Wala pang pinapasok na investment MAHARLIKA 7-BUWAN NANG NGANGA

KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na wala pang pinaglalagakang investment ang Maharlika Investment Corporation, pitong buwan matapos itong likhain. Sa pagpapatuloy ng briefing ng Development Budget Coordination Committee sa Senado kaugnay sa proposed 2025 national budget, sinabi ni Recto na umaasa silang bago matapos ang taon ay magkaroon na ng desisyon ang MIC kung saan magsisimulang maglagak ng puhunan. Ipinaliwanag ni Recto na sa ngayon ay kumpleto na ang board ng MIC na kinabibilangan ng Development Bank of the Philippines, Landbank of the Philippines, Finance Secretary at ang mga…

Read More

Huwag puro dakdak – Digong KAMARA HINAMONG MAGLABAS NG EBIDENSYA

(CHRISTIAN DALE) HINIKAYAT ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Lunes ang mga kongresista na kinokonsidera na pagsamahin ang mga imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) crimes, illegal drugs, at ang kanyang giyera laban sa ilegal na droga na magpakita ng ebidensiya sa kanilang alegasyon. Sa ulat, noon ding Lunes ay nagbigay ng kanyang talumpati si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., sinundan naman nina Cong. Joel Chua at Cong. Patrick Michael Vargas, ng isang resolusyon na nagpapanukala na pagsamahin ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng committee on drugs, public…

Read More

PBBM wala nang kawala ELECTED OFFICIALS OOBLIGAHIN SA REGULAR DRUG TEST

(BERNARD TAGUINOD) MAOOBLIGA ang lahat ng elected officials, kasama na ang nahalal na pangulo ng bansa, na sumailalim sa drug test kada anim na buwan kapag naipasa ang isang panukalang batas na inihain ni Davao City Rep. Paolo Duterte. Sa House Bill (HB) 10744 na iniakda ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte, layon umano nito na matiyak na walang nahalal sa iba’t ibang posisyon mula presidential seat pababa ang gumagamit ng ilegal na droga. Bukod dito, nais din ng mambabatas na maamyendahan ang Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive…

Read More

VP SARA TOP PRESIDENTIAL CONTENDER SA 2028

SI Vice President Sara Duterte ang mas pinaboran na presidential candidate sa 2028 elections, base sa pinakabagong non-commissioned opinion survey na ginawa ng Oculum Research and Analytics. Sinabi pa sa survey na nakakuha si VP Sara ng 25.4% voter preference, dahilan para maging ‘top presidential contender’ ito sa survey. Gayunman, dumausdos ang suporta sa kanya kumpara sa 42% voter preference score na nakuha niya sa first quarter survey. Sa kabilang dako, si Senator Raffy Tulfo ang pumangalawa sa pwesto sa pinakabagong poll na may 18.5%. Sinundan siya ni dating VP…

Read More

CONSTITUTIONAL CRISIS SA PANGHIHIMASOK NG ICC

(DANG SAMSON-GARCIA) NANGANGAMBA si Senador Ronald Bato dela Rosa na mauwi sa constitutional crisis ang anya’y panghihimasok ng International Criminal Court sa mga usapin sa bansa. Sa kanyang privilege speech, hiniling niya sa mga kasamahan na huwag itong hayaang mangyari at bantayan ang sitwasyon sa bansa. Iginiit ni Dela Rosa na kung magkaroon man ng arrest warrant ang ICC ay hindi ito dapat ipatupad ng Philippine National Police o ng local law enforcement agencies dahil batay na rin anya sa opinyon ng ilang legal luminaries ang anomang warrant of arrest…

Read More

Cathy Binag sa mga kaibigan kapag may nangyari sa kanya: 150 USB NA MAY EBIDENSYA NG BBM DRUG USE ISAPUBLIKO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAKIUSAPAN na umano ni Cathy Binag ang mga kaibigan na binigyan niya ng 150 USB na naglalaman ng mga ebidensya kaugnay sa sinasabing paggamit noon ng droga ni Pangulong Bongbong Marcos na isapubliko ito sa oras na may mangyaring masama sa kanya. Ito ay dahil nangangamba umano ang dating partner ni ex-Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo sa kanyang kaligtasan kasunod ng kanyang mga pagbubunyag. Unang lumutang si Binag sa vlogger na si Maharlika at doon ibinunyag ang kanya umanong mga nalalaman hinggil…

Read More

FIRST TRANCHE NG UMENTO SA GOV’T WORKERS TIYAK NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na maipatutupad na ngayong taon ang unang tranche ng umento sa sahod para sa mga government workers. Inihayag ito ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman sa isinigawang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa House Committee on Appropriations, sa opisyal na pagsisimula ng deliberasyon ng House of Representatives sa proposed P6.352 trillion National Budget para sa 2025. Kasama ang iba pang miyembro ng economic team ni President Ferdinand R. Marcos Jr., iprinisinta ng Kalihim ang key dimensions at highlights…

Read More

SIM REGISTRATION LAW PAAAMYENDAHAN

NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na paamyendahan ang SIM Registration Law sa gitna ng patuloy na malawakang paggamit ng SIM card sa pandaraya at pang-i-scam. Kasama sa nais maisulong ng senador ang pagkakaroon ng limitasyon sa bilang ng mga pinapayagang SIM na maaaring irehistro sa bawat user at pagre-regulate ng Short Message Service (SMS) marketing, promotional, political o fundraising na ipinadadala sa pamamagitan ng mga SIM. Binigyang-diin ni Gatchalian na kailangan ding matukoy ang mga indibidwal o organisasyon na nagbibigay-daan sa paggamit ng mga rehistradong SIM sa mga ilegal na…

Read More

GROSS GAMING REVENUES NG PAGCOR SUMIPA NG 32%

TUMAAS ng 32% ang gross gaming revenues (GGR) ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa second quarter. Itinurong dahilan ng PAGCOR ang electronic games (e-games) sector kung saan lumaki ang ‘top line’ nito ng mahigit sa 6 na beses para sa isang ‘fresh record high.’ Sinabi ng PAGCOR na tinamaan ang GGR ng P89.23 billion, 32.32% mas mataas kaysa sa P67.43 billion sa kaparehong quarter noong 2023, at 9.21% mas mataas kaysa sa P81.70-billion industry quarter sa first quarter. Iniugnay ng ahensya ang paglago sa e-games sector kung…

Read More