(DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ng mga senador na magpaliwanag ang Bureau of Immigration at ang Civil Aviation Authority of the Philippines kaugnay sa pagkakapuslit palabas ng bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Iginiit ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na dapat managot ang BI sa kabiguan nilang matunugan ang pagtakas ni Guo sa kabila ng ilang beses nilang paninindigan na nasa bansa pa ang sinibak na alkalde. Sa panig nina Senador Grace Poe at Migz Zubiri, binigyang-diin na dapat pagpaliwanagin ang CAAP dahil sila ang dapat na may…

Read More

‘NAGPATAKAS’ KAY GUO TARGET NG KAMARA

HAHANAPIN umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga nagpatakas o tumulong kay Alice Guo para makaalis sa bansa sa kabila ng kanyang arrest warrant at mga kasong kinakaharap sa Department of Justice (DOJ). Ito ang tiniyak ng liderato ng Kamara kung saan iminungkahi na isama ang usaping ito sa imbestigasyon ng Quad-Committee sa illegal drug trades, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at Extrajudicial killings. “Siyempre hindi makaalis ‘yan kung wala siyang nilangisan sa ating pamahalaan lalong lalo na sa Bureau of Immigration. Hindi puwedeng hindi alam ng BI dahil…

Read More

AYUDA NG BBM ADMIN AMOY PULITIKA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANINIWALA ang grupo ng mga manggagawa na ang parating na eleksyon ang pangunahing dahilan ng pagtutok ng gobyerno sa pamamahagi ng ayuda. Ayon kay Ka Leody de Guzman, pangulo ng Partido Lakas ng Masa, bagaman makatwiran, hindi ipatutupad ng gobyerno ang “subsidyo para sa tamang pasweldo” sa mga MSMEs (micro, small,medium scale enterprises). “Bakit? Dahil mas nais nila ang “ayuda” na dumadaan ang makinarya ng mga elitistang trapo – mula sa barangay pataas – dahil ito ang inaasahan nilang magmobilisa ng boto tuwing halalan,” ani Ka…

Read More

VP SARA SINOPLA SA ‘POLITICAL HARASSMENT’

SINOPLA ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na bahagi ng political harassment ang mga isyung ipinupukol sa kanyang pamilya. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, ngayon lamang naglakas-loob ang lahat na panagutin ang mga nasa likod ng mga krimen na nangyari noong nakaraang administrasyon dahil noong panahon aniya ng ama ng bise presidente na si dating pangulong Rodrigo Duterte ay binubusalan, tinatakot at sinasamahan ng mga gawa-gawang kaso. “Noong panahon ni dating pangulong Duterte sa posisyon lahat ng pumuna…

Read More